What was That?

3.4K 107 103
                                        



"Ano yun?" Nagtatakang tanong ni Bobby kay Charley habang nagmamaneho.

"Alin?" Luminga-linga si Charley sa paligid, hinahanap ang tinutukoy ni Bobby.

"Lika-luka!" Sabi ni Bobby sabay tapik sa kaliwang hita ng kaibigan. "Huwag mo ngang gayahin si Sarah Geronimo sa pelikula nila ni John Lloyd oy, hindi bagay sa'yo."

"Ano ba kasi yung tinatanung mong ano yun?" Sabi ni Charley.

"Yung eksena ninyo ni Jensen Winchester kanina?" Sumulyap sandali si Bobby sa kanyang best friend pagkatapos ay itinuon muli ang mata sa kalsada. "I smelled something fishy," ngumiti si Bobby nang nakaka-asar.

"Walang fish para maka-smell ka ng something fishy." Pairap na sagot ni Charley.

"Hmmm," nanunukso pa ring sabi ni Bobby. "May nakaraan kayo ni Pogi hano?" Dagdag tukso ni Bobby sa kaibigang matalik.

"Nakaraan ka dyan?" Irap ulit ni Charley. "Wala kaming nakaraan, okay! Kaya tumigil ka na dyan dahil babatukan na kita pag 'di ka pa tumigil."

"Sige, wala na kung wala," nakangiti pa ring tudyo ni Bobby sa best friend. "Sabi mo yan ha, wala kang nakaraan kay pogi? Alalahin mo, Charley. Walang lihim na hindi nabubunyag!" Banta ni Bobby sa dalaga.

"Ewan ko sa'yo!" Sagot naman ni Charley pagkatapos ay nanahimik na sya.

SAMANTALA . . .

Sa Professional Den.

"What is going on between you and Charley Mendoza?" Tanong ni Jared sa kapatid.

"Nothing!" Simpleng sagot naman ni Jensen.

"Nothing!" Sabat naman ni Elias. "Really, Jensen? After your reactions kanina, yun lang ang isasagot mo, Nothing?"

"Bakit, ano bang reaksyon ko kanina?" Pa-inosenteng tanong ni Jensen sa dalawang kausap.

"How about you explained us kung ano ang ibig sabihin nang: when did you stop drinking? Seriously Jensen, you knew Charley from somewhere?" Makulit na pamimilit ni Jared sa kuya nya.

"I don't," bahagyang iminulagat ni Jensen ang kanyang mga mata sa kapatid.

"Why do we find it hard to believe you, Lover boy?" Biro naman ni Elias kay Jensen.

"I don't care what you guys believed, alright." Parang naiiritang sagot naman ni Jensen. "I don't know that woman and I am not interested to know her."

"Ikaw?" Parang hindi naniniwalang sabi ni Elias. "Ikaw, Jensen Winchester. Mawawalan ng interes sa isang katulad ni Charley Mendoza?"

"Ano naman ang naka-kapagtaka dun?" Sagot ni Jensen sa pang-aalaska ni Elias.

"Nakakapagtaka talaga!" Sabi naman ni Jared. "Dude, wala kang pinalampas na magandang chick, and I know your type, pasado sa standard mo si Charley Mendoza."

"Pasado na kung pasado." Parang walang ganang sabi naman ni Jensen. "Pero wala akong balak na pormahan yung masungit at mayabang na babaeng yun."

"At bakit mo naman nasabing mayabang?" Tanong ni Elias.

"O, eh, hindi ba?" Iwinasiwas pa ni Jensen ang isang palad habang nagsasalita "Kung hindi ba naman talagang mayabang, hindi kayang tanggapin yung pagka-talo nya sa kasong hinawakan naming pareho."

"E, may point naman si Charley." Sabi naman ng kapatid nyang si Jared. "Hindi naman talaga patas. You paid for the opponent without the presence of his lawyer, asan ang patas dun?"

"Kanino ka ba talaga kampi ha?" Kunot ang noo ni Jensen nang tumingin sa kapatid, disappointed ang kanyang mukha.

"I'm not taking her side or yours, sinasabi ko lang yung fact." Natatawang sabi ni Jared.

"Alam mo," Ikinindat ni Elias ang isa nyang kilay. "May pakiramdam akong hindi ito ang una at huling pagta-tagpo nina Jensen Winchester at Charley Mendoza."

"Ako man!" Sabi ni Jared. "And I have a feeling na may mga kapana-panabik na magaganap sa dalawang yan."

Nag-apir sina Elias at Jared, i-iling-iling naman si Jensen. Inubos nya ang shot sa kanyang baso pagkatapos ay dinukot ang kanyang wallet sa likurang bulsa ng kanyang pantalon at binayaran ang ininom nila ni Jared.

"I have to go." Tinapik ng gwapong binata ang balikat ng kapatid. "Maaga pa ko sa office bukas." Pagkatapos ay hinarap ni Jensen si Elias sbay kaway, "nice chatting with you again, Sister." Sabi nya kay Elias at iniwan na nya ang dalawa.



When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon