THIS IS THE MOMENT!!! (caps-lock na yan...ALAM NA!!!)

2.7K 85 72
                                    

Jhamessa this chapter is for you sweetheart. Hope you will like it.

"Aegis, really Charles, honey!" pagkatapos ng salita ay sumindi ang spotlight nasilaw pa si Charley dahil nakatutok sa kanya ang ilaw. Iniharang nya ang isang palad sa tapat ng mata at hinanap ng tingin si Jensen. wala syang makita dahil sa nakakasilaw na liwanag.

"Could you please play the first part of the song Elias." Malambing na utos ni Jensen sa kaibigan.

'Ayoko sana na ikaw ay mawawala mawawasak lamang ang aking mundo.' Sabi ng kanta then it stopped. "Really!" narinig ulit ni Charley ang boses ni Jensen, nagsalita sya sa mike pero hindi gumagana ang microphone nya bago pa sya makapagsalita ulit ay narinig na naman nya ang boses ni Jensen. "Next part please." Malambing na sabi ulit ng binata.

'Ngunit anong magagawa kung talagang ayaw mo na' then the song stopped again "Where did you get the idea na ayaw ko na?" sabi ni Jensen na lumitaw sa likuran ni Charley.

Tulala naman ang dalaga, Jensen is smiling at her, there's spark in his eyes at napakagwapo ng binata sa suot na polong itim at brown na maong. Hapit na hapit ang polo ni Jensen sa matipuno nitong dibdid at makikita ang matipunong biceps ng binata dahil nakatiklop ang dalawang braso nito na nakahawak sa mike.

"I never told you na ayaw ko na" Jensen wink at Charley na may supil na ngiti sa mga labi. "If my memory serves me right, you were the one who said we should stop." Nagpakawala ng isang malanding tingin at ngiti si Jensen.

Ibinuka ni Charley ang bibig pero walang boses na lumabas sa kanya. "Next line, sister, please" malambing na utos muli ni Jensen sa kaibigang si Elias.

'sino ba naman ako para pigilan ka' then the music stopped again. "Sino ka ba naman para pigilin ako." Tumingin si Jensen kay Charley "Sino ka nga ba para pigilan ako?" Tanong ng binata kay Charley, nagpakawala ng tinging nanghuhubad si Jensen. "Ikaw lang naman si Charley Mendoza, ang kauna-unahan at nag-iisang babaeng minahal ko ng totoo."

Napakurap si Charley, titig na titig sa kanya ang magagandang mata ni Jensen. "ikaw lang naman ang kauna-unahan at kaisa-isang babae who bend all my rules." Lumapit si Jensen sa kanya, hinapit ni Jensen ang bewang ng dalaga, hindi pa rin nya inaalis ang mapanghubad na tingin sa dalaga. "You, Charley Mendoza is the first woman and the only woman whom I'm willing to bend all the rules just so I could be with you."

"Awww!" sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan nila at pamilya ni Jensen.

Nawala ang tingin ni Jensen kay Charley, nailing na nangingiti ang binata sabay linga sa pinagmulan ng mga kinikilig na kaibigan at pamilya sa harap nila.

"Could you turn the house light please Elias sweetie." Malambing na sabi ni Jensen kay Elias. At bumukas nga ang ilaw kasabay ng pagkawala ng spotlight sa kanila ni Charley.

Nakita ni Jensen na umiiyak ang kanyang Mommy, nakaakbay ang Daddy nya dito na ngiting-ngiti naman, magkaakbay din ang kapatid nyang si Jared at Jess na may mga sutil na ngiti rin sa labi. At sina Bobby, John, Brad at Angel ay sutil rin ang mga ngiti.

Hinarap muli ni Jensen si Charley. Tulala pa rin ang dalaga, para itong naka-freeze at hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Sino ka para pigilin ako?" napakalambing ng pagkakabigkas ni Jensen sa mga salita "Ikaw lang naman ang babae at nag-iisang babae na nagpakabog ng husto at nagpawala sa pwesto ng puso ko...Sino ka para pigilin ako?...Nasa sa iyo ang lahat ng karapatan na pigilan ako Charles dahil walang kwenta ang mabuhay kung wala ka. Walang kwenta ang katagumpayan kung wala...Sino ka Charley Mendoza para pigilan ako?... You are the woman and the only woman I wanna share my fame and glory with. Ikaw lang Charles, honey. You're the one, my only one."

Bahagyang napahikbi si Charley, pero hindi nya napigilan ang ngumiti na nakapagpalitaw na naman sa cute nyang biloy sa magkabilang gilid ng kanyang labi.

"Good God!" halos pabulong na sabi ni Jensen "I missed that smile." Malambing na sabi ni Jensen kasunod ng mabining kabig sa kanyang bewang para angkinin ang kanyang mga labi.

Hindi na nagpakipot pa si Charley, ipinulupot na nya ang dalawang braso sa leeg ni Jensen at nag-respond na rin sya sa halik ng binata. Marubod...masidhi...punum-puno ng pag-ibig ang kanilang mga halik.

Natigil lang sila ng marinig nila ang malakas na palakpakan at hiyawan ng lahat ng kasama nila sa loob ng Professional Den. Pati ang dalawang waiter, cook at pati na rin si Manong guard ay nakikihiyaw at nakikipalakpak. May hinagap sila sa kwento ng love story nina Jensen at Charley at masaya rin sila na mukhang magiging happy ang ending ng love story ng dalawang undefeated na attorney.

Magkahalong hagikgik at iyak ang pinakawalan ni Charley habang nahihiyang tumingin sa mga kasama nila, Ngiting-ngiti naman si Jensen, pagkatapos ay muling tumingin ang binata kay Charley na may tenderness, his eyes is filled with love, passion and desire.

"I love you Charles, honey!" sabi ni Jensen sa mike as he gazed at her tenderly.

"I love you too Jensen, baby!" sabi rin ni Charley sa mike with tender smile in her lips and sparks at her eyes.

Kasabay ng hiyawang muli ng kanilang mga kaibigan na kapamilya na rin ay nakangiting nagyakap sina Jensen at Charley. Sa wakas ay umamin na rin ang dalawa. Winelcome ng lahat si Carmen, kasama ito ni Jensen na nagtungo sa professional Den. Last minute ay tumawag si Jensen kay Carmen para sabihing hindi na aalis ang kaibigan. Buti na lang at hindi pa umaalis si Carmen, in a way ramdam nyang magbabago ng isip si Jensen.

When push hard ay nakakapagisip ng tama ang kanyang bestfriend kaya hindi muna sya umalis. At tama sya, nang nasa eroplano na ang kaibigan ay biglang nagdesisyon ito at inaming hindi nito talaga kakayaning mabuhay ng wala si Charley.

"Professional Den" sabay pa nilang sabi ni Jensen ng makasakay na ulit ang binata sa kanyang kotse. Tama ang hinala nila na andito si Charley kasama ang mga kaibigan pero hindi nila inaasahan na nasa bar din ni Elias ang pamilya ni Jensen.

Kasisimula lang kumanta ni Charley ng dumating sila. Madilim ang loob ng Professional Den at nagkakatuwaan ang lahat kaya walang nakapansin sa kanilang pagdating. Mabilis na lumapit si Jensen kay Elias na nasa DJ booth at nagbigay ng instruction dito. At kahit halatang nagulat si Elias ay tumango-tango ang magandang mayari ng bar sa gustong mangyari ni Jensen.

And just like what they usually say...

And the rest is history.

******

May Epilogue pa po tayo mga kapanalig sa kwento ng kilig, luha at saya ng umiibig na sina Jensen at Charley kaya huwag pa po kayong bibitaw!

******

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon