Kahit paalis na papuntang Boston ay pumapasok pa rin si Jensen sa opisina, inaayos nya ang mga iiwanang kaso sa kapatid na si Jared. Tatlong araw na lang at iiwan na nya paansamantala ang Winchester & Sons. Kung magiging successful sya sa Boston ay wala ng balak bumalik si Jensen, kung uuwi man sya ay magbabakasyon na lamang sya sa Pilipinas.
Then he thought of Charley, after that passionate incident sa pad ni Elias ay hindi na sila muling nagkita o nagkausap pa ng dalaga. He wanted to call Charley pero ano naman ang sasabihin nya. Dyahe ang mga pangyayari, umamin syang mahal nya si Charley.
Pero ang pinakabaduy sa lahat eh yung parang pinagtawanan sya ng dalaga at inakala pa ni Charley na nagbibiro sya. Walang choice si Jensen kundi ang mag-deny at ngayon nga ay di sya mapakali. Kinuha ni Jensen ang kanyang cell phone, pero paulit-ulit lang naman ang ginagawa nya sa kanyang gadget.
Swipe screen to unlock
Phonebook
Charles honey
Lockscreen
Wala syang lakas ng loob na pindutin ang call button. Nang magsawa ay dinala ni Jensen sa message ang screen but every time he finished a sentence ay mabilis din nya ulit itong binubura at magtatype sya ulit ng panibagong message na mauuwi lang ulit sa erase. Jensen even tried to open Charley's FB acct and same thing with text ay nauuwi lang din sa pag-erase ang kanyang message.
Nang hindi magawang magiwan ng text sa kanyang I phone o PM sa face book account ni Charley ay bumalik si Jensen sa paulit-ulit na:
Swipe screen to unlock
Phonebook
Charles honey
Lock screen
Sa huli ay padarag na inilagay ni Jensen sa drawer ang kanyang I phone, pero saglit lang at kinuha nya ulit iyon at binuksan.
"Tawagan mo na kasi!" nangaasar na sabi ng kapatid nyang si Jared. Hindi namalayan ni Jensen na nakatayo na pala sa harapan nya ang kapatid na 'sutil mode' na naman.
Matalim na tingin lamang ang sagot ni Jensen kay Jared, hindi naman pinalis ng nakababatang kapatid ang nangiinis na ngiti nito sa labi. Walang binanggit si Jensen sa x-rated moment na nangyari sa kanila ni Charley sa itaas ng Professional Den. Pero malakas ang kutob ng gwapong abogado na si Jensen na tiyak na may idea hindi lang ang kapatid nyang si Jared kundi pati na rin ang kanyang mga magulang at ang kanilang mga kaibigan na may nangyari sa kanila ni Charley ng gabing iyon.
Nang bumaba sya mula sa kwarto ay kahinahinala ang katahimikan ng mga ito. Mas nakakanerbyos nga kung tutuusin ang katahimikan ng mga kaibigan ni Charley at ng pamilya nya kesa ang panunutil ng mga ito. After ten minutes ay sumunod ng bumaba si Charley sa kanya, pero nagpaalam na ang dalaga na uuwi na at di na kayang uminom pa.
Gusto sana ni Jensen na ihatid si Charley pauwi dahil baka hindi kaya ng dalaga ang magmaneho pero natorpe syang magalok na ihatid ito sa sariling bahay. Si Bobby ang naghatid kay Charley, binalikan na lamang ni Bobby ang sariling kotse sa Professional Den.
"Dude, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo, tell Charley you love her." Nakangiti pa rin si Jared pero seryoso ang mensaheng nais iparating nito sa kanya. "Ask her to come with you in Boston."
"Para namang ganun lang kadali na isama si Charley sa Boston." Naiinis na sagot ni Jensen sa kapatid "Cebu ba yun o Davao na basta bibili ka lang ng plane ticket okay na."
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
