Eight Hours to Boston (part 3)

2.2K 72 69
                                    

marashiyae22 eto na po yung promise na update, pasensya na po at hindi nakatupad kahapon. Hope you will like this chapter. God bless po at maraming salamat sa support.

Nagdadalawang isip pa si Charley kung gagamitin ba nya ang sariling susi o pipindutin na lang nya ang door bell. Duda sya kung nasa condo ba si Jensen o wala, sa huli ay nagdesisyon ang dalaga na gamitin ang sariling susi. Napangiti pa nga sya ng makitang gumana na naman ang kanyang susi, hindi talaga nagpalit ng doorknob ang binata. May haplos sa puso ni Charley ang ideyang sya ang dahilan kaya hindi pinapalitan ni Jensen ang lock ng main door nito.

Pero napalis ang kanyang ngiti ng maabutan sa sala ng condo sina Jensen at Carmen ng magkayakap. Tulala pa sya sa nakita ng marinig ang sinabi ni Jensen kay Carmen na 'bakit di ka na lang sumama sa akin sa Boston para di natin mamiss ang isa't-isa.' Lalo tuloy syang na-freeze, parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Charley.

"Charley!" nagulat na sabi ni Carmen, sasagot sana sya kay Jensen ng 'hindi kita mamiss bugok kahit ikaw pa ang bestfriend ko.' Pero biglang naapuhap ng mata nya na may tao sa loob ng unit ni Jensen.

Bigla ang pagbalik ng ulirat ni Charley, ikinurap-kurap nya ang mga mata kasunod ng pagtikhim. Nagyuko ng ulo si Charley kasabay ng malalim na buntong hininga. Kinalma ng magandang abogada ang kanyang sarili.

"What are you doing here?" mabilis na nakalapit si Jensen sa nakayukong si Charley, parang hinahaplos ang puso ng binata. Ano ang ginagawa ng dalaga sa kanyang condo? bakit andito si Charley? Pipigilan ba sya ng dalagang umalis? Lalo ng parang hinaplos ang puso ni Jensen. Sa isip nya ay nakikiusap na sana ay pigilan sya ni Charley at naka-flash sa mga mata ni Jensen ang nakikiusap na hiling ng kanyang isip.

Nang magtaas ng paningin si Charley ay nasa harap na nya si Jensen, bahagyang nagsalubong ang kilay ni Charley. Guilty ba ang mga mata ni Jensen, nakikiusap ba at humihingi ng pang-unawa ang binata sa inabutan nyang eksena nito kay Carmen. napailing si Charley, 'I shouldn't have come here.' Sabi nya sa isip.

Nagsalita si Carmen "Charley it's not what you think..."

"I'm not thinking anything!" putol ni Charley sa sinasabi ni Carmen, ngumiti si Charley sa dalaga. Hindi sya dapat magalit kay Carmen hindi kasalanan ni Carmen kung ito talaga ang mahal ni Jensen. "I'm sorry to interrupt you guys, I just came here para isoli sa iyo ito." Iniabot ni Charley ang susi kay Jensen.

Laglag ang balikat ng gwapong binata, bigla ang pagbuhos ng disappointment sa kanyang mukha. Hindi nya nagawang abutin ang duplicate ng susi ng kanyang condo kay Charley. Tiim bagang na tumalikod si Jensen at itinuloy ang pag-iimpake.

"Iwan ko muna kayong dalawa." Sabi naman ni Carmen pero bago sya nakahakbang ay pinigilan na sya ni Charley.

"No, please. Hindi naman ako magtatagal." Nakangiting sabi ni Charley kay Carmen "I need to get back at the office ASAP!" nang tingnan ni Charley si Jensen ay parang nagdadabog itong naglalagay ng gamit sa lamesa. 'galit ang loko kasi naabala ko sila!' sabi ng isip ni Charley. "I should go." Iniabot ni Charley ang susi kay Carmen at mabilis ng iniwan ang dalawa.

Hindi ginamit ni Charley ang elevator sa may hagdan sya nagdaan. Nasa 18th floor ang unit ni Jensen pero mabilis ang naging pagbaba ni Charley sa hagdan na para bang may humahabol sa kanya ng nasa 10th floor na sya ay nakaramdam ng panginginig ng tuhod si Charley. Humihingal na napakapit sya sa railings ng hagdan at pagkatapos ay bigla syang napaiyak.

Nanglalambot na napaupo ang magandang dalaga sa hagdanan, 'Buti pa si Carmen' sabi ng kanyang isip habang umiiyak. 'buti pa sya mamimiss, buti pa sya gustong isama ni Jensen sa Boston, buti pa sya.' Bahagyang napahagulgol si Charley. Ilang minuto syang umiyak, wala syang pakialam, wala naman sigurong makakakita sa kanya.

Nang mahimasmasan ay pinahid ni Charley ang luha. Parang nanghihina pa rin sya ng tumayo. Kumuha sya ng tissue sa kanyang bag at suminga, pagkatapos ay kinuha nya ang pressed powder at pinahiran ng polbo ang namumula nyang ilong. Nag-inhale, exhale si Charley para lalong pakalmahin ang sarili. Inayos nya ang make-up para hindi masyadong halata ang kanyang pag-iyak. Pagkatapos ay pumasok si Charley sa loob ng 10th floor para gamitin ang elevator.

"I didn't see her, hindi ko na sya inabutan!" humihingal na sabi ni Jensen kay Carmen. nakabalik na sya ulit sa loob ng kanyang unit. Kanina ng lumabas si Charley ay hiniyawan sya ni Carmen at sinabing habulin si Charley dahil hindi pupunta ang dalaga sa unit nya para lang isauli ang susi nito. 'mag-isip ka nga! Susi lang yan pag wala ka na wala ng dahilan para gamitin ni Charley yan.' Iyon lang at patakbo nyang hinabol si Charley nainis pa sya kanina dahil ang tagal ng elevator, gagamitin na nya sana ang stairwell ng biglang bumukas ang elevator.

"Para ka kasing tanga-tanga!" nagagalit na sabi ni Carmen. "Kaylangan ka pang paliwanagan kundi ka ba naman lula!" padabog na naupo si Carmen "Tutuktukan na kita eh, kung sa halip ba namang kesa tinalikuran mo si Charley kanina eh kinausap mo na kagad at sinabi mong kung pipigilan ka nya magpapapigil ka di sana okay na kayo ngayon!" parang nanay na nagsesermon si Carmen.

"Oo na! mali na ako!" naiinis na sagot ni Jensen at padarag na naupo sa tabi ng kanyang bestfriend.

"Hindi ka lang mali, tanga ka pa!" nakangusong sabi ni Carmen.

"Hoy! sumosobra ka ha, kanina mo pa ko tinitira ng below the belt." Nag-ngangalit ang bagang ni Jensen na tinuro si Carmen. Pero hindi naman sincere ang galit nya, gusto lang nyang bigyang emphasis ang inaasal ng bestfriend.

"Ewan ko sa'yo, Pangod!" nakairap na sabi pa ni Carmen.

"Hoy alam ko yang salitang pangod bugak! Masahol pa sa tanga yan." Nagwawarning ang tono ni Jensen.

"Oh, eh hindi ba?" mulagat na mulagat ang mga mata ni Carmen.

"ewan ko sa'yo!" kunot na kunot ang noo ni Jensen ng iiwas ang tingin sa bestfriend. Parang nanghihina ang gwapong binata na isinandal ang ulo sa kinauupuan. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Jensen.

"Puntahan mo kaya sa opisina nila." Walang ano-ano'y sabi ni Carmen.

Walang sagot mula kay Jensen, nilingon ni Carmen ang bestfriend. Sumandal na rin sya sa upuan habang nakatingin sa binata sabay sabing "tawagan mo kaya...o kaya naman i-text mo." Kumbinsi pa nya sa ulit sa binata.

"Tumigil ka na Carmen." malambing ang pagkakabigkas ni Jensen sa mga salita, it was Carmen's cue para manahimik. Kapag ganuon ang klase ng tono ng kanyang bestfriend ay mas warning sa kanya. Kung magpapatuloy pa sya ay mauuwi na sa di pagkakaunawaan ang pangungulit nya dito.

"I'm sorry bestfriend." May lungkot at simpatya ang mga salita ni Carmen kay Jensen.

"Yeah, me too!" mahinang sagot naman ng binata at lulugo-lugong tinungo ang kanyang kwarto.

W]^

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon