Halos mag-iisang buwan na ng magsimula ang arraignment sa kasong Maxima Alvarez vs Dick Valenzuela (deceased) nagkakagulo ang mga reporters sa mainit na pagtutunggali ng mga bigating abogado ng Gladiators at Winchester and Son law firm.
At nang araw na maghaharap sa korte ang akusado at lahat ng witnessed kasama ang mga ebidensya ay puno ng reporters ang Regional Trial Court.
Matalino ang palitan ng tanong at salita sa pagitan nina Collin at Jensen, kapanapanabik ang kanilang pagtutunggali. Bawat isa sa kanila ay tama ang opinyon, bawat tanong ay nagbibigay ng malalim na isipin sa Judge na nakaharap.
Bawat ebidensya na inihaharap ay nagbibigay ng doubt hindi lamang sa hahatol kundi pati na rin sa lahat ng taong present sa loob ng court room, at kailangang timbanging mabuti ang lahat upang maging makatarungan ang hustisya.
Nang maupo ang akusadong si Maxima Alvarez ay sinabi ni Collin na si Charley na ang magti-take over. Nagkatinginan ang mag-amang Sebastian at Jensen.
"Objection your honor." Mabilis na tumayo si Jensen "Attorney Collin Garcia is my opponent here, he can't just simply give it to Attorney Charley Mendoza, and you can't let her rule this one your honor."
"Are you suggesting I don't have the right to decide Attorney Winchester." Nakaka-intimidate ang kagalang-galang na itsura ng Judge "I am the Judge here."
"With all due respect Judge." Naiilang na ngiti ang pinakawalan ni Jensen "All I'm saying is..."
"Objection overruled!" matatag na sabi ng Judge.
Naunang nagtanong si Charley,
"Miss Alvarez, maari bang sabihin mo sa hukumang ito kung ano ang nangyari nuong ika-dalampung araw ng nobyembre nung nakaraang taon."
"Sinundo ho ako ni Dick sa club na pinagsasayawan ko, ang sabi ho nya ang ililibre nya raw ho ako at kakain kami sa labas, pero sa halip ho na sa restaurant ako dalin ni Dick ay sa isang bahay ho nya ng kaibigan nya ako dinala. Bumaba ho kami sa kotse, sabi nya may kukunin lang daw sya sa kwarto. Nung una ho ayoko sanang bumaba pero naging mapilit si Dick, at nung nasa loob na ho kami ng bahay, tinutukan nya ako ng baril at tinakot na kung hindi ako sasamang umakyat sa kanya sa itaas e gagamitin daw ho nya yung baril at papatayin ako."
Huminto si Maxima sa pagsasalita, "Pagkatapos..." tanong ni Charley "Sumama ka ba sa nasawing si Dick Valenzuela na pumanhik sa itaas ng nasabing bahay hanggang sa loob ng kwarto." Sinadya ni Charley na i-elaborate ang pagtatanong para makahinga ang kanilang kliyente at mabawasan ang nerbyos na nararamdaman nito.
"Opo..." Yumuko si Maxima na para bang ikakatalo nya ang pag-sagot ng 'opo'.
"Nang makapasok na kayo ni Dick Valenzuela sa kwarto ano ang sumunod na nangyari?" Tanong ni Charley.
"Naghubad ho ng polo nya si Dick, tapos po ay pabalagbag nya akong inihiga sa kama, nanlaban po ako pero malakas si Dick, pinunit po nya ang suot kong bestida."
"I would like to submit the evidence #402 to this court your honor." Sabi ni Charley sabay abot sa bestidang nakabalot ng plastic, may punit nga ang itaas na bahagi ng bestida, sa may bandang neckline nito hanggang sa may diddib.
"Pagkatapos punitin ni Dick ang iyong bestida ano ang sumunod na nangyari?" tanong muli ni Charley sa akusado.
"Sinubasob ho nya ako ng halik, nagpumiglas ho ako, nakawala ako sandali pero bago ho ako nakatayo ay hiniklat ni Dick ang aking buhok at pabalagbag ulit akong inihiga sa kama...pagkatapos ho ay binigyan nya ako ng mag-asawang sampal."
"Your honor, we have a medical records." Kinuha ni Charley ang isang folder sa lamesang laan sa kanila ni Collin at iniabot nya ito sa Judge, naglalaman ito ng statement ng doktor na talagang nagtamo ng malakas na sampal ang magkabilang pisngi ng akusadong si Maxima Alvarez.
"And then what happen next?" hinarap muli ni Charley ang kanyang kliyente pagkatapos na suriin ng Judge ang medico legal na isinumite nya dito.
"Para hong nagdilim ang paningin ko sa lakas ng sampal ni Dick, nanghina na ho ako...nang magsimula ho si Dick na hubarin ang pang-ibabang saplot ko ay inipon ko ang lakas ko at itinulak si Dick. Nabuwal ho sya sa lapag, mabilis ho akong tumayo. Nakita ko ho yung baril nyang nakapatong sa lamesita sa gilid ng kama, mabilis ko hong dinampot yun at bago pa ulit ako mahawakan ni Dick ay pinaputok ko ho ang baril, huli na ho ng maisip ko na tinamaan si Dick."
"Pagkatapos mong paputukin ang baril, tsinek mo ba kung buhay o patay si Dick Valenzuela?" tanong ni Charley.
"Hindi na ho... natakot ho ako, inihagis ko ho yung baril sa kama saka mabilis ho akong tumakbo palabas ng kwarto, hindi ho ako tumigil hanggang sa makalabas ako ng bahay at makahanap ng taksing masasakyan pauwi sa bahay ko."
"No further questions your honor." Pagtatapos ni Charley, bumalik na sya sa kanyang upuan.
+��]��@
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Literatura FemininaWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
