Aminin!

2.8K 92 25
                                    

Katatapos maghapunan ng mag-anak na Winchester, nasa may terrace ang mag-aamang Sebastian, Jensen at Jared samantalang naiwan naman sa kusina ang mother nilang si Ellen at ang girlfriend ni Jared na si Jess.

"So how's school?" tanong ni Jensen sa kapatid matapos lumagok sa bote ng kanyang ice cold beer. Nakatayo si Jensen at nakaharap sa kapatid na nakaupo naman katabi ang kanilang Daddy.

"Good!" masiglang sabi ni Jared. "Great actually..." ngumiti ito sa kuya nya "May palagay akong Suma Cum Laude rin akong ga-graduate tulad mo." May pagmamalaking sabi ni Jared, pagmamalaki sa sarili at sa kanyang kuya.

Itinaas ni Jensen ang kanyang bote bilang pagsang-ayon sa katalinuhan ng kapatid. Ganun din si Sebastian at sabay-sabay silang tumungga sa kani-kanilang mga bote.

"So Jensen..." sabi ni Sebastian matapos lunukin ang mapait na likido "Are you ready to go to Gladiator's office tomorrow?"

"Me?" nakaplaster ang pagkagulat sa mukha ni Jensen. "Akala ko yung isa nating lawyer ang haharap sa Gladiators?"

"Hindi kaya ni Alvin si Collin Garcia." Paliwanag ni Sebastian "We need to win this case, son!" may pakiusap sa mga mata ni Sebastian ng tumingin kay Jensen.

"Hindi ba pwedeng sa opisina na lang natin mag-usap, bakit kaylangang sa Gladiator's office pa?" nagrereklamong sabi ni Jensen.

"Dahil kliyente natin ang idinemanda, natural sa opisina ng Gladiators kayo maguusap-usap." Malumanay na paliwanag ni Sebastian.

Parang nanglulumong naupo si Jensen sa baluster ng terrace at isinandal ang likod sa poste habang umiinom ng beer

"Are you not comfortable to meet Collin Garcia because there is a chance you'll see Charley?" nang-iinis na naman ang tono ni Jared.

Hindi sumagot si Jensen.

"Whoa!" biglang sabi ni Sebastian "Is there something I am missing here? What is going on between you and Charley?" dagdag na tanong ni Sebastian.

"Jensen used to be involved with Charley." Nanunudyong sabi ni Jared sa kanilang Daddy.

"Really?" amused na sabi ni Sebastian "Involved like... involve and not just one night stand?" Tanong ni Sebastian.

Jensen rolled his eyes, naiinis sya kung bakit umaasta ang kanyang Daddy at nag-iisang kapatid ng parang sya... si Jensen Winchester ay napaka-imposibleng magseryoso sa isang babae.

"What happened?" tanong ni Sebastian.

"Jensen became busy with our firm and he never met Charley again until three weeks ago." Paliwanag ni Jared sa ama, alam nyang hindi sasagot ang kapatid kaya pinangunahan na nya ito.

"So you dumped her." Nailing na sabi Sebastian kay Jensen, hindi umimik ang kanyang anak sa halip ay iniiwas nito ang tingin sa kanya at huminga ng malalim. "Oh my God!" di makapaniwalang sabi ni Sebastian "She dumped you?" seryoso ang tingin na ibinigay nya sa panganay na anak.

"Yes!" bahagyang pasigaw ang sagot ni Jensen "We are involved more than I said we were involved." Bahagyang bumaba ang tono ni Jensen "I was thinking of marrying her." Seryosong tumingin si Jensen sa ama at sa kapatid.

"What happened?" hindi nawala ang pagkabigla sa mukha ni Jared sa rebelasyon ng kapatid kung gaano naging kaseryoso ito kay Charley.

"It didn't work, Alright!" May warning sa boses ni Jensen at nagsasabing he won't answer any more questions.

"It's okay son." Nakakaunawang sabi ni Sebastian "It's not every day we met someone to... you know... love that much..." pinag-aralan ni Sebastian ang ekspresyon ng anak at saka nagpatuloy "we got to open up to someone sometime."

"Yeah" parang walang ganang sabi ni Jensen "And I don't!" tumingin sya sa ama at sa kapatid "I shouldn't have done that and it was stupid of me to get that close, look how it ended." Naka-plaster and disappointment sa mukha ng gwapong binata.

"I'm coming with you tomorrow sa Gladiator's office." Matatag na sabi ni Sebastian.

"Dad, you don't have to do that." Parang nahihiyang sabi ni Jensen sa kanyang Daddy.

"Im... coming... with!" matigas na ulit ni Sebastian.

******

Kinabukasan ay on-time na dumating ang mag-amang Winchester kasama ng kanilang kliyente sa opisina ng Gladiators. Sinalubong sila ni Brad at sinabing naghihintay na ang kanilang kliyente kasama ang lawyer nitong si Collin at ang isa pang lawyer na si Charley.

Si Maxima Alvarez ang kliyente ng Gladiators, dancer ito sa club at napatay nito ang anak ng kliyente ng Winchester and Sons na si Gilda Valenzuela. Mayaman ang mga Valenzuela, pero malakas ang laban ng Gladiators dahil rape ang isinampa nilang kaso sa namayapang anak nito na si Dick at self defense ang plea ng kanilang kliyente.

Nang pumasok ang mag-amang Sebastian at Jensen sa conference room ay sinalubong sila nina Charley at Collin. Nagkamay ang matitikas na abogado bago naupo sa lamesa kaharap ang kanilang mga kliyente.

Sina Collin at Sebastian ang namagitan kay Maxima Alvarez at Gilda Valenzuela. Gusto ni Gilda na mabulok sa bilangguan ang pipitsuging dancer sa club na si Maxima. Gusto naman ng Gladiator's office na mapawalang sala ang kanilang kliyente at patunayang biktima ito sa halip na akusado.

Tahimik lang sina Charley at Jensen, walang nagsalita sa kanilang dalawa. Hanggang sa matapos ang meeting ay ayaw magbigay at pumayag ni Gilda Valenzuela sa gusto ng Gladiators at ng kliyente ng mga ito.

"I guess we will see you in court then." Magalang na sabi ni Collin Garcia.

"We'll see you in court." Very gentleman namang sagot ni Sebastian.

Nagkamay ang dalawa pagkatapos ay nilisan na ng mag-amang Winchester ang opisina ng Gladiators kasama ang mataray nilang kliyente.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon