The Dinner (part 3)

2.8K 100 155
                                    

micheilockz 

gabi na, kaya eto na yung next part. dedicated to you sweetheart. Enjoy!!!

******

"No!" mabilis na sagot ni Carmen, tumaas na naman ulit ang kilay ni Charley, may discrepancy... Carmen and Jensen knew each other for almost six years now, same time na pinagtalunan nila ni Jensen si Carmen, and this woman is one of those reasons kung bakit nagduda si Charley sa pag-ibig ni Jensen sa kanya. She and Jensen broke up, pero si Carmen... eto at kasama pa rin ni Jensen. So what is really going on?

"I moved at Jensen's place almost six months ago." Dugtong ni Carmen, bigla ang naging tingin ni Jensen sa kasamang dalaga. Bakit parang nag-iimply ito na may intimacy between them.

"Carmen..." malambing ang pagkakabigkas ni Jensen sa pangalan ng dalaga, pero ang tingin ni Jensen ay nagsasabing 'what are you doing?'

"But he and I are not into something also." Nakangiti si Carmen.

"But you said a while ago..." sabad ni Bobby sa usapan "Me and Charley came together, Jared and Jess, you and...him." Itinuro ni Bobby si Jensen. Curious din si Bobby, isa ba si Carmen sa mga nakatagong hiwaga nila Charley at Jensen? Halata sa mga pagtaas ng kaliway kilay ni Charley na kasama si Carmen sa hiwaga ng kaibigan.

"Oh that?" natatawang sabi ni Carmen "I was just making sure na hindi talaga kayo ni Charley."

"Because?" tanong ulit ni Bobby.

"Nothing..." kibit balikat ni Carmen "Actually I was told na family dinner ito, and I will be the safest girl na pwedeng isama ni Jensen sa mga ganitong affair. Gusto ko lang makasiguro na walang ibang meaning kung bakit ako ang isinama ni Jensen."

"Meaning...like what?" sabi ni Ellen.

"Na ready na po ang anak nyo Tita sa big commit." Masiglang sagot ni Carmen.

"And you think that would be you?" nagulat si Charley kung bakit naitanong nya bigla iyon.

Tawa lang ang sagot ni Carmen bumaling sya kay Jensen sabay sabing "She's really cute, isn't she?"

Iling na may supil na ngiti naman ang sagot ni Jensen, na lalo namang nakapag-painit sa ulo ni Charley. 'pinagtatawanan ba ako ng mga mokong na ito?' sabi ng isip ni Charley.

"So Carmen..." sabi ni Sebastian "hanggang kelan ka ba titira kay Jensen?"

Nagulat si Jensen sa tanong ng ama "Dad!" inilahad lang ni Sebastian ang dalawang palad na parang sinasabing 'what?'

"It won't be long Tito." Parang na-offend naman si Carmen.

"Don't get me wrong iha." Para namang naawa si Sebastian sa dalaga "Kaya lang ikaw din ang talo sa anak ko, walang sineseryosong babae yan."

"Dad!" Nag-eeskrima na naman ang mga kilay ni Jensen.

Nagtawanan lang ang mga nasa lamesa maliban kay Charley. Si Carmen ay natawa talaga. "Tito, wala ho kaming relasyon ni Jensen, purely platonic." Paliwanag ni Carmen.

"I'm just saying!" kibit balikat ni Sebastian.

"You have nothing to worry Tito." Nakangiti pa ring sabi ni Carmen "Salamat sa concern, whether concern to your son or my welfare, pero ipalagay nyo po ang loob nyo... walang kahalayang nagaganap sa pagitan namin ni Jensen."

"Susmaryosep kayong mga bata kayo!" pabiglang sabi ni Ellen "Hindi ko maintindihan ang mga choice of words nyo." Mas mukha ngang nalilito si Ellen kesa sa nagagalit.

"21st  Century Honey." Kumindat si Sebsatian sa asawa.

Iiling-iling naman si Ellen pagkatapos ay bumaling kay Charley "Ikaw Charley... hanggang ngayon ba wala pa ring humahalay sa'yo?"

Naibuga ni Jensen ang iniinom na kape. "I'm sorry!" nasamid pa si Jensen ng magsalita.

Amused namang nakatingin si Ellen sa panganay na anak "Are you okay son?" tanong pa nya dito.

"Yes Mom." Pinahiran ni Jensen ng table napkin ang bibig "Nabigla lang ako sa choice of words nyo." Alanganin ang ngiti ni Jensen.

"What?" kunwari ay nagtataka si Ellen "21st century kids ang mga kaharap ko, I can blend, besides edad lang namin ng Daddy mo ang tumatanda, hanggang ngayon... in a constant basis...nahahalay pa rin ako ng Daddy mo."

"Mom!" protesta ni Jensen, si Jared naman at si Sebastian ay nagtawanan kasabay nila Bobby, Charley, Jess at Carmen. Cool ang Mommy nya pero hindi sya sanay na sobrang cool ito. Maybe that's the reason why click na click ito at si Charley, and why their friendship grow, makikitang close na close ang mga magulang sa kanyang ex girlfriend lalo na ang Mommy nya.

At hindi maiwasang maisip ni Jensen kung nabanggit ba ni Charley sa mga magulang ang nakaraan nila? May alam ba ang parents nya kaya naging curious ang Daddy nya sa kung ano ba sila ni Carmen. Walang pakialam ang mga magulang nila sa personal nilang buhay at ng tanungin ng Daddy nya si Carmen kanina kung kelan lilipat and worst siraan sya sa kaibigan na hindi naman na shocking kay Carmen ang balitang wala syang sineryosong babae dahil alam ni Carmen iyon pero weird ang parents nya ngayong gabi.

May alam ba ang mga ito sa nakaraan nila ni Charley, at nakadagdag pa ang panunutil ng kapatid sa kanya. Kaya ba ganun na lang kung mang-asar ito. Isineset-up ba sya ng mga magulang kay Charley?

Naiiling si Jensen sa mga nagsasalimbayang tanong sa isip nya. If ever, kahit pa gaano kagusto ng mga magulang nya si Charley he won't indulge. Ayaw na nyang masaktan ulit, uminom si Jensen ng kape at palihim na sinulyapan si Charley.

Mabilis na inalis ni Charley ang tingin kay Jensen. kinuha nya ang tasa at uminom din ng kape nya. Huling huli sya ni Jensen na nakatingin, dahan-dahang iginalaw ni Charley ang mga mata, umiinom pa rin sya ng kape, hawak nya ang tasa ng dalawang kamay, iniharang nya ang dalawang hintutro sa mata para hindi sya mahalata.

Pero muntik na nyang mabitiwan ang tasang hawak. Nasa bibig din ni Jensen ang tasa nito, kunwari ay umiinom din ito ng kape, pero ang magagandang mata ni Jensen ay titig na titig sa kanya.

Titig na nanunuot hanggang sa kanyang kaluluwa...

Titig na akala mo hinuhubaran sya...

Titig na parang maya-maya lang ay mahahalay na sya!

******

Isa lng masasabi ko buti gumagana yung letter "G" sa keyboard ko, kung nasira at hindi na gumana nakuu!!! Yung last last three sentence ng chapter mabeberat ako!

Imagine walang "G" yung salitang "TITIG NA NANUNUOT SA KANYANG KALULUWA...TITIG NA PARANG HINUHUBARAN SYA....TITIG NA PARANG MAYA-MAYA LANG AY MAHAHALAY SYA."

Imagine walang "G" lahat, o di ang lungkot. Maiiba meaning.!

PARENTAL GUIDANCE IS OUT OF MENTAL HOSPITAL! HAHAHA.

******

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon