Sinundo ni Bobby si Charley, nakabihis na ito ng dumating sya sa bahay ng kaibigan. Charley's parents bought the house for her. Ito ang regalo ng mga magulang ni Charley sa pagkakapasa nya sa bar.
"Don't you think you're over dressed for the occasion?" sita ni Bobby sa kanya.
"Why?" takang tanong ni Charley.
Sinipat muli ni Bobby ang best friend. Black evening dinner dress ang suot ni Charley, okay naman sana iyon kaya lang eh mukang aattend sa isang premiere night si Charley. Gawa sa lace ang hangang kalahati ng binting haba ng dress na suot ni Charley, spaghetti strap iyon at may adornong lace na lilac sa may bewang, nagmukhang sintron ang lilac lace dahil nakaribbon iyon sa may harapan ng damit ni Charley.
Mataas ang heels ng sapatos ni Charley, mas mataas sa regular na heels na isinusuot ng kanyang best friend pag pumapasok ito sa gladiator's law firm. Nang sipatin nya ang mukha ng dalaga ay parang gustong matawa ni Bobby. Maganda naman ang make-up ni Charley, bagay nga ito sa nakapusod na buhok ng dalaga, kaya nga lang ay parang mas makapal kaysa sa dating pahid ni Charley ang make-up nya ngayong gabi.
"Para kang lalaban ng beauty contest eh." Nanunudyong sabi ni Bobby kay Charley. "Hindi ko lang alam kung casual dress category na ba tayo o evening gown na?"
"Tigilan mo nga ako oy!" minulagatan pa ni Charley si Bobby "Parang di mo naman kilala sina Ellen at Sebastian." Iginiya na ni Charley palabas si Bobby at ini-lock nya ang pintuan ng makalabas na sila.
"Si Ellen at Sebastian, oo, kilala ko..." naglalakad na sila papunta sa kotse ni Bobby "Pero si Jensen..." nanunutil na naman ang tono at tingin ni Bobby.
"Ano naman ang kinalaman ni Antipatiko sa suot kong damit." Tumigil sa pagbukas ng pinto ng kotse si Charley at binigyan ng warning look si Bobby.
"Antipako na ngayon?" binuksan na din ni Bobby ang pinto ng driver's seat "Aren't you get tired of giving names to Jensen?" Hindi muna sumakay si Bobby sa kotse "Nung isang araw, hambog, ano pa nga yung isa" Bobby moves his head at itinapat ang kanyang tenga sa direksyon ni Charley "impakto ba? Tapos may gunggong, baliw, manloloko..."
"Tumigil ka na Bobby Dominguez!" warning ni Charley sa kaibigan, sumakay na sya ng kotse.
"Nahihiwagaan na ako sa'yo babae ka!" nagpatuloy si Bobby habang ini-start ang kotse. "Lahat ng bitter na bansag nagamit mo na ke pogi." Tuloy pa rin sa daldal si Bobby habang imina-maneuver ang kotse sa kalsada.
Hindi sumagot si Charley. Nagpatuloy si Bobby pagkatapos na mag-change gear "But what really amuses me is the fact na kayang-kaya mong pasinungalingan sa akin na may nakaraan kayo ni pogi." Tumingin si Bobby kay Charley "you are not a very good liar you know, not to me anyway."
"Because I'm not lying!" mataray na sagot ni Charley.
"Alright" kunwari ay kumbinsido si Bobby "but Jensen though...he can't lie to me?" ngumiti ng sutil si Bobby.
"Meaning?" hindi naitago ni Charley ang interes sa ibig sabihin ni Bobby.
"Meaning..." sadyang ibinitin ni Bobby ang sasabihin ng matantya ng mapipikon na si Charley ay itinuloy nya ang sinasabi "May pagtingin pa rin si pogi s'yo?"
"Paano ka namang nakasigurado?" seryoso pero halatang may kilig sa mukha ni Charley.
Humalakhak si Bobby "I knew it!" sabi nito na hinahampas pa ang manibela ng kotse "It only proves na may nakaraan nga kayo."
Inis na hinampas ni Charley ang braso ng best friend, kahit kelan talaga kayang-kaya syang hulihin sa bitag ni Bobby.
"I want details" makulit na sabi ni Bobby "after our dinner with the Winchester's magha-heart to heart talk tayong mag-best friend." Ngumiti ng tagumpay si Bobby na inignore lang ni Charley. Idinako ng dalaga ang tingin sa kalasada. Hindi sya umimik hangang marakating sila sa bahay ng mga Winchester.
Pagbaba nya ng kotse ay kasabay naman ng pagbaba din ng isang babae sa isang kotse. Magkatapat ang pagkaka-park ng kotse ni Bobby at ng kotseng kadarating lang din. Maganda ang babaeng bumaba sa kabilang sasakyan.
Maigsi ang itim na buhok nito pero bumagay ito sa maliit na mukha ng babae. simple lang ang make-up nito pero hindi kayang i-deny na sadyang maganda ang babaeng kababa sa kotse, may resemblance ito sa artistang si Demmi Moore. Ngumiti kay Charley ang babae, ngingiti na rin sana sya ng biglang humarang ang mukha ni Jensen.
Nabuksan nito ang pintuan ng sasakyan at nakababa ito ng hindi namamalayan ni Charley. Gwapong-gwapo si Jensen sa suot na suit. Guhitang polo na kulay azul ang nakapaloob sa navy blue na suit na suot ni Jensen, walang necktie ang binata. Itim ang suot na sinturon ni Jensen na katerno ng kulay ng balat na sapatos nito. May bahagyang gel ang buhok ni Jensen pero sapat lang para mai-manage ang katamtamang gupit ng buhok nito.
And Jensen didn't seem bother to shave, may banayad na kilabot na taglay kay Charley ang bigote at balbas ni Jensen, lalong nagmumukang masarap humalik ang binata kapag tumutubo ang bigote nito. Bahagyang ikiniling ni Jensen ang kanyang ulo para sipatin ang mukha ni Charley.
Nang magtama ang kanilang mata ay umiwas si Charley, isinarado nya ang pintuan ng kanilang kotse. When she turn around ay mas malapit na si Jensen sa kanya dahil lumihis ito para maisara naman ang pintuan ng sariling sasakyan.
Bahagyang napasinghap si Charley sa pagkagulat, at hindi maiwasan ng dalaga na pigilin ang paghinga. Jensen is looking at her face, tapos ay bumaba ang tingin nito at pahagod na pinasadahan pabalik ang kabuuan ni Charley, then he focused his eyes on her lips. Napalunok si Charley, iyon ang pinaka-paborito nyang tingin mula kay Jensen, yung tingin na parang hinuhubaran sya.
"Hey Jensen!" bati ni Bobby sa binata, nakalapit na ito sa kanila. May sutil na ngiti sa labi ni Bobby habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na pantalon.
Para namang nagising si Jensen sa isang hypnotism ng sumagot ng "hi" kay Bobby.
Nang ibaling ni Bobby ang sutil na tingin sa kanyang best friend na si Charley ay hindi nakaligtas sa kanya ang reaksyon ng dalaga. Bahagya pang inihagod ni Charley ang isang kamay sa sariling batok at bahagyang yumuko sabay ng mahinang pagtikhim. Mga senyales na tinablan si Charley sa sexy look ni Jensen.
"Big mac?" mabilis na tanong ni Bobby, agad naman nagbigay ng warning look si Charley sa kaibigan.
"Big mac?" kunot noong tanong ni Jensen.
"Her thought..." mabilis na turo ni Bobby kay Charley. Itinikom naman ni Charley ang bibig habang nakatingin sa kaibigan, warning na kung pwede ay tumahinik na ito. Ngumiti si Bobby sabay sabing "Parang gusto daw nya ng big mag mamaya after dinner, he-heh."
Naa-amused namang sinipat ni Jensen ang ex-girlfrind. 'Big mac after dinner?' confused na tanong sa isip ng gwapong abogado. 'Ano ba ang akala ng babaeng ito hindi sya kayang busugin ng dinner na inihanda ng parents ko?' iiling-iling na lumakad si Jensen at inalalayan na si Carmen papunta sa main door.
Sumimple naman ng isang kabog sa sikmura ni Bobby si Charley bago sumunod na lumakad kay Jensen at sa babaeng kasama nito.
******
Three parts ang "The Dinner" pero bukas na po ulit ang update hehe, i need some noise people. tell me what you think?
******
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Chick-LitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...