Professional Den

2.6K 92 38
                                        

Tahimik na umiinom si Jensen habang nag-iisip, sigurado na ang kanilang pagkapanalo sa kasong Alvarez vs. Valenzuela, pero dahil sa bagong ebidensyang inilahad ni Charley ay natalo sila. 'How come I never saw that coming?' tanong ni Jensen sa isip. Iiling-iling si Jensen, he has to admit... magaling talaga si Charley Mendoza or pwede ring masyado syang naging confident kaya hindi nya nakita ang pagiging drug addict ng anak ng kanilang kliyente.

"One tomato juice please."

Nilingon ni Jensen ang babaeng nag-order ng tomato juice, kilala nya ang tinig na yun.

"Charley Mendoza!" nakangising sabi ni Jensen. "Fancy meeting you here?" dugtong pa ni Jensen, saka muling uminom ng alak sa kanyang baso pero hindi nya ini-aalis ang tingin kay Charley.

Hindi umimik ang dalaga, inignora nya ang presensya ni Jensen at nakipagkwentuhan kay Elias.

"So..." sabi ni Jensen na naging dahilan para tumigil sina Elias at Charley sa pagkukwentuhan "Are you gonna celebrate your victory alone?" tanong ni Jensen kay Charley "Where's your arrogant partner Collin?"

"Jensen..." malumanay na sabi ni Elias, nag-aalala sya sa binata, nakailang shot na ito at may palagay syang tinamaan na si Jensen at tipsy na ito.

Hindi pinansin ni Charley si Jensen, hinarap nya ulit si Elias at itinuloy ang naputol nilang kwentuhan.

"You know what's funny..." putol ulit ni Jensen "Sigurado na ang pagkapanalo ng Winchester and Sons, ang ipinagtataka ko lang where and how did you come up with your new evidence?"

"I'm just doing my job!" mataray na sagot ni Charley.

Jensen scoffs "And I am not?" sabi nito pagkatapos.

"Jensen, siguro mas maganda kung tawagan ko na si Jared."

"I'm fine." Mabilis na sabi ni Jensen kay Elias "Mas maganda kung bibigyan mo pa ako ng isang shot...make it double!" kumindat pa si Jensen sa kaibigang nagmamay-ari ng Professional Den.

Tumingin muna si Elias kay Charley na para bang humihingi ng ayuda kung sasalinan pa nya ng alak ang baso ni Jensen, palihim na tumango si Charley.

Patuloy na nagbitaw ng maaanghang na salita ang binata habang umiinom pero hindi pinatulan ni Charley si Jensen. Jensen felt and acted the same ng maungusan nya ito sa bar. Actually yun na ang simula ng madalas nilang tampuhan nuon ni Jensen. hanggang sa magsimula ng magtrabaho si Jensen sa bagong tayong law firm ng ama.

"Where do you think you're going?" hinawakan ni Jensen ang isang braso ni Charley ng tumayo ang dalaga sa kinauupuan. "I'm not done talking to you!"

"I need to use the bathroom." Malumanay na sabi ni Charley, she's not afraid of Jensen nor she's intimidated sa kalasingan nito. Ayaw lang nyang makipagtalo sa lasing.

"With your bag?" Jensen scoffs.

Gusto sanang sabihin ni Charley 'ano bang pakialam mo!' pero useless ang magtaray sa isang lasing. Iniwan ni Charley ang bag, mabuti na lang at nasa bulsa ng kanyang coat ang cellphone. Dahilan lamang nya ang pagpunta sa CR pero ang totoo ay tatawagan nya si Ellen.

Lasing na si Jensen, he can't drive anymore. Gusto sanang makialam ni Charley na ihatid ang binata sa bahay ng mga Winchester o kaya naman ay sa mismong condo nito pero ayaw naman ni Charley na magbigay ng maling impresyon sa binata. Isa pa baka nasa condo nito si Carmen.

Pinakiramdaman ni Charley ang sarili, is she jealous of Carmen? iling lang ang ginawang sagot ni Charley sa tanong sa sarili at idinayal na nya ang numero ng mother ni Jensen.

"Ellen, we have a problem." Sabi ni Charley ng sumagot si Ellen sa kabilang linya.

"What?" nabigla si Ellen sa sinabi ni Charley na 'we have a problem'

Ipinaliwanag ni Charley na kailangan ng sundo ni Jensen dahil lasing na ito at nasa Professional Den sila.

"You're with my son?" may pagtataka sa tono ni Ellen pero nakangiti sya sa kabilang linya. Nabanggit na ng kanyang asawa na si Sebastian ang kwento ng nakaraan ng kinagigiliwan nyang dalaga at ng panganay na anak.

"We didn't come here together, inabutan ko lang sya dito at nakainom na sya ng dumating ako."

Sinabi ni Ellen kay Charley na alam na nyang natalo si Jensen sa kasong Alvarez VS Valenzuela. Inamin ni Ellen sa dalaga na maaring hindi matanggap ng anak ang pagkatalo sa kanya kaya naisipang uminom ng kanyang anak.

"I'm sorry." Hinging paumanhin ni Charley kay Ellen.

"You don't have to apologized sweetie." Dama ang sincerity sa tono ni Ellen.

Sinabi ni Ellen na susunduin ng kanyang Daddy si Jensen, nakiusap si Ellen na kung pwede ay huwag muna siyang umalis at hintayin nya si Sebastian, nang umoo si Charley ay nagpaalaman na sila.

Ilang saglit pa ay dumating na si Sebastian. Nagulat pa si Jensen at sinabing "Dad, what are you doing here?" Pero hindi pinansin ni Sebastian ang tanong ng anak. Inalalayan ni Sebastian si Jensen para tumayo habang sinasabi nyang "let's go son, I'll take you home." Pagkatapos ay humingi ng paumanhin si Sebastian kina Charley at Elias.

Nakalabas na ang mag-amang Winchester at nagkukwentuhan sina Charley at Elias ng bumalik si Sebastian sa loob ng bar. Lumapit ito kay Charley at nakikiusap ang mga mata.

"Is there something wrong?" nag-aalalang tanong ni Charley.

"I have my car with me and Jensen can't drive." Huminto muna si Sebastian at tinantya ang mukha ni Charley kung papayag ito sa favor na hihingin nya. "Okay lang ba if you drive Jensen to his place?"

Bumalatay ang sorpresa sa mukha ni Charley, bago pa sya nakapagsalita ay naunahan na sya ni Sebastian. "I'll follow you guys with my car, kung gusto mo ikaw ang mag drive ng kotse ko tapos ihahatid kita pabalik dito." Nagpakawala si Sebastian ng isang convincing na ngiti.

Hindi alam ni Charley kung papanong hihindi sa gustong mangyari ni Sebastian., Charley can't say no to her friends pag humihingi ang mga ito ng favor and Sebastian knew that.

"If you want, we can bring Jensen at our home." Sabi ni Sebastian, naramdaman nya ang pag-aalinlangan ng dalaga na samahan sila sa condo ni Jensen at naunawaan nyang may kinalaman si Carmen kung bakit ibig tumanggi ng dalaga. Last time he checked ay duon pa rin nakatira si Carmen sa condo ng kanyang anak.

"Alright..." parang napipilitang sabi ni Charley, nakahinga ng maluwag si Sebastian at kasabay ng maluwang na ngiti ay sinabi nyang "thank you Charley, you're the best." Nagpaalam na sila kay Elias. Si Charley na ang nagmaneho ng sasakyan ni Jensen at pasahero nya ang binata. Nilubos-lubos na ni Charley ang pagkakawanggawa sa mag-ama.

Nang dumating sila sa bahay ng mga Winchester ay pinagtulungan nina Charley at Sebastian na maipanhik sa dating kwarto nya si Jensen. kasunod naman nila si Ellen. Nang maihiga nila ni Sebastian si Jensen sa kama ay inayos naman ni Ellen ng higa ang anak. Hinubad nito ang sapatos ni Jensen.

"Thanks Charley!" sabi ni Sebastian.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon