"You need to straighten yourselves." Nagbabanta ang tinig ng Judge. "Kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa isako nyo muna dahil walang puwang ang personal ninyong buhay sa korte ko, AM I CLEAR!"
Sabay na sumagot ng "yes your Honor" sina Jensen at Charley.
Nagpatuloy si Jensen sa pagtatanong "Miss Alvarez, ayon sa iyong kwento ng tanungin ka ni Attorney Mendoza kung ano ang nangyari ng gabi ng November 20, 2015 sinabi mong nagtatakbo ka matapos na mabaril mo ang biktima." Tumingin si Jensen sa akusado.
"Oho" sagot naman ni Maxima. "Hangang sa makalabas ho ako ng bahay at makakita ng taksing maghahatid sa akin sa tinitirahan ko." Ulit ni Maxima sa statement nya kanina.
"Do you have a telephone Miss Alvarez?" Tanong ni Jensen.
"Oho." Nalilitong sagot ni Maxima.
"Cell phone or landline?" Tanong ulit ni Jensen.
"Attorney Jensen Winchester!" nagbabantang sabi ng Judge.
"I need to establish something here your Honor." Confident na sagot ni Jensen.
"Answer the question Miss Alvarez." Parang nakumbinsi naman ang Judge.
"Pareho ho, cell phone saka landline." Sagot naman ni Maxima.
"And you didn't call the police para i-report ang insidenteng naganap?" tanong ni Jensen.
"Litong-lito na ho ang isip ko..."
"Litong-lito ang isip mo o natatakot ka dahil baka makulong ka kung napatay mo si Dick Valenzuela, which you did and sadly he is." Ikinibit pa ni Jensen ang balikat.
"Parang ganun na nga rin ho." Yumuko si Maxima pagkatapos sumagot.
"No further questions your honor." Bumalik na si Jensen sa upuan.
Tumayo si Charley at sinabing may bago silang ebidensya na ipapasa sa korte. Kumontra si Jensen pero may logic ang pakiusap ni Charley pinayagan ng husgado ang bagong ebidensyang ilalahad.
Iniutos ni Charley sa pulis na nakabantay sa korte na ilabas ang board na kinalalagyan ng bagong ebidensya. Tumambad ang patay at duguang katawan ni Dick sa mga litratong nakakabit sa black board.
"Objection!" sabi ni Jensen pero "overruled" ang sagot ng Judge.
Tinawag ni Charley ang isang doktor sa witness stand, isa sa mga litratong nakapaskil ay ang kaliwang braso ng biktima na si Dick Valuenzela. Ipinaliwanag ng doktor na tusok iyon ng karayom, at katunayan na gumagamit ng ipinagbabawal na droga si Dick at high ito sa droga ng pagtakaan ang kanilang kliyente na si Maxima Alvarez. May ilan pang ebidensya na gumagamit din ng cocaine ang biktima at isa pang ipinagbabawal na drugs tulad ng marijuana.
Nagkagulo ang lahat, nagkislapan ang mga camera ng lahat ng reporter sa loob ng korte, panay ang hampas ni Judge sa kahoy na hawak pero walang tumigil.
Lumakad si Charley sa kanilang kliyente. Ngumit sya dito sabay sabing "Pano yan, abswelto ka na?"
Niyakap ni Maxima si Charley, gayon din si Collin at nang mahupa ang kaguluhan ay ibinaba ng Judge ang hatol. Not guilty ang akusadong si Maxima Alvarez, bayad pa ng danyos perwisyo ang pamilya Valenzuela.
"You can start a good life on that money." Sabi ni Collin sa kliyente nilang si Maxima.
Ngumiti ang dalagang ina na striptease dancer "Naintidihan ko yung money attorney... at opo magsisimula na ako ng panibagong buhay."
"Good!" kumindat pa si Collin kay Maxima.
Nagligpit na ng gamit sa kanilang lamesa sina Collin at Charley, nakalabas na ang lahat. Sila na lamang ang naiiwan at ang mag-amang Winchester. Lumapit si Sebastian sa abogado ng Gladiators at sport itong nakipagkamay kay Charley at Collin.
"That's a good battle." Sabi ni Sebastian.
"It is!" nakangiting sabi ni Collin "And we have to admit, nahirapan kami sa kasong ito." Totoo ang sinabi ni Collin.
"As expected" ngumiti si Sebastian kay Charley "You are a worthy opponent kid."
Ngiti lang ang isinagot ni Charley, nang tingan nya si Jensen ay galit ang mga mata nito.
******
Mamayang gabi po ulit another update. Bago po ako mainis sa upgraded na data internet plan ko hehehe (limited access mode), bibilisan ko na po ang kwentong ito. If you haven't read book 1 of kilig,luha at saya ng umiibig. Available pa rin po ang kwento nila Jack at Jade sa aking profile. Book 3,4 & 5 will be on hold until "When will you start bending your own rule is completed (kilig, luha at saya ng umiibig Book 2).
You can also enjoy reading my Pentagon Series, its five English series. Completed na po yung dalawa on-going yung pangatlo. I've got four more published works and you can check all that out on my wall.
Salamat po... sa support at sa patience.
******
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
