Swimming Pool ni Big Mac

2.4K 84 40
                                    


I'm gonna need to shout your name angels elydiareyes micheilockz yourseverlasting dahil baka may malampasan kayong chapter. kasi po eh medyo maganda ang mood ko at marami-rami ang updates ko for today. simula po dito...mga limang chapters. kaya i-enjoy ang araw ng sabado kasama sina Jensen at Charley. Pakifloods ng comment #180 sa chicklit ito mga anak galing sa #351 nung february 25. Salamat in advance.

Now with the story...

******

Dama ni Sebastian Winchester na wala sa sarili ang panganay na anak, habang nasa meeting sila para sa mga kasong hahawakan nila para sa araw na iyon ay kumibo dili ang kanyang binata. Si Jared at si Jess lamang ang masigasig na nagsasalita at nagbibigay ng opinyon samantalang si Jensen ay matipit na 'yes' at 'that would be an option' lamang ang sagot.

Nang humarap si Jensen sa arraignment ng ilan nilang kaso ay nakita ni Sebastian ang dating Jensen. Matalino at matikas na nagawa ng kanyang panganay na binata ang trabaho. Ngunit ng mag-lunch na sila ay bumalik na naman sa matamlay at tahimik na mode si Jensen.

After lunch ay balik na naman ito sa pagiging magaling na abogado, ano man ang dahilan ng pagiging matamlay ng kanyang binata ay di nakaka-apekto iyon sa trabaho ni Jensen. Pero apektado si Sebastian sa nakikitang katamlayan ng kanyang anak. Something is wrong at hindi na nakatiis ang ama ng mga Winchester na magtanong kung ano ba ang nangyayari sa kanyang anak.

"Aren't you gonna pick up Charley?" nakatayo si Sebastian sa pintuan ng private office ni Jensen. Pasado alas singko na ng hapon at nakaharap pa rin sa kanyang laptop si Jensen. Nagpaalam na sina Jared at Jess, pauwi na rin si Sebastian at kakaunti na lamang din ang mga tauhan na nasa opisina ng Winchester & Sons.

"She's working late tonight." Simpleng sagot ni Jensen sa ama, hindi sya tumingin sa kanyang Daddy.

Inobserbahan ni Sebastian si Jensen, he knows that his son is just making an excuse. Huminga ng malalalim ang matandang Winchester at lumakad palapit sa lamesa ng panganay na anak.

"Is that why you make yourself work late also?" patay malisyang tanong ni Sebastian. Ayaw nyang diretsuhin ang panganay, he knew his son at kung didiretsuhin nya ito ay hindi ito magsasabi ng nararamdaman sa kanya.

"I need to work late kahit pa hindi kaylangan mag-overtime ni Charley." Sagot naman ni Jensen.

"Charley?" tanong ni Sebastian, hindi maiwaasang ma-amused ni Sebastian dahil simula ng mag-umpisa ang kanyang panganay na anak at si Charley sa no commitment na relasyon ay 'girlfriend' at hindi 'Charley' ang pag-address nito sa dalaga kapag pinaguusapan nila si Charley.

Confused namang napatingin si Jensen sa ama sabay sabing "Yes, Charley!"

"And since when did you address her Charley, what happened with 'girlfriend' or 'my girlfriend' pag pinag-uusapan natin si Charley o babanggitin mo si Charley?" nag quote-unquote pa si Sebastian sa salitang girlfriend at my girlfriend.

Binale-wala ni Jensen ang pang-aalaska ng ama, bahagyang iniiling ni Jensen ang ulo na parang sinasabi nya sa kanyang Daddy na 'stop teasing me Dad'.

"Is there something wrong, Son?" direstong tanong ni Sebastian sa anak.

"Nothing is wrong Dad." Tumingin ng diretso si Jensen sa ama ng sumagot "Stop asking me if I'm fine... I'm fine!" dagdag pa ni Jensen.

Hindi naman kumbinsido si Sebastian, nailing na lamang si Sebastian. Katulad ng inaasahan ay hindi nga nagsabi ng kung ano mang problema o nararamdaman ang kanyang anak dahil sa diretsong tanong nya dito. Tumayo ang batikang abogado sa kinauupuan, tumingin syang ulit kay Jensen habang ipinapamulsa ang kaliwang kamay.

"Is Charley going to pick you up or you will pick her up?" hindi pa rin talaga nakatiis si Sebastian.

"Dad!" nagpakawala ng warning look at warning tone si Jensen sa ama.

"Don't give me that look and that tone young man." Warning ni Sebastian sa panganay na anak.

"I'm sorry Dad." Hinging paumanhin naman ni Jensen.

"I was just making sure you're okay." Malumanay ng sabi ni Sebastian.

"I'm fine Dad, stop worrying." Pangungumbinsi ni Jensen.

Hindi kumbinsidong 'okay' ang sagot ni Sebastian at iniwan na ang anak. Nang makalabas ng opisina ay napasandal si Jensen sa kinauupuan. Mabilis na hinagod ng palad ng binata ang kanyang mga labi pababa sa kanyang baba kasabay ng buntong hininga. Kanina ay itinext nya si Charley para sabihing hindi nya ito masusundo at simpleng "K" lamang ang reply ni Charley sa kanyang text.

Wala naman sanang problema dun, ang kaso sya ang may dala ng kotse, karaniwan ng pag sinabi nyang kaylangan nyang mag-overtime at sya ang may dala ng sasakyan dahil nga simula ng umpisahan nila ang no commitment policy nila ay iisang kotse na lamang ang gamit nila ay sasabihin ni Charley na pupuntahan na lang sya nito sa kanyang opisina at hihintayin sya para sabay silang umuwi. Pero ngayon ay "K" lamang ang sagot nito. And something is really wrong sa sagot ni Charley. Hindi "okay" sa halip ay "k" lamang na para bang wala talagang kagana-gana ang dalaga.

At talagang naiinis na si Jensen sa inaasal ng dalaga. Ano ba ang problema ni Charley, bakit ba bigla na lamang itong naging malamig sa kanya. Pinalis ni Jensen ang nararamdaman dahil malulubog na naman sya sa malalim na pag-iisip. Itinuon nyang muli ang sarili sa trabaho, maya-maya ay engrossed ng muli si Jensen sa kanyang ginagawa. Nang makaramdam ng pangangawit ng likod at pananakit ng mga mata ay nagulat pa si Jensen ng tingnan ang oras sa kanyang suot na wrist watch.

Pasado alas diyes na ng gabi, kumalam bigla ang sikmura ng gwapong binata dahil hindi sya nakapaghapunan. Naalala nya bigla si Charley, nakauwi na kaya ang girlfriend nya? Nakalimutan na nyang tawagan o i-text ang dalaga kanina. Sa condo nya uuwi ngayon ang dalaga, nagmamadaling kumilos si Jensen para umuwi. Lalong susumpungin si Charley dahil bukod sa hindi na nga nya nasundo ito ay hindi man lang nya naalalang i-text man lang o tawagan ang dalaga.

Pagdating sa kanyang condo ay paulit-ulit na tinawag ni Jensen si Charley pero wala syang narinig na sagot. Balak sana ng binata na bilhan ng bulaklak ang dalaga pampalubag loob kaso sarado na ang suki nyang flowers shop. Kaya ang ending namitas na lang si Jensen ng mga bulaklak sa nadaan nya kaninan ng pauwi na sya. Nang i-check nya ang kanyang kwarto ay wala rin duon ang dalaga. Huling pag-asa na ni Jensen ang bathroom at ganun na lang ang pagkabigo ng binata ng makitang wala si Charley duon, hindi umuwi ang dalaga sa kanyang condo. Malungkot na tiningnan ni Jensen ang mga piñatas na bulaklak. Knowing Charley matutuwa sana sa effort nya ang dalaga dahil bulaklak iyon ng bugambilya. Pero wala si Charley, nailing na itinapon nya ang bulaklak sa basurahan.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon