A week bago umalis sina Collin at Jensen ay nagbigay ng despedida party si Elias para sa dalawang kaibigan. Sarado ang Professional Den at exclusive lamang para sa kanilang magkakaibigan ang party kasama syempre sina Ellen at Sebastian.
Masaya ang lahat, walang bad trip o KJ, walang kantiyawan o kahit panunutil para kay Jensen at Charley. Alam ng lahat na tinapos na ng dalawa ang kung ano mang relasyon meron ang mga ito at no hurt feelings ang ending ng dalawa. Kahit ang totoo ay nanghihinayang ang lahat dahil obvious na mahal nila Jensen at Charley ang isa't-isat ay nirespeto nila ang ginawang desisyon ng mga ito.
Bago maghating-gabi ay tipsy na si Charley, there's emptiness inside her. At sinadya nyang lunurin ang sarili sa alak. She's happy for Jensen at gusto nyang maging matagumpay ang binata pero anduon ang lungkot at panghihinayang. If only she accepted the offer di sana ay magkasama sila ni Jensen na aalis. Baka sakaling magpatuloy ang no commitment nilang affair sa Boston.
Ipinilig ni Charley ang ulo sa tumatakbong idea sa kanyang isip. Bahagya nyang hinagod ng kanyang dalawang hintuturo ang kanyang sentido kasabay ng mariin na pagpikit.
"Okay ka lang ganda?" nag-aalalang sabi ni Elias.
"Yeah I'm good." Nakangiting sabi ni Charley, mapungay na ang kanyang mga mata. Kinuha nya ang sariling baso para inumin ang natitirang laman na alak pero mabilis itong inagaw ni Elias.
"I think you need to rest for a bit." Tumayo si Elias at inalalayan si Charley "Mahiga ka muna sa taas." Sabi ni Elias na ang tinutukoy na itaas ay ang pasadyang single unit na syang tirahan din ng dalagang si Elias.
Hindi na tumanggi si Charley, nahihilo na rin sya at kung tatagay pa sya ulit ay tiyak na susuka na sya. Nang tumayo si Charley ay mabilis na umalalay si Jensen.
"Allow me." Very gentleman na sabi ng gwapong abogado kay Elias.
"Upstairs, first door on the left." Turo ni Elias kung saan dadalin ni Jensen si Charley.
Tumango lang si Jensen, maingat nyang inalalayan si Charley sa paglakad, ng nasa may hagdan na sila ay dumaplis ang paa ni Charley at muntik na itong mahulog, mabilis na nasalo ni Jensen ang dalaga.
"You clumsy woman." Kunwari ay nagrereklamong sabi ni Jensen.
"That's why you fell in love with me man." Sutil na sabi naman ni Charley.
Natigilan si Jensen sa sinabi ni Charley, lasing na talaga ang dalaga. Napailing si Jensen pero hindi nya napigilan ang mapangiti. Bumalik ang ala-ala ng unang araw ng pagkakakilala nya kay Charley kung saan ay nakainom na rin ang dalaga. Charley delivered that same look and smile at lumabas ang cute na dimples ng dalaga sa magkabilang gilid ng labi nito na muli na namang nagpawala sa pwesto ng puso ni Jensen.
Humakbang ulit si Charley papanik sa hagdan pero hindi na nya talaga kaya. Muli na naman syang na-out balance. That's Jensen cue, mabilis nyang pinangko ang dalaga. Ipinalupot naman ni Charley ang dalawang braso sa leeg ni Jensen.
"Dun-dan-danan!" nanunutil na humimig si Charley ng here comes the bride.
"What the..." nalilitong sabi ni Jensen na napatigil sa pagpanik.
"This feels like we just got married." Wala na talagang control si Charley. "Di ba pag bagong kasal binubuhat ang bride papunta sa kwarto." Nanunutil ang ngiti at tingin ni Charley pero para kay Jensen ay nanunukso ang mga mata at labi ni Charley.
"Shut up!" kunwari ay naggalit-galitan si Jensen para palisin and desire na nagsisimulang bumalot sa kanyang kabuuan.
Humagikgik si Charley, "Yipee!" parang batang sabi ni Charley sabay taas ng isa nyang kamay at kawag ng dalawa nyang paa.
"Don't do that." sabi naman ni Jensen at nagsimula ng lumakad papanik sa pad ni Elias. "Mahuhulog tayo!" nagbabanta ang boses ni Jensen. pero parang bata si Charley na nagpatuloy kasabay ng hagikgik.
Nang makapanik ang dalawa sa loob ng pad ni Elias ay makahulugang nagkatinginan ang lahat. Walang nagsalita, walang umimik sa kung anuman ang kanilang mga iniisip. May pakiramdam silang lahat na may mangyayari, at nang hindi na nga bumaba si Jensen ay na-confirm ang kanilang hinala.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Chick-LitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...