Third Meeting

3.5K 118 111
                                    

Social benefit ng mga Lawyers sa buong Central Luzon, um-attend ang Gladiators. Nasa buffet table sina Bobby at Charley at kasalukuyang nag-di-debate sa isang kaso ng may sumawsaw sa kanilang usapan.

"I think Bobby here is right." It was Jensen. "Unless proven guilty wala tayong karapatan na humusga."

Bobby and Charley are talking about a father and daughter case. Idinemanda ng anak ang tatay ng rape dahil sa kahigpitan ng ama. Gustong makawala ng bata kaya pinaratangan nya ang ama na minomolestya sya.

"And Charley here is right also," sabad naman ni Jared. "Proven guilty or not, nahusgahan na ang tatay. It will be his words against his daughter words at alam naman nating naka-piring ang batas."

"I like these two." Natatawang sabi ni John na kasama nila sa buffet table.

"Jensen and Jared Winchester." Pakilala ni Bobby sa magkapatid kay John.

Iniabot ni John ang kamay kay Jared pagkatapos ay kay Jensen sabay sabing: "So, you're Jensen Winchester huh?"

"You know me from somewhere, Sir?" nagtatakang tanong ni Jensen.

"John---John Abad." Sagot ni John at mahigpit pang nakipag-kamay kay Jensen.

"Oh," tumango si Jensen at may pag-hangang bumalatay sa kanyang mukha. "I've heard of you, Sir. You're one of the finest."

"Nah!" pinalis ni John ang sinabi ni Jensen. "Swerte-swerte lang!" nakangiting sabi ni Johnny. "But I heard of you also, you are Jensen 'hot' Winchester, top of your class and undefeated 'sexy' Jensen Winchester."

Lalong bumalatay ang pagtataka at bahagyang pagka-ilang sa mukha ni Jensen dahil sa compliment na nagmumula kay John na parang gay ang dating ng compliment ng batikang abogado sa kanya. Naramdaman naman iyon ni John kaya biglang bawi si John. "That's according to one of the lady in our office."

"Oh, okay!" Sabi ni Jensen at parang naka-hinga ng maluwag. "And that lady wouldn't be . . ." bahagyang iginiya ni Jensen ang kamay na may hawak na baso kay Charley.

"No!" natatawang sabi ni John. "Angel, one of the ladies sa office, Angel Escoda." Itinuro ni John ang kinatatayuan ni Angel.

"Good God!" sabi lamang sa sarili ni Jensen. "She's hot," pero narinig pa rin ito ng mga kausap.

"And she's taken." Mabilis namang sagot ni Charley.

Palihim na nagtawanan sina Bobby, Jared at John. Nang tingnan ni Charley si Jensen ay umiinom ito sa baso ng kanyang champagne glass pero nakatitig sa kanya ang mga mata nito. Napansin ni Charley ang mga supil na ngiti sa mga labi ng kaharap, nagsisisi sya kung bakit pa nya sinabing taken na si Angel. Na para bang hindi nya gusto ang idea na Jensen finds Angel 'hot'.

Magpapaalam na sana si Charley sa mga kausap ng dumating si Sebastian Winchester. "Charley! Charley! Charley!" sabi nito habang papalapit sa kanila. Naka-kiling ng bahagya ang ulo nito at naka-focus ang tingin sa dalagang abogado. Nang makalapit si Sebastian kay Charley ay pinag-krus nito ang dalawang braso sa kanyang harapan sabay sabing: "How in hell does a bitch like you is invited to this party?"

Nagulat ang magkapatid na Winchester sa sinabi ng kanilang ama. Si John naman ay bahagya na ring nalito, pero si Bobby at Charley ay kampante lamang.

"Because jerks like you are also invited, so, I don't see any reason why I shouldn't be here." Mataray na sagot ni Charley kay Sebastian Winchester.

"Hey!" Mabilis na awat ni Jensen kay Charley. "Mind your tone lady! That's---"

Inawat ni Sebastian ang panganay na anak sa pamamagitan ng pagtataas nya ng isang kamay, litong tumingin si Jensen sa ama.

"You look beautiful tonight." Sabi ni Sebastian kay Charley.

"You look dapper yourself, Good Sir." Sagot naman Charley.

Ngumiti si Sebastian sa dalaga, inilahad nito ang dalawang kamay sabay sabing: "Come here lady." At yumakap si Charley kay Sebastian ng may ngiti na rin sa mga labi. Pagkatapos ay kinamayan at nag-yakap din sina Bobby at Sebastian at tinapik pa ang likod ng bawat isa bago naghiwalay. Ini-introduce ni Bobby si John Abad kay Sebastian Winchester, nag-kamay ang dalawa pagkatapos ay nagpaalam na si John dahil may nakita itong dating kakilala.

"You guys knows each other?" nagtatakang tanong ni Jensen sa kanyang ama at kay Charley.

"We used to be together in Ventura-Drillon." Nakangiting sabi ni Sebastian.

"You used to be together?" Nagtataka pa ring tanong ni Jensen. Nag-i-eskrima ang mga kilay nya sa idea at tunay na kahulugan ng salitang 'together'.

"Yeah, the three of us." Sagot ni Sebastian sa panganay na anak sabay turo kay Bobby at Charley.

"Dad meant they used to work together." Paliwanag ni Jared sa kanyang kuya. "At Ventura-Drillon before Dad started his own firm."

"Ahhh . . ." sabi naman ni Jensen na itinango pa ang ulo.

"How's Ellen?" tanong ni Charley kay Sebastian na ang tinutukoy ay ang Misis At nanay nina Jensen at Jared.

"She was supposed to accompany me here, pero last minute ay tumawag ang hospital, there's been an emergency." Paliwanag ni Sebastian kay Charley kung bakit hindi nya kasama ang kanyang may-bahay.

"Really?" natutuwang sabi ni Charley. "So she's back to being a Doctor again?"

"After Jared went to College," nakangiting sagot ni Sebastian. "Nainip sa bahay, kaya hinayaan ko na." nakangiting dugtong ni Sebastian.

"You knew my Mom?" hindi nawala ang naka-plaster na pagtataka sa mukha ni Jensen.

"Our Mom, Dude." Pagko-correct ni Jared sa kanyang Kuya na may kasamang pang-aasar, dahil amused na amused sya sa weird na ikinikilos ng kanyang kapatid pag si Charley ang kaharap nito.

"Would you shut up for just one second?" Warning ni Jensen sa kapatid.

Itinaas ni Jaren ang dalawang palad na parang sinasabi nitong suko na sya, pero hindi nito inalis ang sutil na ngiti sa mga labi.

"You know your mother's Bulalo?" Baling ni Sebastian kay Jensen.

"Yeah, my favorite." Sagot naman ni Jensen sa ama.

"Charley thought your mother how to cook that." Kumindat pa si Sebastian sa anak.

"You can't cook," halos sabay na sabi nina Jensen at Bobby kay Charley.

"I don't want to cook." Depensa ni Charley sa sarili pero kay Bobby tumingin. "There's a huge difference." Dag-dag pa ni Charley.

"Wait!" sabad ni Jared sa usapan, "how did you know Charley can't cook?" magkahalong pagtataka at pang-aasar ang tono ng pagsasalita ni Jared ng tanungin ang kapatid.

"Ahm. . ." kinalabit ni Bobby si Jared. "Don't want to cook!" binigyang diin ni Bobby ang huling sinabi and it connotes that he goes with Jared teasing both Charley and Jensen.

"Yeeees," bahagyang hinabaan ni Jared ang 'yes' para i-point out ang panunukso sa dalawa. "Sorry," tumikhim muna si Jared at saka nagpatuloy, "how did you know that Charley here doesn't cook, Jensen?" nire-phrase nya ang unang sentence.

"Which part of will you shut up for just a second you don't understand?" Binigyan ni Jensen ng warning look ang nakababatang kapatid.

"His one second passes already." Mabilis na pagtatanggol ni Bobby kay Jared. "Now it's time for you to answer the question."

Hindi umimik si Jensen, umiiling na tinungga ng binata ang natitirang champagne sa kanyang champagne glass.

Namuo na naman ang weird na tensyon sa pagitan nina Jensen at Charley, nakahalata naman ang ama ni Jensen na si Sebastian. And Sebastian knew, there was something between his son and Charley. 'May nakaraan ang mga batang ito,' sabi ng isip ni Sebastian

Hindi mapigilan ni Sebastian Winchester ang mapangiti, sa edad nyang fifty five ay malinaw ang ikinikilos ng panganay na anak at ni Charley. Kasabihan nga ng matatanda "papunta ka pa lang, pabalik na ako." At basang-basa nya ang tensyon sa kilos at pananalita nina Jensen at Charley dahil papunta pa lamang ang mga ito at sya ay pabalik na.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon