Birthday ni Ellen Winchester, simple lamang ang party. Tanging ang mga tauhan ng Winchester & Sons at ang anim na may ari ng Gladiator's law firm, ilang kaibigan ni Ellen sa hospital na pinagtatrabahuhan at ang may ari ng Professional Den na si Elias ang bisita.
Magkakaharap sa lamesa ang mag-anak na Winchester, ang anim na nagmamay-ari ng Gladiators at si Elias. Masayang nagkukwentuhan ang lahat. Then out of nowhere ay biglang ipinasok ni Collin ang isang tema ng usapan. And offer ng Boston Legal & Associates sa Boston, New York.
"I've heard you accepted the offer Jensen." nakangiting sabi ni Collin kay Jensen.
Bigla ang naging tingin ni Charley kay Jensen. Hindi naman kaagad nakasagot ang gwapong binata dahil wala pa syang nababanggit kay Charley na tinanggap na nya ang offer sa Boston.
"How did you know that?" salo ni Jared sa awkward na sitwasyon.
"I've got the same offer." Conceited na sagot ni Collin "Well...after Charley turned down the offer." Sabay mostra ni Colling ng kanyang champagne glass kay Charley.
"Boston offered you a job?" hindi makapaniwalang tanong ni Jensen. "How come you never told me that?" nag-eeskrima na naman ang mga kilay ni Jensen.
"You took the offer already and you didn't tell me that either." Nakangiting sagot ni Charley, itinaas pa nya ng bahagya ang sarling champagne glass bago uminom, pinilit ni Charley na maging cool at tinimpi ang sama ng loob sa paglilihim ni Jensen at pambabalewalang sabihin sa kanya na tinanggap pala nito ang offer sa Boston.
"Wait!" salong muli ni Jared sa mas papa-awkward pang sitwasyon "You've got the same offer Charley and you turned it down?" tanong ni Jared sa magandang dalaga.
"Yes I did." Nakangiti pa ring sagot ni Charley.
"And why did you turn it down?" dagdag na tanong ni Jared.
"I don't wanna try my luck." Kibit balikat na sagot ni Charley "I'm okay with Gladiators office and I'm happy. What's the point of going there and risk your luck." Very convincing ang acting ni Charley pero ang totoo ay si Jensen ang dahilan kung bakit hindi nya tinanggap ang offer. Charley didn't know Jensen got the same offer because if she knew that she would accept that offer in an instant. Nagtataka talaga sya kung saan nalaman ni Collin ang balitang may offer din si Jensen at bakit alam nitong tinanggap na ni Jensen ang offer.
"How come you knew Jensen got the same offer and he accepted it?" itinanong ni Jared kay Collin ang tumatakbong question sa isip ni Charley "Did you know that Collin had the same offer as you do?" baling ni Jared kay Jensen.
"Yes I do." Sagot naman ni Jensen "When I said yes to their proposal they told me that Collin Garcia also accepted the job and I'm sure they told you the same when you accepted their offer." Baling ni Jensen kay Collin.
Tango lang ang sagot ni Collin.
"And both of you." Nagtatakang turo ni Jared kay Jensen at Charley "Both of you didn't know you have the same offer?" tanong ni Jared sa dalawa.
Iling lang ang sagot nila Charley at Jensen.
"Wow!" hindi makapaniwala si Jared, ang pagkakataon nga naman. Kung tinanggap pala ni Charley ang offer ay magkakasama din ang dalawa sa Boston and Jared finds that ironic. Ano ang tunay na dahilan ni Charley para huwag tanggapin ang offer?
Bigla ang katahimikan sa kanilang lamesa na sabi nga ng matatanda ay parang may dumaang anghel. Si Collin ang bumasag sa katahimikan.
"I'm just curious?" itinaas pa ni Collin ang hintuturo "We're leaving next month and you never told Charley yet?" diretsong tanong ni Collin kay Jensen.
Pasimpleng tinabig ni Bobby si Collin para sabihing 'shut your mouth' samantala si Ellen ay iniba na ang topic ng usapan. Bumalik naman ang sigla kina Jensen at Charley, pansamantalang nalimutan ng dalawa ang Boston topic hanggang sa matapos ang birthday party ni Ellen, pero ng nasa kotse na sina Jensen at Charley pauwi sa condo ng binata ay nagsimula na naman ang tensyon at awkward ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Take me home!" binasag ni Charley ang pananahimik.
"Yeah, I will take you home." Nakangiting sabi ni Jensen na ang ibig sabihin ay 'iuuwi na kita' sa halip na 'ihahatid kita sa bahay mo' na syang gustong mangyari sana ni Charley.
"I mean...take me to my place!" galit na sabi ni Charley.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Chick-LitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...