"I'll make you guys some coffee." Paalam ni Ellen sa asawang si Sebastian at kay Charley pagkatapos ay iniwan na nya ang mga ito sa silid ni Jensen.
Hindi naman alam ni Charley kung susunod ba sya o magpapaiwan at hihintayin si Sebastian. Nakatingin ang tinuturing na mentor ni Charley sa natutulog nitong anak na lasing. Nakahalukipkip ang kanang braso nito habang ang kaliwang siko nito ay nakapatong sa kanang braso at nakatikom ang kaliwang kamao nito na nakadikit sa sariling labi.
"Is there something wrong?" basag ni Charley sa katahimikan.
"I'm worried about him." Tumingin si Sebastian sa dalaga.
"Don't you think he's a little too old for you to worry about." Ngumiti si Charley, aware sya na ang mga magulang ay hindi nawawala ang pag-aalala sa kahit na sinong anak kahit pa nga hukluban na ang mga ito. Pero idinaan ni Charley sa biro ang pagaala ng nirerespetong abogado.
"He's a great lawyer." Bumuntunghininga si Sebastian, inilipat nito ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon "He never lost a case and his reputation eats him and what happened today, him losing in a very prestigious case I'm worried that he won't take that easily."
"Jensen is smart, I think he knows the rules of the game." Pilit pinagaan ni Charley ang loob ni Sebastian "And he's too smart to ruin his life ng dahil lamang sa isang natalong kaso."
"I'm not worried it would ruin his life, I know my son and you're right Jensen is too smart to let that happen."
"Then what are you worrying about?"
"I'm worried that by being a good lawyer he will forget he's also a human being." Tumingin si Sebastian kay Charley. "I see myself in him when I was his age, the hunger, the passion and everything. All I ever wanted that time was to be the best of the best." Ngumiti si Sebastian habang inaalala ang kabataan.
"And you are." Proud na sabi naman ni Charley "And you're not just the best lawyer in town you are also a great husband and father to your kids." Tinapik ni Charley ang isang balikat ni Sebastian "And a great friend." Dugtong pa ni Charley.
"I was not about to you know..." tumingin muli si Sebastian sa natutulog na si Jensen "I was exactly like this kid when I met Ellen my wife. I'm worried that if Jensen will never find what I found, he will be the kind of person I should be. A horrible person who only cares about his reputation... but being the best isn't just winning. You need to lose sometime, by losing you won't be the best anymore but you will be great."
Ngumiti si Charley bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sebastian "Don't worry, I bet your son will find what you'd found and he will be the better person you wanted him to be."
"He already did, find what i found...almost" Parang nanghihinayang na sabi ni Sebastian "But he let it slips away." Tiningnan sya ni Sebastian ng makahulugan.
Binalewala naman ni Charley si Sebastian. "I need to go, baka magsara na si Elias andun pa ang kotse ko." Naiilang na ngumiti si Charley.
"Magkape muna tayo." Aya ni Sebastian sa dalaga.
Pinagbigyan naman ni Charley ang mag-asawa sa isang tasang kape, pagkatapos ay ibinalik sya ni Sebastian sa Professional Den. Pumasok lang sandali si Charley sa loob ng bar para ipaalam sa kaibigang si Elias na kukunin na nya ang kotse nya, dumiretso na ng uwi si Charley pagkatapos.
Kinabukasan...
Nagising si Jensen na tutop ang kanyang ulo, mabigat na mabigat ang pakiramdam nya at para syang nanglalagkit. Nang tingnan ni Jensen ang suot na damit ay napailing sya, kaya naman pala sya nanglalagkit, maghapon na nyang suot kahapon ang damit na suot.
Nalito pa si Jensen ng igala ang paningin sa loob ng kwarto na kung saan sya nagising. Nang makita ang cabinet ng mga trophy ay narealized ni Jensen na nasa sariling kwarto sya sa bahay ng mga magulang. Those trophies are his, varsity player sya ng kanilang basketball team simula high school hanggang college.
Lalong sumakit ang ulo ni Jensen ng isipin kung paano syang nakauwi sa bahay ng mga magulang. Lulugo-lugong bumaba ng kama si Jensen, alas sais na ng umaga ng i-check nya ang kanyang wrist watch. Pinilit tumayo ni Jensen at lumabas ng kwarto, bumaba sya ng hagdan at dire-diretsong nagtungo sa kusina, tutop pa rin ni Jensen ang ulo ng lumapit sa fridge para kumuha ng malamig na tubig.
"Good morning" bati ng kanyang daddy na si Sebastian.
"Morning" halos pabulong na sagot ni Jensen, inabutan sya ng baso ng mommy nya. Kinuha nya ito dalawang basong puno ng tubig ang magkasunod na inubos ni Jensen "Ahh!" ipinilig pa ni Jensen ang ulo ng makaramdam ng bahagyang ginhawa dala ng malamig na tubig.
"Coffee?" tanong ng kanyang mommy.
"Yes, please." Magalang na sabi ni Jensen inokupa nya ang upuan sa tabi ng ama, itinukod ni Jensen ang dalawang siko sa lamesa at muling tinutop ang ulo. Inalis lamang ni Jensen ang kamay sa ulo ng iabot ng kanyang mommy ang umuusok na tasa ng kape. Kahit mainit ay lumagok si Jensen mula sa tasa. Nang maramdaman ang mainit na likido sa mula sa kanyang lalamuna pababa hangang sa kanyang sikmura ay lalong gumaan ang pakiramdam ni Jensen. "This is the best coffee in the world." Compliment nya sa ina, sinabayan pa nya ito ng matamis na ngiti.
"Can you go to work?" nag-aalalang tanong ni Sebastian.
"All I need is a cold shower and a pair of fresh clothing and I'm all good again." Confident na sagot ni Jensen sa ama. Humigop muna sya uli ng kape sa tasa pagkatapos ay kunot-noong nagtanong "Hey, how did I end up here?"
"What was the last time you remembered?" tanong na kanyang mommy.
"I was in a bar of Elias, I had six...maybe eight shots of whiskey then..." huminto si Jensen ng maalalang dumating si Charley kagabi sa Professional Den and Charley was alone. He remembered he insulted her dahil hindi nya matanggap ang pagkatalo dito.
"Then what?" tanong ni Sebastian.
"Then I was black out that's the last thing I remembered?" iniiwas ni Jensen ang kanyang mga mata sa magulang at alam ni Jensen na sa ginawa nyang iyon ay sukol na syang nagsisinungaling.
"So you don't remember that Charley brought you home here." Sabi ni Ellen ng nakangiti sa anak.
"Charley brought me here?" Di makapaniwala si Jensen.
Ikinuwento ng kanyang Daddy ang nangyari simula sa pagtawag ni Charley kay Ellen hangang sa maihatid sila ng dalaga. Hindi pa rin makapaniwala si Jensen. After his rudeness kagabi ay nagawa pa ring mag-alala ng dalaga sa kanyang kalasingan at may dalang tuwa kay Jensen ang thoughtfulness ng dalaga na tawagan ang kanyang ina at samahan silang mag-ama para maiuwi sya.
"You owe her a thank you." Nanunutil na sabi ni Sebastian.
"I'll call her in their office." Nakangiting sabi ni Jensen.
"I can give you her number." Parang nanunubok na tanong ni Ellen sa anak "But it would be nice if you buy her flowers then have it delivered in her office, saka mo sya tawagan para mag-thank you." Kumindat pa si Ellen sa anak.
"What is going on with you guys" pinilit na palisin ni Jensen ang mga ngiti sa labi pero bahagya lang syang nagtagumpay. "You're acting weird you know that."
Hindi umimik ang kanyang mga magulang, pero nanatili ang nanunudyong ngiti ng mga ito sa labi habang nag-aalmusal.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Literatura FemininaWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...