Jensen did things he used to do pagkagising sa umaga, cook breakfast, make Charley her coffee at ipagsandok ang dalaga ng sariling pagkain. Tahimik namang tinanggap ni Charley ang malaprinsesang pag-aasikaso ni Jensen, parang walang kakaibang nangyayari, parang walang samaan ng loob, sabay silang nag-almusal ang kaibahan nga lamang ngayon ay tahimik sila pareho habang kumakain at hindi iisang kotse ang gamit nila, sa halip ay sumakay sila sa kanya-kanya nilang kotse para pumasok sa opisina.
Bago umandar ang kani-kanilang saksakyan ay bumusina si Jensen at isinenyas na buksan ni Charley ang kanyang bintana, sumunod naman ang dalaga. "Are you going to miss our sleeping schedules again tonight?" sigaw ni Jensen mula sa kabilang kotse.
"We'll see." Sagot ni Charley pagkatapos ay pinaandar na ang sariling kotse.
Hindi na nakapagsalita pa ulit si Jensen dahil umandar na ang kotse ni Charley at nauna na sa kanyang lumabas mula sa garahe, padabog na nagkambyo ang binata at pinaandar na rin ang kanyang sasakyan. Nang makalabas ng driveway ay nag-overtake si Jensen kay Charley at paharurot na nilagpasan si Charley.
Pagdating sa opisina ng Winchester & Sons ay halatang mainit ang ulo ng gwapong panganay ng mga Winchester. Nakangiti syang binati ng mga tauhan nila pero deadma lamang si Jensen. Nang makapasok sa kanyang private office ay padabog na ibinagsak ni Jensen ang kanyang attaché case at padabog ding naupo. Inihagod ni Jensen ang dalawang palad sa kanyang mukha kasabay ng paghugot ng malalim na hininga. Hindi na nya alam ang gagawin kay Charley. Bakit ba napakahirap ispelengin ng dalaga.
No commitment or with commitment parehas na okay para sa kanya, gustong-gusto na nyang sabihin kay Charley na 'let's break our rule' pero baka lalo lang lumayo ang dalaga sa kanya. Isn't it's the reason why kinakatok ang kanyang girlfriend, Charley said she's falling in their trap at kung hindi ito maglalagay ng pader ay mapipilitang lumayo ang dalaga. Pero unti-unti ng lumalayong muli si Charley at hindi alam ni Jensen kung ano ba ang dapat gawin. He told her na okay pa rin ang set up nila and Charley agreed pero bakit mukha yatang may problema.
May pagbabago, something is wrong. At gusto nyang sabihin kay Charley na gagawin nya ang lahat ng gusto nito para lang magpatuloy ang kanilang relasyon, 'no commitment or with commitment' parehas lang para kay Jensen.
Pero natotorpe sya, wala syang lakas ng loob na sabihin ang mga iyon sa dalaga dahil natatakot syang baka pagtawanan lang sya nito and worst baka tuluyan na sya talagang iwan ni Charley, tulad ng ginawa nito nuon na bigla na lang tinapos ang kanilang relasyon. And he can't allow that to happen again. Kung aayaw na si Charley, kung bibitaw na ang dalaga ay hindi nya alam. At hindi rin nya alam kung pipigilan ba nya ito kung sakali.
Muling inihagod ni Jensen ang dalawang palad sa mukha at parang wala sa sariling hinarap ang mga papeles sa kanyang lamesa. Sa kanyang private office nag-lunch si Jensen, bago mag-alas singko ay tinawagan nya si Charley pero hindi sinagot ng dalaga ang tawag nya. Naiinis na nagtext si Jensen ng "are you still at the office?" kay Charley na sinagot naman ng dalaga ng "I'll be working late, don't wait up."
Padabog na binitiwan ni Jensen ang cell phone at isinandal ang likod sa upuan. Pinagsalikop nya ang kanyang mga daliri sa may sikmura habang titig na titig sa kanyang cell. Nag-iisip sya kung itetext ba nya ulit si Charley, walang sinabi ang dalaga kung uuwi ba ito sa condo nya mamaya o hindi? Nang di mapakali ay muling dinampot ni Jensen ang kanyang cell phone at itinext ang tanong na tumatakbo sa kanyang isip.
"I will be late" iyon ang reply ni Charley sa tanong nya kung uuwi ba ito sa kanyang condo. Lalong nadagdagan ang inis ni Jensen, padarag nyang ibinato ang kanyang i-phone sa lamesa.
"Is there something wrong?" amused na tanong ni Jared sa kanya. Nakatayo na ito sa harap ng kanyang lamesa at nasa likod naman ni Jared ang kanilang Daddy na si Sebastian.
"I'm fine!" inirapan ni Jensen ang kapatid. Ipinatong nya ang dalawang siko sa lamesa at mariin na diininan ng magkabilang mga daliri nya ang mga mata na para bang sumasakit ang mga iyon sa pagkakadilat.
"Lover's quarrel?" sabi ni Sebastian. Nang magmulat ng tingin si Jensen ay nakaupo na sa harapan nya ang ama at ang kapatid na si Jared, parehas na may sutil na ngiti ang mga labi ng dalawa.
"Why don't you mind your own business?" naiiritang sabi ni Jensen.
"Kahapon ka pa wala sa mood." Seryosong sabi ng kanyang Daddy.
"Dad, please?" Jensen rolled his eyes at tumayo sa kanyang kinauupuan para lumipat sa sofa na nasa may gilid ng kanyang private office. Sumunod naman ang kanyang ama at kapatid na si Jared at inokupa ng mga ito ang magkabilang single seats.
"Come on Jensen!" makulit na sabi ni Jared "Talk to us, you know we won't stop until you tell us what is going on with you, especially me." Mas sutil na ngayon ang ngiting pinakawalan ni Jared.
"Where's Jess?" kunot noong sagot ni Jensen para palisin ang inis sa kapatid at ibahin ang topic.
"She's going to meet with her friends." Kibit balikat na sagot ni Jared.
"And you're not coming with her." Nagtatakang tanong naman ni Jensen.
"Dude, she's got other friends, we don't need to be together always." Nanunutil pa rin ang ngiti ni Jared "Our worlds doesn't evolve with each other only." May kahulugan ang huling sinabi ng kanyang nakakabatang kapatid.
"Meaning?" naiiritang sabi na ni Jensen.
"I didn't mean anything." Iminostra pa ni Jared ang dalawang palad sabay ng bahagyang iling ng ulo.
Irap lang ang sagot ni Jensen, he rest his back on the couch. Saglit na katahimikan, pagkatapos ay tumingin si Jensen sa kanyang ama sabay tanong na:
"Was it worth it Dad, choosing Mom over your career?" makikita ang lungkot sa mga mata ni Jensen, mahahalata ang doubt sa kanyang puso at isip.
Huminga ng malalim si Sebastian, inalis ng kanyang Daddy ang pagkakasandal ng likod sa kinauupuan nito at itinukod ang dalawang siko sa sariling tuhod as Sebastian interlocks his fingers.
"Son" diretsong tumingin sa kanya ang ama "I don't have to choose between your Mom and my career, you know your Mother has been and always been supportive and understanding with my chosen profession." Ngumiti ng matamis ang kanyang Daddy.
"Yeah I know... But I didn't mean it like that, I mean..." bahagyang ikiniling ni Jensen ang ulo sabay kibit ng mga balikat "You've got the same offer as I am but you chose to stay and marry Mom than to leave and pursue your career in Boston."
"Are you considering accepting the offer in Boston?" Gulat na sabi ng kapatid nyang si Jared.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
