"Anong ginagawa mo?" kunot noong nagtanong si Charley kay Jensen, kanina pa nya ito hinahanap at gaya ng inaasahan ay nasa laundry room ito.
Pasado alas diyes na ng umaga, sabado ng umaga at parehas silang hindi kaylangang pumunta sa opisina. Anim na buwan na ang matuling lumipas. Later that evening na hindi tumuloy si Jensen papuntang Boston ay nanggising sila ng judge at nagpakasal sina Jensen at Charley ng gabi ding iyon. Si Carmen at si Bobby ang kanilang witness.
Sabi ni Jensen ay hindi na daw nya kayang maghintay at baka magbago pa ng isip si Charley. Pumayag namang magpakasal si Charley gamit nila ang kanilang platinum couples ring na regalo ni Jensen nung monthsarry nila nung college pa lamang sila. On their honeymoon ay bumili ng twenty carats diamond ring si Jensen at muling nagpropose kay Charley para sa isang big church wedding naman at malapit na rin iyon.
Couple of months after their civil wedding ay nakabili ng bahay si Jensen na malapit sa bahay ng mga magulang. Ngayong kasal na sila ni Charley ay hindi na nararapat na sa Condo nya sila titira at lalong hindi maaring sa bahay ni Charley sila tutuloy.
"Ako ang lalaki akin ang responsibilidad" matigas na sagot ni Jensen nang pauwi na sila mula sa kanilang honeymoon.
"Okay," nakangiti lang namang sagot ni Charley " Sa'yo pala ang responsibilidad di yung sahod mo bilang lawyer i-i-enterega mo sa akin?"
"Pati pay slip kung gusto mo" sagot naman ni Jensen
"Good sabi ni Charley yung pera ko akin lang... yung pera mo akin pa rin." Sutil na sabi ni Charley at bago pa makakontra si Jensen ay nagsalita nang muli si Charley "Panindigan mo yan ma-pride ka eh, wala ng bawian." At wala na ngang nagawa ang undefeated Mr. Jensen Winchester now a.k.a. Mister Charley Mendoza para sa mga Gladiators.
Isang linggo pagkabili sa bagong bahay ay lumipat ang bagong Mr. and Mrs. Wichester at ngayon nga ay masayang namumuhay bilang mag-asawa.
"Naglalaba!" mabilis na sagot ni Jensen sa tanong ni Charley habang pinipili ang mga damit na isasalang sa washing machine. "Nakaluto na ako ng lunch, pagkatapos maglaba eh mamalantsa na ako." Dagdag pa ni Jensen.
Napangiti naman si Charley.
"Anong iningingiti-ngiti mo dyan?" kunot noong tanong ni Jensen ng mapansin ang pag-smile ng kanyang magandang misis.
"Wala lang, natutuwa lang ako sa'yo." Sagot ni Charley na hindi inaalis ang pagkakangiti.
"Hmm." Tumingin ng seryoso si Jensen sa magandang asawa. "Alam mo ikaw, pasalamat ka at mahal kita kaya kahit wala kang alam sa gawaing bahay okay lang sa akin."
"Sino namang may sabi sa'yo na wala akong alam sa gawaing bahay." Nakangiti pa ring sagot ni Charley. "I can do house hold chores ayoko lang." medyo umingos pa si Charley.
"So...tamad ka ganun?" bahagyang itinango ni Jensen ang ulo.
"Okay lang masipag ka naman eh. Saka bawi ka naman sa akin pagdating sa kama." Kumindat pa si Charley habang iniyayakap nya ang mga braso sa bewang ni Jensen.
"Bukas darating na si Manang from Ilo-ilo." Iniyakap na rin ni Jensen ang mga kamay kay Charley "Goodbye luto, laba at plantsa na ako." Kumindat din si Jensen kay Charley.
"Ganun?" itinaas ni Charley ang kaliwang kilay. "unfair na pala kung ganun! Kasi kaya kita mahal dahil ikaw ang naglalaba, namamalantsa saka nagluluto."
"Ibig mong sabihin pag dumating na si Manang from Ilo-ilo hindi mo na ako mahal dahil si Manang na ang gagawa ng lahat ng ito?" nag-eeskrima na naman ang kilay ni Jensen.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...