Ayun Oh! (part 3)

2.6K 86 53
                                    

"Is there something wrong Atty. Mendoza?" tanong ni Emmanuel Guevarra.

Nalilito namang tumingin si Charley sa matandang bilyonaryo, hindi nya alam ang isasagot dahil una ay nawala ang atensyon nya sa sinasabi nito at hindi nya naiintindihan ang usapan at pangalawa dahil nga sa hindi nya naiintindihan ang nangyayari ay nalilito sya kung ang tanong bang 'is there something wrong' ay dahil may sinasabi si Emmanuel Guevarra o 'is there something wrong?' sa kanya.

"I think what Atty. Mendoza trying to say is..." Sinalo ni John ang awkward na sitwasyon ni Charley he looked at her at sinabing "Paying all the employed lawyers na hindi naman hahawak sa kaso ng inyong anak..." mas tamang ipinapaalam ni John sa kaibigang si Charley ang nangyayari nang makita ni John na na-gets na ni Charley ang sitwasyon ay hinarap muli ng batikang abogado ang shipping magnate at sinabing "That's a bit..." nahinto si John sa pag-sasalita dahil wala syang maapuhap na salita.

"Arrogant?" dugtong na sabi ni Emmanuel Guevarra na halatang nagtatanong.

"No!" salo naman ni Sebastian "I don't think that's the kind of word Atty. Abad will use, I think what he meant was... a bit inconvenient."

"Yes, thank you Atty. Sebastian Winchester." Nakangiti ng may gratitude si John kay Sebastian "That's what I meant." Ibinaling ni John ang tingin kay Emmanuel Guevarra.

"I wanna make sure na hindi maiha-hire ng kalaban ang sino man sa inyong firm kaya gusto kong bayaran ang serbisyo ng lahat kahit na nga hindi naman lahat ay hahawak ng kaso ng anak ko." Paliwanag naman ni Emmanuel Guevarra.

"We can assure you that our firm has this certain policy na iwasang humawak ng iisang kaso, to avoid the same battle and same loss." Sagot naman ni Brad.

"And I'm sure Winchester & Sons have the same policy." Dagdag ni John. "I mean if you will hire their firm also it will mean na magkakasama kami sa kaso ng inyong anak so there would be no problem."

"I agree with Atty Abad and Atty. Santos." Sagot naman ni Sebastian "We have the same policy and Winchester & Sons will assure you na walang kahit sino sa empleyado ko ang hahawak sa kalaban.

"That's really comforting." Sabi ni Emmanuel Guevarra "But I insists to do my offer and you need to do all the best you can para ma-abswelto ang unico hijo ko."

"My son Jensen can do that job." Confident na sabi ni Sebastian "And he have my back and all the lawyers at our firm."

"I've heard about your son's reputation and I'm confident he can do the job. I accept you Atty. Jensen Winchester to be my son's representative from your firm." Sang-ayon ni Emmanuel Guevarra.

"Thank you Sir." Nakangiting sagot naman ni Jensen.

"Then Atty. Charley Mendoza will be the representative from our office." Sabi naman ni Brad.

"What!" magkahalong pagkalito at pagkabigla ang reaksyon ni Charley. "Why me?... I mean bakit hindi ikaw or si John or si Bobby... bakit ako..." tumingin si Charley kay Emmanuel Guevarra "I thought you said you want to win your son's case and you want the best, dapat isa sa kanila ang mag-represent sa anak nyo." Dire-diretso sa pagsasalita si Charley at hindi pa sana sya tapos pero hinawakan ni Bobby ang kamay nya.

"You're babbling." Bulong ni Bobby sa kanya.

"Am i?" Sabi naman ni Charley, bahagyang tumango si Bobby "I'm sorry" sabi ni Charley sa lahat at pagkatapos ay tumikhim sya "I'm just saying Mr. Emmanuel Guevarra, Sir that John or Brad or Bobby here should represent your son." Ibinalik ni Charley ang confident na kilos at pagsasalita.

"Like I said, I've heard of you also Atty. Mendoza." Sagot naman ni Emmanuel Guevarra "And I would be more delighted if you will be the representative of your firm to win my son's case." May fondness sa ngiti ng bilyonaryo, kung may anak syang babae marahil ay kasing ganda, talino at galing din ng Atty. Charley Mendoza na ito.

"It's settled then." Mabilis na sabi ni John para di na maka-kontra pa si Charley "We will have your back." Sabi pa ni John kay Charley.

Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang sumang-ayon, hindi naman sya nawawalan ng confidence kaya rin naman nyang ipanalo ang kaso ng unico hijo ng bilyonaryo. But the thought of working with Jensen on the same case na hindi opponent ang binata at sa halip ay kakampi it would mean she needs to work with Jensen closely.

Yung makasabay ito sa Professional Den, maka-mingle sa isang benefit party o maski ang makasama ito sa dinner sa bahay ng mga magulang nito ay kayang pagdaanan ni Charley, kahit pa nga another case study sa lahat ng pinsan nito dahil graduate na ang nag-iisang kapatid nitong si Jared ay okay lang din sa kanya. Pero yung magkakampi silang hahawak ng kaso, it would mean more time with Jensen and she's worried na baka maulit ang eksena at away nila nuon sa case study ni Jared na tinawag nyang 'weekened with the Winchester brothers in a condo'. Pag nagkataon, disaster ang kalalabasan ng hahawakan nilang kaso.

Naguusap-usap sina Brad, John at Sebastian sa detalye ng kaso, simula sa pagpipyansa sa anak ni Emmanuel Guevarra hanggang sa pagpapa-file ng counter sa korte at kung ano-ano pang details. Isinusulat naman lahat ni Jensen ang mga pinag-uusapan at si Charley ay nakatingin lang kay Jensen habang tumatakbo ang mga pwedeng mangyari kapag nagsimula na silang magtrabaho ni Jensen.

"Hoy." Bulong ni Bobby kay Charley "Lubayan mo kaya ang kakatitig dyan sa big mac mo at isipin mo kung pa'no mo gugwardyahan yang amazing aloha mo pag nagsimula na kayong magtrabaho ni pogi."

Naningkit ang mata ni Charley "At talagang issue yung amazing aloha ko ganun?" bulong nya kay Bobby "And for the record that's not my big mac." Minulagatan ni Charley ang best friend.

"Is there something wrong Atty. Mendoza?" tanong ni Emmanuel Guevarra ng mapansin ang bulungan sa pagitan ng dalagang abogada at ni Bobby.

"No, Sir" mabilis na sagot ni Charley "Everything is fine." Ngumiti pa ng convincing si Charley.

"If you can't handle the job Miss Mendoza you can say it to me." Medyo authoritative na naman ang boses ng bilyonaryo.

Bumalatay ang pagtatanong sa mga mata ng kasamahan at kaibigan ni Charley habang nakatingin sa kanya. Bago pa nakasagot si Charley ay nagsalita si Collin ng "Swimming pool?" mukhang nagtatanung si Collin pero it's more like inaalaska na naman nito si Charley dahil may tendency ang 'swimming pool' logic nila ngayong magkakasama sa trabaho ang dalawang mag-ex.

"Swimming pool?" nagtatakang tanong ni Emmanuel Guevarra.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon