Third Meeting (part 4)

2.9K 87 58
                                    

"Are you two kids alright?" Parang gusto ng matawa ni Sebastian sa nakikitang expressions sa mga mukha nina Jensen at Charley.

"Yeah," nanunukso na naman ang mukha na sabi ni Jared. "You seem agitated?" dag-dag biro pa nya sa kanyang kuya.

"Agitated like nervous or agitated like upset?" Kunot noong tanong ni Jensen sa kapatid.

"More like both." Sagot ni Jared, ngumiti pa sya ng sutil.

Umiling lang si Jensen samantalang si Charley ay kumukulo na ang dugo sa inis. 'upset talaga?' Parang gusto nyang mag-pakawala ng nakaka-insultong tawa kaya lang ay baka akalain ng mga kaharap na naluluka na sya.

"Anyway," sabi ni Sebastian bago pa mag-tuloy-tuloy na mapikon ang panganay na anak. "I'm sure Ellen would be happy to see you again Charley and Bobby." Baling ni Sebastian sa magkaibigan. "It's been what? Three---four years since we last spoke?" Tanong ni Sebastian kina Charley at Bobby.

"Four years," sagot ni Bobby. "After we became partners at Gladiators Law Firm."

"Ikaw, ako at si Sebastian," pagtatama ni Charley kay Bobby. "You and Ellen also," dag-dag pa ni Charley. "But me and Ellen, two years ago, I think?" Medyo ipinikit pa ni Charley ang isang mata habang nag-iisip.

"Before she came back to work?" Tanong naman ni Sebastian.

"Yup!" Bahagya pang itinikom ni Charley ang labi na parang sinasabing tama ang sagot ni Sebastian. "We still talked on the phone though, akala ko nga magkikita kami ngayon dito, kaya tinanong ko sya sa iyo kasi sabi nya sasama daw sya." Nakangiti si Charley habang nagku-kwento.

At gustong maasar ni Jensen, bakit parang proud na proud pa ang mayabang na si Charley? Hindi ba ito naka-halata kung gaano sya ka-upset na itinago ng kanyang ex ang pakikipagkaibigan sa kanyang parents. At saka bakit close pa rin ito sa Mommy nya hindi ba nako-kunsensya si Charley na sa araw ng birthday ng Mommy nya eh ginawa syang broken hearted nito.

"Walang naba-banggit si Ellen na may contact pa rin kayo." Parang nagulat naman si Sebastian.

"E pano po busy ka palagi." Mas parang may sarcasm ang 'po' ni Charley kay Sebastian kesa pag-galang pero hindi naman ibig sabihin ay binabastos nya ang batikang abogado. Ganun lang silang mag-usap bilang magkaibigan. "Kung alam mo lang nagtatampo na sa'yo si Tita Ellen puro ka daw law firm."

"Hindi totoo yan," itinuro pa ni Sebastian ang hintuturo kay Charley habang nakatawa. "Kung nag-uusap talaga kayo ni Ellen alam mong bumabawi ako sa mga pagkukulang ko."

"I know, tinapik pa ni Charley ang balikat ni Sebastian. "Kaya nga I am proud of you kasi kahit busy ka may oras ka pa rin sa mahal mo." Gustong kagatin ni Charley ang labi, parang nagpaparinig kasi sya kay Jensen pero hindi naman talaga at huli na para bawiin nya ang sinabi.

"That's because may oras din naman si Mommy sa Daddy." Sagot bigla ni Jensen. "At kahit ngayong nag-wo-work ang Mom ko she still have time for Dad." Bahagya pang ikiniling ni Jensen ang ulo at kibit-balikat na sinabi, "Doctors are busier than Lawyers pero iba si Mommy sa ibang babae. And mas mahalaga sa Mom ko ang lalaking mahal kesa sa success." Tumitig si Jensen kay Charley pagkatapos magsalita.

Sasagot pa sana si Charley ng sabihin ni Sebastian, "how about dinner this week-end?" Tumingin siya kay Charley at Bobby. "Our place, Ellen would be thrilled kung darating kayong dalawa."

"I'm in," sagot ni Bobby na itinaas pa ang palad na parang sinasabing 'present' tapos ay tumingin sya kay Charley.

"Wait, are we not invited?" Tanong ni Jared sa ama na iminosyon ang kamay sa kanila ni Jensen.

"You can come, mas matutuwa ang Mommy nyo kung darating din kayo ng Kuya mo." Excited na si Sebastian.

"Great, I'll bring Jess," sabi ni Jared. Girlfriend nito si Jess at Law din ang course ng girlfriend nya.

"You'll bring her as your date, that's nice." Tumatangong sabi ni Sebastian. "So Charley, are you coming with?" Baling ni Sebastian sa dalaga.

"Sasama na yan." Sagot ni Bobby habang ikinakawit ang isang braso nito sa leeg nya. "Di ba?" Nag-wiggle pa ang kilay ni Bobby habang nakatingin kay Charley. Nang dedmahin sya ni Charley ay inalis nya ang braso sa leeg nito. "Huwag mong sabihing di ka sasama," minulagatan pa ni Bobby ang kaibigan. "Sebastian and Ellen, Jared and---what's the name of your date again?" baling ni Bobby kay Jared.

"Jess," nakangiting sagot ni Jared.

"Yes, Jared and Jess." pagpapatuloy ni Bobby sa kanyang speech. "Kung di ka sasama it will be just Bobby, not Bobby and Charley. Awkward naman na wala akong date." Kumbinsi pa ni Bobby kay Charley.

"Baliw!" sabi ni Charley. "Invited din ako hano, date ka dyan." Bahagya pang sumimangot si Charley na parang sinasabing 'what's with the date thingy?'

"Bakeet?" parang naghahamon si Bobby. "May isasama ka bang date?" Tanong nya kay Charley.

'Sabi ko na may pinupunto itong kumag na best friend ko eh,' sabi ni Charley sa isip. Hinampas nya ng kanyang kamao ang sikmura ni Bobby. Bahagyang napa-igik ang kanyang bestfriend pagkatapos ay alanganing ngumiti at sinabing. "We are coming together, right?" Tingin na may kasamang sarcastic smile lang ang sagot ni Charley.

"Great." Sabi ni Sebastian "How about you son?" baling ni Sebastian kay Jensen.

"Oh, I will be there." Confident na sagot ni Jensen.

"And you will bring a date?" nang-aasar na naman na sabi ni Jared.

"Yeaahhh..." medyo pinahaba pa ni Jensen ang salitang 'yeah' na parang di sigurado tapos ay idinugtong "I can bring a date."

"Son." Nangingiti si Sebastian at inayunan na rin ang panunukso ng pangalawang anak na si Jared "are you aware of the word 'meet the parents'...are you sure you will bring someone sa dinner natin?" naghahamon si Sebastian.

Alam nyang walang sineseryosong babae ang anak and he's aware that his son Jensen never dated any woman twice. Kaya naman surprised sya sa lakas ng loob ni Jensen at confidence sa hamon ng magiging dinner nila sa Sabado.

"First, it's just a dinner." Mayabang na sabi ni Jensen "No special occasion, it's just dinner so there won't be a problem..."

'No special occasion' parang gusto ng sapakin ni Charley si Jensen, ngayon malinaw na kung bakit inilihim sa kanya ni Jensen ang birthday ng Mommy nito more than six years ago, parents meeting is vital with the Winchester's. hindi ka dapat magdala ng babae kung di ka seryoso.

"And second..." mayabang na pagpapatuloy ni Jensen sa pagsasalita "I'm bringing Carmen." Ngumiti pa ng sutil si Jensen, na parang sinasabing lusot sya sa magnitude ng 'parent meeting.'

Samantala, bigla naman ang pukol ng tingin ni Charley kay Jensen. 'Carmen?' ulit nya sa pangalan na sinabi ni Jensen sa kanyang isip 'am I thinking the same Carmen?' tanong muli ni Charley sa sarili.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon