Dedicated to elydiareyes ulit hehe (ganda yung part 3 wag mong lalagpasan ha!)
******
Pinagpatuloy ni Charley ang kwento.
"I only realized that there's drug on my drink ng makita kong sumenyas ang isang pinsan ng date ko at itinuturo ang isang kwarto sa itaas ng bahay." Nailing si Charley sa pagbabalik ng ala-ala. "Fortunately, Collin Garcia was there, that time I didn't know him at invited lang din sya sa party and he noticed what's going on with me. Collin pretend na magkakilala kami, gusto ko sanang kumontra pero epekto siguro ng drug kaya hindi na ako nakapag-react. Collin gets me out of there, and I remember nagkaroon ng bahagyang commotion dahil ayaw pumayag ng date ko na umalis si Collin ng kasama ako, but then Collin... He threatened my date and his cousins na kung pipigilan nila kami ay magdedemanda si Collin ng date rape." Bahagyang natawa si Charley "Ayun natakot ang buong lahi ng bastos na date ko and then they let us go. From then on isinumpa ko na ang kahit anong alak sa mundo." Pagtatapos ni Charley sa kanyang kwento.
"Your date didn't succeed with his plan but you went with Collin Garcia?" nag-eeskrima ang mga kilay ni Jensen sa ideyang pumapasok sa isip nya "You dated a guy you barely knew and you allowed yourself to be rescued by a guy you also barely knew and worst sumama ka sa Collin Garcia na yun under the influenced of date rape drug kahit na hindi mo pa sya kilala that time."
Nagulat naman si Charley sa reaksyon ni Jensen, salubong ang kilay ng dalaga ng magtanong "Are you accusing me of something?" may bahagyang inis ng bumabangon kay Charley.
"I am not accusing you of anything." Malumanay na paliwanag ni Jensen "All I'm saying is that how could you be so careless?" may pag-aalala sa tono ng boses ng binata.
"Just so you know, Collin brought me to the drugstore." Ipinagpatuloy ni Charley ang kwento, hindi nya alam kung bakit pero gusto nyang ipalagay ang loob ni Jensen at ewan nya kung bakit pero ayaw nyang isipin ng kanyang ex na gumawa sya ng isang kahihiyan. "Apparently Collin knew how to counter the effect of that date drug. After an hour or so bumalik na sa normal ang pakiramdam ko."
"And Collin?" intresado si Jensen.
"What about him?" sagot ni Charley sa tanong ng binata.
"What happened after he countered the effect?" kunot na kunot na naman ang noo ni Jensen.
"I thank him and he offered me a ride home." Parang walang ganang sagot ni Charley, nakukulitan na kasi sya sa ex boyfriend.
"And you said yes to that ride?" hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha ni Jensen.
"Dude" awat ni Jared "I think after this Collin... whoever he is and Charley went through, I mean she's under the influenced of date rape drug and Collin had the chance to take advantage of her situation and yet he didn't. I guess it's not a bad decision for Charley to say yes to his offer for a ride home." Tumingin si Jared kay Charley at saka sinabing "right?"
Ngumiti si Charley kay Jared sabay sabing "Thank you..." tumingin sya kay Jensen ng sabihin nyang "Buti pa itong kapatid mo bright!" inirapan ni Charley si Jensen.
"Okay, I'm sorry." Sincere si Jensen sa pag-hingi ng paumanhin "I'm just..." hindi alam ng binata kung itutuloy ba o hindi ang sasabihin but he decided na ituloy na lang "I'm just worried about you, alright!" at iniiwas na nya ang tingin sa dalaga.
"And why would you worry about her?" hindi pinansin ni Jared ang magkahalong shock at fondness na nag-flash sa mukha ni Charley dahil baka makahalata ang dalaga na may alam sya sa kwentong 'Jensen loves Charley' kaya naman ipinagpatuloy nya ang pag-arte. "That was five years ago, you never even met her."
"Kaya nga!" sagot ni Charley, effective ang acting ni Jared dahil wala syang nahalata na may alam na ang nakababatang kapatid sa nakaraan nila ni Jensen.
"Yeah I didn't know her that time." Sagot ni Jensen "But you tell the story so good na pakiramdam ko magkakilala na tayo nuon pa." palusot ni Jensen, aware sya sa effort ng kapatid na huwag iparamdam kay Charley na may alam na ito. "And you know... that's how effective story teller you are na nag-worried ako sa'yo like we knew each other five years ago."
Muli na namang nagpakawala ng amused look si Charley. Jensen ignores that smirk on Charley's face at sa halip ay tinanong ang dalaga "You want some coffee? I can make you one if you want too."
"Yeah, I still drink coffee." Nang-iinis pa rin ang ngiti ni Charley at obvious na naiparating nya sa ex-boyfriend na umiinom pa rin sya ng kape. "Coffee would be great." Dugtong pa ni Charley.
Jensen rolled his eyes bago sya tumayo sa sofa para gumawa ng kape, gusto nyang mainis sa sutil na ngiti ni Charley but he has to admit na gusto nya ang pang-aasar nito sa kanya. Para kasing naa-preciate ni Charley ang pag-aalala nya. Lihim na napangiti si Jensen, kahit nakatalikod ay nag-alala pa rin ang binata na baka makita sya ni Charley. Masiglang nagsalin ng kapeng ibi-brewed si Jensen sa coffe maker, habang nag-iintay ay kumuha sya ulit ng dalawang ice cold beer.
Nag-uusap sina Charley at Jared ng tungkol sa case study ng iabot nya sa kapatid ang pangalawang bote ng san mig light. Nag-thank you si Jared sa kanyang kuya matapos kunin ang bote ng beer.
"So, are you coming here tomorrow for the finishing touches of my case study?" tanong ni Jared kay Charley.
"Will your brother be here tomorrow?" nanunutil na tanong ni Charley at saglit na sinulyapan si Jensen.
"I'm part of the team!" umarte si Jensen na kunwari ay napipikon sya, sinakyan nya ang magandang mood na nagmumula kay Charley "Of course I will be here." Ikinunot pa nya ang noo.
"Then I will come." Nakangiting sabi ni Charley "But I will be late tomorrow maybe nine or nine thirty."
"That's fine as long as you're coming." Sagot naman ni Jared.
Nang tumunog ang coffee maker ay mabilis na nag-excuse si Jensen sa dalawa. Natatawa pa sina Jared at Charley dahil patakbong tinungo ni Jensen ang coffee maker.
"Charles, honey! How do you want your coffee with sugar or with cream?" pasigaw na tanong ni Jensen kay Charley.
"Two tablespoon of cream no sugar!" pasigaw na sagot din ni Charley nilingon pa nya si Jensen at sinabing "How can you not memorize that?"
"I remember!" conceited na sagot naman ni Jensen "I was just testing if you knew your coffee well." Kumindat pa si Jensen kay Charley.
Ngiting-ngiti naman si Charley habang umaayos muli ng upo sa sofa, she wanted to suppress her feelings pero hindi nya maiwasang kiligin sa inaasal ng ex-boyfriend.
"Did my brother just called you honey?" sutil mode na naman si Jared.
"Did he?" patay malisyang sagot naman ni Charley.
"And Charles..." kunwari ay confused si Jared "its Charley right? So... Jensen now have a nick name for you?" nanunutil ulit ang ngiti at mata ni Jared.
Iyon ang talagang nagpakilig ng husto sa dalaga, nobody called her 'Charles' but Jensen. "Question" sa halip na sumagot ay iniba ni Charley ang topic "Why do you call him Jensen when he's older than you di ba dapat kuya?"
"Ayaw kong magpatawag ng kuya kasi pakiramdam ko eh tumatanda ako." Si Jensen ang sumagot sa tanong ni Charley, iniabot nya ang mainit na kape sa dalaga. "Oh, careful it's still hot" malambing na remind ni Jensen.
Kung ano ang init ng kape sa tasang inabot ni Charley mula kay Jensen ay ganun din ang init na naramdaman nyang gumapang sa kanyang katawan ng sabihin nito ang salitang 'careful it's still hot' parang bumalik sa six years before ang pakiramdam ni Charley when she had Jensen's heart.
;h;Z*J
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Romanzi rosa / ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
