Magkaharap sa upuan sina Charley at Jensen, nakapagitan si Jared sa girlfriend nyang si Jess at sa dalagang si Charley.Si Bobby ay nakatabi ng upuan kay Carmen, nakagitna ang maganda ring dalaga sa kanila ni Jensen, habang ang magkabilang kabisera naman ay okupado ng mag-asawang Winchester.
Panaka-naka ay tinitingnan ni Charley si Carmen, nang ipakilala ito ni Jensen sa kanila ni Bobby kanina ay gusto na nyang tanungin ang ex-boyfriend kung ang Carmen ba na ito at ang Carmen na kinaaasaran nya at pinagdiskusyunan nila nuon ay iisa? Pero ano naman ang karapatan nyang magtanong at kung sakaling nagkalakas sya ng loob na magtanong at sumagot ng 'oo' si Jensen ano naman ang gagawin nya? Wala sa lugar kung manunumbat sya at sasabihin hindi nya gusto ang presensya ni Carmen. Magbubusa man sya ngayon sa inis eh wala syang karapatan, past tense na sila ni Jensen.
Masigla ang hapunan, bawat isa ay nagsasalita. May kanya-kanya ng moment ng kwento ang bawat isa, even Carmen... pero si Charley ay tahimik lang, magsalita man sya ay tipid pero may sense lahat ng binibitiwan niyang salita. At kung may kailangan syang sagutin na tanong ay matalino ang mga sagot nya. At sadyang ganun si Charley, hindi sya nagpapa-impress kanino man. Sadya lang talagang lumulutang ang talino ng dalaga kapag nakikipag-usap. Tapos na silang kumain, pero masaya pa ang kwentuhan kaya walang tumatayo ni isa man sa lamesa.
"Who wants some coffee?" Tanong ni Sebastian.
"Huwag ka ng magtanong mag-serve ka na lang basta." Nakangiting sabi ni Ellen sa asawa.
Tumayo si Sebastian para kunin ang coffee maker sa kitchen, tumayo rin si Jensen para tulungang kumuha ng tasa ang Daddy nya.
"So, Charley" masiglang sabi ni Jared "Any stories to tell?"
"My life is really boring." Nakatawang sabi ni Charley "Maiinip lang kayo at aantukin."
"You seems funny and really smart." Compliment ni Carmen kay Charley, may matamis at sincere na ngiti ito sa mga labi habang nagsasalita. "The way you converse about law and justice halatang magaling ka." Sincere na sabi pa ni Carmen.
"Talagang magaling!" sabad ni Sebastian na pabalik na sa lamesa at dala ang coffeemaker, inuna nitong ilagay ang isang tasang hawak sa pwesto ni Ellen habang nagsasalita. "She's number one sa bar exams." Sinalinan ni Sebastian ang tasa para sa asawa. "Number two lang si Jensen." Dagdag na sabi ni Sebastian pero hindi naman sya bitter... mas tamang nanunutil si Sebastian dahil may nakatalo sa anak at babae pa. "But Jensen here never lost a case, not even once ever since he started his practice." Proud pang dagdag ni Sebastian.
Sasagot sana si Charley at babanggitin ang Marrack-Delgado case ng biglang sumabat si Jared "until Marrack vs Delgado."
"I won that case little brother." Bahagya pang isiningkit ni Jensen ang mata at ngumiti ng sarcastic habang inilalapag ang huling tasang hawak nya.
"Huh!" patuloy na pang-aasar ni Jared "Dad, tell me if Delgado didn't accept Jensen's bribe is there a chance he would win?"
"I didn't bribe Delgado." Pagtatanggol muli ni Jensen.
Pero hindi sya pinansin ng kapatid. nagpatuloy itong magsalita "Especially if Jensen's opponent will be Charley."
Bahagyang nag-isip si Sebastian habang nagsasalin ng kape sa kanyang tasa "I've
been waiting for that battle actually." Nakangiting sabi ni Sebastian "Kaya lang eh kumilos na ang kapatid mo."
"But do you think Jensen would win the case Tito?" tanong ni Carmen, inihagod pa ni Carmen ang isang kamay sa braso ni Jensen.
Gustong ibatukal ni Charley ang tasa ng mainit na kape kay Carmen. 'Tito talaga?' sabi nya sa isip 'feeling close!' umirap si Charley.
"Jensen will have a chance of defeating Charley, yes..." confident na sagot ni Sebastian "But he will definitely have a hard time at dudugo muna ang ilong nya kay Charley." Dagdag pa ni Sebastian.
"Dad naman, wala ka namang bilib sa akin." Kunwari ay nagtatampong sabi ni Jensen "I can't help but noticed sobra ang samapalataya mo sa babaeng yan."
'babaeng yan' umecho sa tenga ni Charley ang address ni Jensen. "Charley!" mataray na sabi ni Charley "My name is Charley!" ulit pa nya.
Ngumiti lang ng nanunudyo si Jensen. Iiling-iling naman si Sebastian, habang ang lahat ay nagpapalit-palit ng tingin kay Charley at Jensen.
"E bakit naman hindi ako sasampalataya sa galing ni Charley." Idiniin pa ni Sebastian ang pangalang ng dalaga "E ako ang mentor nya."
"Dad ikaw din ang mentor ko." Paalala ni Jensen.
"Kaya nga magaling ka rin di ba?" proud na sabi ni Sebastian "But I still wanna see kung sino ba talaga!" may challenge sa pagsasalita ni Sebastian.
"Tigilan mo na nga yang pang-aalaska mo Sebastian." Awat ni Ellen sa asawa. "Both of them are great, at hindi kaylan man magkakaharap ang dalawang yan dahil parehas sila ng kalibre." Paliwanag ni Ellen "if gladiator will have a case against Winchester again si John Abad na o kaya ay si Brad na ang itatapat sa anak natin.
"Hey." Biglang bawi ni Bobby "I'm still here."
"Tama!" tatawa-tawang sabi ni Sebastian, "si Bobby muna bago yung pioneers ng gladiators."
"Ibig sabihin talagang magaling ka." Sabi ni Carmen kay Jensen, inihawak pa nito ang isang kamay sa balikat ni Jensen "Mga batikan na ang katapat mo." Ngumiti pa si Carmen ng matamis na sinagot naman ng mas matamis na ngiti ni Jensen sabay kindat sa dalaga.
Gusto ng mag-walk out ni Charley, hindi nya alam kung selos ba o inis ang nararamdaman kay Carmen. Nang tumingin sya kay Bobby ay may supil na ngiti ito sa labi, Charley ignored her best friend.
"Same thing with Charley" sagot bigla ni Bobby "Puro batikan na rin ang itinatapat sa kanya ng ibang firm and yet she always managed to win the case."
"Nakakatuwa naman." Nakangiting sabi ni Carmen "Proud na proud ka sa girl friend mo."
"I'm not her boyfriend." Polite na itinama ni Bobby ang sinabi ni Carmen "Like what Jensen said when he introduces us to you, Charley and I work at the same firm and she's my best friend."
"Wow!" amused na sabi ni Carmen "I thought you two are into something, I'm sorry...my mistake." Apologize naman ng dalaga.
"And what makes you think that?" intresado si Charley na patunayang assuming lang si Carmen at wala itong taglay na talino sa pagbasa ng mga taong nasa paligid nya.
"You two came together." Parang naiilang na sabi ni Carmen "I mean...Jared and Jess then me and Jensen having dinner with their parents, so I thought."
Shock si Jensen, 'me and Jensen' walang 'her and Jensen' Hindi nakawala sa paningin ni Jensen ang ngiti at tingin ng kanyang Daddy at kapatid na parang sinasabing 'we told you.'
"So..." nakatagpo ng perfect timing si Charley para magtanong "How long you two and Jensen know each other?"
"Almost six years." Nakangiting sumagot si Carmen.
Tumaas ang kaliway kilay ni Charley at ito nga ang Carmen na iyon. "That long huh?" medyo may sarcasm sa tono ni Charley "And you two are together now for six years?" ngumiti pa si Charley pagkatapos magtanong.
******
Bitin ba? sorry, hehe, maybe later i will update...or not! we'll see... please vote, comment and if you are really that generous share! luv-luv!
******
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Chick-LitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
