Case Study (part 2)

2.4K 92 66
                                        


Nag-order ng take out si Jared ng sumapit ang lunch, tuloy ang pag-gawa nila ng case study habang kinakain ang Chinese takeout na inorder ni Jared para sa kanilang tatlo. Dahil lahat ay matatalino naging mabilis ang pag-gawa ng bawat parte ng case study ni Jared. Bago mag-alas otso ng gabi ay nag-order lang ulit ng dalawang box ng pizza si Jared para sa kanilang dinner. Matatapos na halos ang case study, konting polish na lang ang gagawin nila bukas at mas maganda dahil tyak na may maidaragdag pa silang idea na nakalimutan o nakalagpas sa mga isip nila ngayong araw.

Diretso ang 'strictly business' act sa pagitan nila Jensen at Charley, nung una ay may bahagya pang iringan na namumuo sa pagitan ng dalawa pero dahil na rin sa walang sawang pagri-remind ni Jared ng salitang 'strictly business' ay na-overcome nina Charley at Jensen ang mag-umpisa ng tension sa pagitan nila. After lunch ay naging light na ang ambiance kahit nga medyo nagkaka-ilangan pa sina Jensen at Charley pero ng humapon na ay at ease na ang mood nilang dalawa.

From time to time ay nagagawa na nilang ngumiti sa isa't- isa, tumatawa na sila kapag may joke na lumilitaw sa kasong parehas nilang hinawakan. They all laugh together sa kahit sino sa kanilang tatlo ang mag-crack ng joke. And over dinner with two boxes of pizza ay patuloy ang light at palagay na mood nila Jensen at Charley. At talagang nakatulong ang magandang vibes sa pagitan ng dalawa dahil before the clock strikes at nine PM natapos ang case study ni Jared.

"Wow!" hindi makapaniwalang sabi ni Jared "I can't believe we did it?" ngiting-ngiti ang graduating law student sa kanyang kuya at kay Charley.

"Well..." ikinibit ni Jensen ang magkabilang balikat at mayabang na sinabi "You have the two finest young lawyers in town, what do you expect!"

"Hay naku!" nailing ngunit nakangiting sabi ni Charley "Ang sabihin mo magaling lang talaga itong kapatid mo kaya natapos natin yung case study." Nakatingin si Charley kay Jensen at hindi nito inaalis ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

May bahagyang sipa sa puso ni Jensen ang mga ngiti ni Charley, 'damn that smile and that dimples' sabi ng isip ni Jensen pero hindi nya mai-alis ang tingin sa mukha ng dalaga at eksakto ang tugtog sa mini component ni Jared na kanta ni Gary Valenciano sya kanyang nararamdaman ngayon kay Charley.

Nandyan ka na naman,

Tinutukso-tukso ang aking puso.

Ilang ulit na bang iniiwasan ka,

Di na natuto.

Iniiwas ni Jensen ang tingin kay Charley sabay ng kanyang buntung-hininga pero saglit lang at ibinalik nyang muli ang tingin sa mukha ng dalaga, nakangiti pa rin ito.

Sulyap ng iyong mata,

Laging nadarama kahit malayo,

Whoooo-oohh

Nahihirapan na, lalapit-lapit pa,

Di na natuto.

Pinilit palisin ni Jensen ang sipa ng ngiti at dimples ni Charley sa kanyang puso at nagtagumpay naman syang makasagot ng normal sa sinabi ni Charley kanina na magaling ang kanyang kapatid. "Palagay ko mana lang sa akin ng galing itong si Jared." Ngumiti pa sya kay Charley pagkatapos magsalita.

Para namang nawala sa pwesto ang puso ni Charley, hindi lang basta nakangiti si Jensen sa kanya, there's something in his eyes and it's not the kind of look na parang hinuhubaran sya. It's different...mga matang malambing ang pagkaka-titig habang sinasabayan ng ngiti na may tenderness kind of look from Jensen na nagpa-amo sa kanya and it never failed until now. Gustong sisihin ni Charley si Gary Valenciano sa kanyang nararamdaman sakto ang lyrics para sa kanya.

Isang ngiti mo lang

at ako'y napapa-amo, oooh.

Yakapin mong minsan ,

Ay muling magbabalik sa'yo.

Nang walang kalaban –laban,

Ang puso ko'y tanging iyo lamang.

Whoo-oh-oh.

Amused naman si Jared sa nakikitang kilos ng kanyang kuya at ni Charley, hindi nakaalpas sa malakas at sensitibo nyang senses ang klase ng mga ngiti at tingin na pinapakawalan nila Jensen at Charley para ibigay sa isa't-isa. Mabilis na sinulyapan ni Jared ang kanyang mini component, malamang ay dahil kay Gary V. kaya parang may kakaibang atmosphere ang dalawang kaharap nya. Sakto ang lyrics sa nakikita nyang emosyon na bumabalot sa kanyang kapatid at ex-girlfriend nitong si Charley.

Oh eto na naman,

Laging nananabik ang aking puso.

Muling bumabalik,

Sa'yong mga halik.

Di na natuto.

Napailing si Jared pero may ngiti sa kanyang labi. Gusto nya ang kung ano man ang nararamdaman ng kanyang mga kaharap.

Isang ngiti mo lang at ako'y napapaamo

Yakapin mong minsan ay muling magbabalik sa'yo,

Nang walang kalaban-laban, Ang puso ko'y tanging iyo lamang.

And he doesn't want to ruin the moment, the kind of connection his brother Jensen and Charley have dahil sa kanta ni Gary V. pero mas awkward naman kung wala syang magiging reaksyon.

Bago matapos ang kanta ay tumikhim si Jared at tulad ng kanyang inaasahan ay parang nagising sa isang magic spell ang kanyang kuya at ang magandang si Charley. Alanganing ngumiti si Jared sa dalawa sabay sabing "Who wants some beer, we deserved some ice cold one right?"

Walang sumagot kina Jensen at Charley, sabay silang tumikhim at patay malisyang pinalis ang kanilang conncetion. Gusto ng bumunghalit ng tawa ni Jared pero nagpigil sya at sinabing "Silence means yes." At tumayo na si Jared para kumuha ng tatlong ice cold beer sa freezer.

+>J?j

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon