Luha (part 1)

2.5K 71 56
                                    


Sarado ang Professional Den, well...mas tamang sabihin na hindi nagbukas si Elias ngayong gabi para sa pagdadalamhati ng kaibigan nilang si Charley. Nang tumawag si Bobby sa kanya kanina para sabihing mag-gayak ng lamesa para sa kanila dahil bigo si amazing aloha ay nagpasya si Elias na mag-emergency close. Kumausap sya ng dalawang waiter para magsilbi sa mga kaibigan at isang cook para magluto.

Kung tutuusin ay malaki ang mawawala kay Elias sa isang gabing pagsasara. Dahil biglaan ay may sahod ang mga tauhang pinauwi nya at ang mga tauhang kinausap nya para umextra ngayong gabi ay double pay. Pero para kay Elias ay maliit na bagay para damayan ang nagdadalamhating kaibigan na si Charley.

Sa bar na nya naghapunan ang mga kaibigang Gladiators. Hindi kumain si Charley kahit na anong pilit ang gawin nila. Pagkatapos ng hapunan ay naglabas ng alak si Elias. "on the house" sabi pa ng magandang proprietor. Pero mabilis na dumukot ng pera si Bobby sa kanyang wallet para bayaran ang alak kasama na ang kanilang hapunan. Tumanggi naman si Elias at sinabing "For Charley."

"I insist." Matatag na sabi naman ni Bobby "For Charley also and keep the change!" kumindat pa si Bobby sa magandang si Elias. Walang nagawa ang dalaga kundi tanggapin ang pera.

Mag-aalas diyes na ng gabi ng humudyat ng iyak si Charley. Malapit ng umalis ang eroplanong sasakyan ni Jensen. Alam nilang lahat ang oras ng flight ng binata dahil sa kaibigan nilang si Collin. Tumawag pa ito sa kanila kaninang pasado alas nueve para sabihing pasakay na ito ng eroplano.

"I am so going to miss you people of the Philippines!" hiyaw pa ni Collin sa naka-loud speaker na cell phone. Kay Brad ito tumawag. "we will miss you person of the Philippines!" sagot naman ng Gladiators at ni Elias. Lahat ay gustong magtanung kay Collin kung katabi ba nya si Jensen lalong-lalo na si Charley pero nagtimpi sila. Awkward ang moment, kung sakaling magkasama ang dalawa ay tyak na nakikita ni Jensen na kausap sila ni Collin. If Jensen want pwede itong magparamdam, pero wala talaga.

Nang mag-end call ay narinig nila ang pagbukas ng pintuan ng Professional Den, sabay-sabay na napatingin ang lahat sa sumaradong pinto. Kasunod ng security guard na pumasok ang mag-amang Winchester kasama ng mga ito si Ellen at si Jess.

"What are you guys doing here?" Tanong ni Bobby.

"I'm so sorry but I called them." Humihinging ng pang-unawang sagot ni Elias.

"Is it okay if we join you guys?" nakangiting nakikiusap si Sebastian sa lahat pero kay Charley sya nakatingin.

Pinahid ni Charley ang luha sa pisngi at saka tumango. Iyon lang ang hinihintay ng kanyang mga kaibigan. Winchester's have been become a part of their friendship, kahit pa nga isang Winchester ang dahilan kung bakit super lonely ang kanilang ganda babaeng si Charley Mendoza ay mas gusto nilang kasama din ang mga ito sa pagdadalamhati ni Charley. They're family anyway.

"Hindi ba kayo naghatid kay big mac?" tanong ni Brad sa mag-anak habang umaayos silang lahat ng upo sa lamesa para bigyang lugar ang apat na dumating. Nagtatakang nagtanong si Ellen kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'big mac', bago pa makapag-sorry si Brad ay bumulong na si Sebastian sa asawa. Para namang na-shock na sumagot si Ellen ng "really?" pagkatapos ay pigil na napangiti ang ginang sa realization ng bansag na big mac sa panganay na anak. Nagdagdag ng baso ang waiter na nagsi-serve sa kanila at sumenyas si Elias na maglabas ulit ng isang bote pa ng Jack Daniel's.

"On me." Senyas ni Jared sa boteng ibinaba ng waiter na ibig sabihin ay sya ang magbabayad.

"Carmen drove Jensen to the airport." Halata ang pag-aalinlangan sa tono ng boses ni Sebastian ng sagutin ang tanong ni Brad sa paghahatid kay Jensen sa airport.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon