Pulutan

3.7K 113 92
                                    



Sabay sabay na dumating sa office ng Gladiators and anim na nagmamay-ari. Pag-pasok na pag-pasok nila sa opisina ay nagtanung si John. "How was your hunting last night?" Tinutukoy nito kung ano ang nangyari sa paghahanap ni Bobby ng boyfriend material para kay Charley?

"Baduy!" Walang ganang sagot ni Bobby. "Walang ka-kwenta-kwenta itong babaing ito." Sabay turo kay Charley.

"I know a friend." Sagot ni Collin. "I can set up Charley with him." Nakangiting sabi ni Collin sa lahat.

"Collin, stop!" Sabi naman ni Brad. "What we need is a boyfriend material, yung seryoso at hindi yung 'Big Mac' na katulad mo na titikman lang ang 'Amazing Aloha' nitong si Charley."

Medyo may pagka-bastos ang tinutukoy na 'big mac' at 'amazing aloha' ni Brad, it refers to their neither region. Pero ayaw naman nilang maging masyadong obvious ang usapan nilang magka-kaibigan kaya nag-isip sila ng itatawag sa parte ng katawan na iyon na hindi naman halatang mahalay ang kanilang usapan.

"Tama!" Sabad naman ni Angel. "Ibig sabihin hindi katulad mo at ng kaibigan mo na kumukuha lang ng experience."

Tumawa lang si Collin sabay sabing: "Maka-panghusga naman kayo, People of the Philippines. Para namang kailangan ninyong magpreno. Hindi naman nahuhuli sa likaw ng bituka ko itong si Amazing Aloha, kelan ba nagseryoso sa lalake yang si Charley, aber?"

"Helloooo!" mulagat na sabi ni Charley. "I'm just right here . . .right here! Naririnig ko lahat nang sinasabi nyo, lubayan nyo kayang mag-usap na parang wala ako dito."Binuksan ni Charley ang isang folder at nag-patuloy sa pagsasalita. "And for the record, I don't use men to gain experience, hindi ako fan ng casual sex."

"When was the last time you had sex?" Tanong ni Johnny.

"Ay, eh ano naman kaya ang pakialam nyo sa sex life ko?" mataray na sabi ni Charley.

"Concern lang kami sa'yo babae!" Sagot naman ni Brad. "Alalahanin mo hindi ka bumabata." Ngingiti-ngiting sabi nito.

"E, kung katulad nyo lang naman ang mga magiging lalake ko sa buhay." Itinurong isa-isa ni Charley sina Bobby, Collin, John at Brad. "Di bale na lang! luluha lang ako ng dugo sa inyo."

"Halla!" sabi ni Bobby. "Maka-pagsalita ka naman, eh parang tama naman si Collin. Puro ka date, puro ka pa-asa sa mga katulad naming lalake, tapos pina-iiyak mo lang kami."

"Kelan ko naman kayo pina-iyak?"  tanong ni Charley sa best friend sabay irap.

"We are talking in general," Sagot naman ni Collin. "Ilang lalake na ba ang nangligaw sa'yo na pinaasa mo lang?"

"Wala akong pinapaasa," sagot ni Charley. "Kasalanan ko bang masiraan sila ng bait sa alindog ko? At kasalanan ko din bang umasa sila sa wala? Umpisa pa lang sinabi ko ng wala silang aasahan sa akin pero ano . . . mati-tyaga pa rin!"

"Hindi ka pa pasalamat na may nagtityaga sa'yo." Sagot naman ni John. "Saka teka nga, ano naman ang ibig mong sabihin sa 'kung katulad lang naman namin ang makakasama mo sa buhay e di bale na lang' do we have to remind you na good catch kaming apat?"

"Good catch?" bahagyang tumawa si Charley. "Do I need to remind you all? Ikaw John Abad, Brad Santos at Bobby Dominguez, eh annulled ang kasal. At ikaw Collin Garcia, wala kang gustong pakasalan." Tumayo si Charley para kumuha ng kape. "Kaya wag kayong magyabang na good catch kayo dahil kung totoo yan, bakit mga singles pa rin kayo?"

"Choice yun oy!" sagot naman ni Collin, kinuha nito ang sariling tasa at lumapit kay Charley para salinan din sya ng kape nito.

"At choice ko din na 'wag mag-boyfriend." Sagot ni Charley.

"At magpaka-tandang dalaga." Sabi naman ni Angel.

"Andyan ka pala?" biro ni Charley kay Angel.

"Tigilan mo ko." Minulagatan ni Angel si Charley, "ikaw ang topic natin."

"Alam nyo may mabibingwit na sana kami kagabi nitong si Charley." Sabi ni Bobby, kumuha din sya ng sarili nyang kape. "Kaso, nasiraan ng bait itong babaeng ito at biglang nag-walk-out."

"Sino naman yung prospect nyo?" Tanong ni Angel.

"Jensen Winchester," sagot ni Bobby habang lumalakad pabalik sa upuan nya.

"Jensen 'hot' Winchester, top of his class number two sa bar, undefeated 'sexy' Jensen Winchester." Parang na-eexcite na tanong ni Angel.

"Angel, nilalabasan ka na!" Awat ni Collin sa kanilang kaibigan. "Kwentuhan pa lang yan!" iiling-iling na sabi nito.

"Sobra ka naman Collin," sabi naman ni Angel. "Nakita mo na ba si Jensen? Susme, pag ganun ang magiging lalake ko sa buhay di bale ng hindi sya magtrabaho, sa kwarto lang sya." Tumawa pa si Angel.

Naiiling na nagsi-ayos ng upo sa kani-kanilang upuan ang apat na kaibigan nilang lalake. "Kung lahat ba naman sana ng babae sa mundo e katulad mong mag-isip Angel, 'di sana masaya na itong kaibigan nating si Charley." Sabi ni Bobby.

"What makes you think naman na hindi ako masaya?" Kontra ni Charley sa sinabi ng kanyang bestfriend.

"We are talking about happiness you get from love," sabi naman ni Angel. "The feeling of being in love and beloved. Iyon ang pinakamasarap na damdamin sa lahat."

"Hah! The feeling of being in love and betrayed by love." Naka-ingos na sagot ni Charley, "di bale na lang, I'll pass!"

"Napaka-cynic mo naman." Sabi ni Angel.

"Hindi ako cynic," mulagat ang matang sagot ni Charley. "Realist ako."

"Realist ka dyan!" Irap ni Angel. "Reyalidad ba yung ayaw mong magseryoso dahil takot kang masaktan?"

"First, that word ayaw mag-seryoso, it notions na mukha akong play girl. It's not like I change boyfriends like i changed my clothing. I entertained suitors, yes, because I'm looking for a candidate, looking for serious material boyfriend na kayang mag-commit forever. At wala pa'kong nakikita, kaya lubayan na! Second, and put this in a record. Hindi pa ako handang mag-mahal at mag-commit is far more different than hindi nagsi-seryoso. Ayoko ng boyfriend ay ibang-iba sa nakikipag-fling which i don't do. And last but not the least, Angel, at least ako nag-iisip at hindi bara-bara magka-boyfriend lang." Litanya ni Charley.

"At least ako may boyfriend." Sagot naman ni Angel sabay dila kay Charley na parang bata.

Natatawa naman ang apat nilang kaibigan at mga ka-partner na lalake sa firm habang pinapanuod sila.

"Hay naku," parang nalulungkot na sabi ni John. "Sana lang, Charley. Mamulat ka sa katotohanang kailangang mong magmahal, kahit masakit, kahit mahirap. One way or the other it's better to have love than to never had love at all." Kinopya pa ni John ang famous quotation ng love.

Gustong sabihin ni Charley, 'I did have love and got hurt, tama na yung minsan'. Pero sa halip ay sinabi nalang ni Charley, "mas mainam nang maka-tagpo ng mas nagma-mahal, hindi bale ng di ko mahal."

"O, eh bakit hanggang ngayon wala ka pa ding nagmamahal kahit di mo mahal?" Tanong naman ni Bobby.

Hindi na kumibo si Charley, itinuon nya ang mga mata sa screen ng kanyang laptop.




When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon