Case Study (part 5)

2.4K 87 34
                                    

dedicated to elydiareyesmicheilockzmeilimcastillotinkerhookyoureverlatingmjespique may part 3 at 4 pa po ha, baka malagpasan nyo, hehe. salamat po ulit sa support. Love you all angels.

Kinabukasan ay masiglang bumalik si Charley sa condo ni Jared at nang si Jensen ang muling nagbukas ng pintuan para sa kanya ay mas lalong sumigla ang pakiramdam ng dalaga. Naka shorts na hanggang tuhod si Jensen at gray na t-shirt, mas mukhang pambahay ang suot ng binata ngayon kesa kahapon.

"Hindi ka umuwi kagabi?" tanong ni Charley kay Jensen habang pumapasok sa loob ng unit ni Jared "Dito ka natulog?" dagdag na tanong pa ni Charley.

"Nagkasarapan kami ng inom na magkapatid kagabi." Parang walang ganang sagot ni Jensen habang inookupa ang sofa "it would be inconvenient to drive kaya dito na ako natulog." Hindi tumitingin si Jensen kay Charley "I have clothing's and personal effects on my car so I'm good." Personal na gamit ang ibig sabihin ni Jensen sa personal effects.

"Oh okay." Ramdam ni Charley na parang matabang ang binata "Where's Jared?" tanong nya kay Jensen habang inililinga ang mata sa paligid ng condominium.

"He went to run some errands." Parang wala pa rin sa mood na sagot ni Jensen "Something for lunch I guess, balak yatang magluto." Ngumiti si Jensen pero hindi umabot sa mata ang ngiti nito halatang may dinaramdam ang binata.

"Is there something wrong?" naiilang na si Charley sa coldness ni Jensen.

"No nothing." kumilos ang labi ni Jensen na parang nakasimangot ito "I'm good!" Tumayo ang binata at nagtungo sa ilang hakbang lamang papunta sa kitchen, he open the fridge at kumuha ng inumin lumingon sya at kay Charley at nagtanung "You want something to drink?"

Umiling si Charley sabay sabing "No, I'm good" hindi alam ng dalaga kung mauupo ba sya o mananatiling nakatayo.

"So, what do you mean when you asked about my brother?" pagkatapos ng tanong ay uminom si Jensen sa mineral water habang naglalakad palapit sa kanya, titig na titig ang mga mata nito sa mukha ni Charley.

Gustong mailang ni Charley sa klase ng titig ng binata, magkahalong coldness na parang hinuhubaran sya ang klase ng titig na ibinibigay sa kanya ni Jensen. "Nothing!" Pinilit ni Charley na kumilos ng kaswal kahit na nga intimidating ang mga titig ni Jensen "No reason, I was just asking, I mean that's why we are here right for Jared." Hindi alam ni Charley pero parang hindi naging maganda ang dating ng huli nyang sinabi.

Nagkibit lang ng balikat si Jensen "So... you find this really uncomfortable because it's just you and me and it would be easy if it's you, me and my brother is that it?"

Nalilito na talaga si Charley, may hang-over pa ba ang lalaking ito ang umaakto ng weird, inignora ni Charley ang weirdness ni Jensen, she smiled sweetly and said "it's not easy..."

Pero hindi na nya natapos ang sasabihin pinutol na ni Jensen ang pagsasalita nya at sinabi nitong "No worries, this is strictly business." Pambabalewala ni Jensen sa sinasabi ni Charley.

Charley scoffs, hindi sya makapaniwala sa attitude na ipanapakita ni Jensen "Nakalimutan ko na..." sarcastic ang pinakawalang ngiti ni Charley "it's been so long and I forget you do that."

"Do what?" halatang tinitimpi ni Jensen ang galit.

"Anywhere we get... what's the word 'close'?" bahagya pang sumingkit ang mata ni Charley "Anywhere in the neighborhood of emotional vulnerability you back off."

"Me?" may sarcasm sa ngiti ni Jensen "Ako pa talaga ha?"

"Bakit sino ba sa ating dalawa ang nang-iwan sa ere?" Pinigil ni Charley ang mapaiyak.

"Whoa!" biglang sabi ni Jensen "Let us not forget who dumps who..." lumapit si Jensen kay Charley at inilahad ang isang palad to emphasize his words "And let us not forget who put the key and locked our thing..."

Pinutol ni Charley ang pagsasalita ni Jensen "Aren't we done this analogy already?" galit na ring sabi ni Charley.

Pero hindi nagpaawat si Jensen "And let us not forget who buried that key and left that closed door behind." may bitterness sa boses ni Jensen.

"The guy I'm with!" matapang na nangatwiran si Charley "The guy I was hoping and wanted to spend the rest of my life with instantly changed, you changed ever since we started this job." Dinuro ni Charley ang dibdib ni Jensen.

"No!" dinuro na rin ni Jensen ang mukha ni Charley "You changed!" tiim ang bagang ni Jensen.

"Ako!" nagpakawala ng bahagyang tawa si Charley "Sino kaya sa atin ang sumablay sa schedule ng pagkikita dahil busy sa bagong bukas na firm."

"I told you how dedicated I am with my father's work." Sumigaw na si Jensen "But you!" nang-gigil na muling dinuro ni Jensen ang mukha ni Charley "You chose to accused me of something instead of giving me your support." Ngumisi si Jensen at pagkatapos ay inilahad ang dalawang braso "And then what? you broke up with me."

"I thought that's what you wanted!" naiiyak ng sabi ni Charley.

"Well, I don't!" hiyaw ni Jensen.

"I'm sorry!" hiyaw naman ni Charley.

"Me too!" mahina pero parang parang palaso na tumatagos sa puso ni Charley ang mga salita ni Jensen. Yayakapin na sana nya ang binata ng biglang magsalita si Jared.

"Am I interrupting something?" dinig nya ang hiyawan ng dalawa bago nya buksan ang pinto, nakapasok sya ng hindi nararamdaman ng mga ito. Gusto sana nyang bumalik palabas pero huli na nakita na sya ng kanyang kuya bago nito binitawan ang mga salitang 'me too' kay Charley. Wala na syang choice kundi ang ipaalam ang kanyang presence.

"We're fine!" pinahid ni Charley ang luha sa kanyang pisngi pagkatapos ay hinarap si Jared. "I think my job is finished here, you don't need my help anymore. Kaya nyo ng mag-kuya kung ano mang final touch ang gusto mong gawin sa case study mo." Lumakad na si Charley papunta sa pintuan.

"Wait!" hinarang sya ni Jared. Tumingin si Charley ng nakikiusap sa binata na huwag na syang pigilan, tumango si Jared at sinabing "Thank you."

Nagtuloy-tuloy ng lumabas si Charley, patakbo nyang tinungo ang elevator. Pinigil nya ang sariling umiyak. Hindi sya iiyak dahil walang dahilan para umiyak, tapos na sila ni Jensen, six years ago at kahibangan na masaktan pa sya sa nangyari sa kanila ni Jensen ngayon.

At si Jensen, parang nanghihina na ipinamewang nya ang dalawang kamay, humugot ng malalim na hininga ang binata para kalmahin ang kanyang sarili.

"Dude, what happened?" nag-aalala si Jared ng magtanong.

"I don't wanna talk about it." Sagot ni Jensen sa nakababatang kapatid.

"Don't you think that's a little off, you should make it up to her not upbraid her." Parang sya ang kuya sa klase ng sermon ni Jared sa kapatid.

"I said..." tumingin si Jensen sa kapatid, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata "I don't wanna talk about it."

Huminga lang ng malalim si Jared, hindi nya alam kung paano iko-comfort ang kanyang kuya, he never saw his brother this hurt at hindi nya alam kung tama ba ang ginawa nya o dapat syang magsisi na idahilan ang kanyang case study para paglapitin ang dalawa.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon