Alas otso ng umaga ang usapan, Jared insists na sunduin si Charley sa kanyang bahay pero tumanggi si Charley. Mas mainam ng may sarili syang sasakyan para kung saka-sakaling umarte si Jensen ng di nya magugustuhan e madali syang makakapag-walk out.
Alas otso empunto, pinindot ni Charley ang doorbell sa unit na pag-aari ni Jared. Nang bumukas ang pinto ay nagulat pa si Charley dahil hindi nya inaasahang ang kapatid ni Jared na si Jensen ang magbubukas ng pintuan para sa kanya. Mukhang kaliligo lang ni Jensen, langhap pa ni Charley ang magkahalong amoy ng sabon at after shave na gamit ng binata. She's familiar with that scent, hindi pa rin pala nagpapalit ng brand ang kanyang ex-boyfriend.
Charley find that funny, after she broke up with Jensen ay pinalitan na nya ang gamit nyang perfume, sabi kasi ni Jensen nuong sila pa ay gustong-gusto nito ang pabango nya at ganun sya ka-bitter na pati paborito nyang brand ng pabango ay pinalitan nya ng magbreak sila ng binata.
But Jensen... he's got that same scent and the same look... kinda! mas gwapo na ng mga limang paligo ang itsura ng ex-boyfriend ngayon kesa nuon dahil from boy-next-door look ay nag-matured na ito at mas bagay na ang salitang ruggedly handsome ngayon kay Jensen kesa nuong boyfriend nya ito at mas firm na ang katawan nito kesa dati. Halata ang mas matitipuno ng braso at dibdib ngayon ni Jensen sa suot na puting round neck na T-shirt. Humapit sa hita ni Jensen ang suot na maong na sa palagay ni Charley ay ang paboritong brand ni Jensen na 501 Levis. Naka-tsinelas lang ng balat si Jensen at makikitang malinis ang mga kuko nito sa paa. Parang sinadya ni Jensen na huwag suklayin ang buhok pero kahit hindi namanage ng hair gel ay hindi nakabawas sa kagwapuhan ng binata ang bahagyang 'bad hair day' nito. And those new shave beard and moustache parang kiniliti si Charley ng maisip na bukas lang ay tutubo na ulit ang mga bigote na iyon at kung pwede lang na ma-maintain sana na ganun lang ang bigote ni Jensen dahil iyon eksakto ang gustong-gusto nyang itsura nito.
"Satisfied" nang-aasar ang ngiting ibinigay ni Jensen kay Charley, alam nyang inobserbahan ni Charley ang kanyang itsura pagkabukas nya ng pintuan and he does the same thing with her. Habang abala si Charley na i-check ang kabuuan nya ay sinamantala din nya ang pagkakataon na pag-aralan ang appearance ng ex-girlfriend.
And Jensen admits, much more hotter ang Charley Mendoza na nasa kanyang harapan ngayon kesa sa Charley Mendoza na girlfriend nya nuon. Mas bagay kay Charley ang kulay dark brown na hair color kesa sa dating kulay ng buhok nito nuon na pula. Wala ng bangs ang dalaga pero andun pa rin ang mamula-mulang pisngi nito. Jensen realized na sadyang maganda ang pisngi ni Charley at hindi dala lamang ng make-up o ng alak ang pinkish cheek ng ex-girlfriend. And every time Charley felt humiliated lalong namumula ang mga pisngi ng dalaga, isang katangian na gustong-gusto ni Jensen pati na rin syempre ang mamula-mulang labi nito at dimples sa magkabilang gilid ng magandang labi ng dalaga na lumilitaw kapag ngumingiti ito o kahit pa nga bahagyang ngiti lang ay lumilitaw pa rin ang dimples ni Charley.
At kahit nuon pa ay kabisado na ni Jensen na maganda talagang magdadala ng damit si Charley. But now... she's improved a lot, hindi kayang itago ng damit na girl's polo na kulay neon green ang kaseksihan ng kanyang ex. Bahagya pa syang napalunok kanina ng matapat ang kanyang mga mata sa dibdib ng dalaga. And Jensen would never forget the size of those breast, saktong-sakto ang kanyang palad every time he would cupped those part nung sila pa ni Charley at mas naging malaman na ang balakang at hita ng dalaga. Nahulaan ni Jensen base sa tight fitting black jeans na suot ni Charley na from size 34 nung girlfriend pa nya si Charley ay malamang na 36 na ang sukat ng hips nito ngayon, not to mention ang obvious at hindi nagbabagong size 24 na bewang ni Charley.
"Don't act as if you didn't check on me a while back!" mataray na sagot ni Charley sa pang-aasar ni Jensen sa kanya.
"Really?" nagpakawala ng amused look si Jensen "You think I checked out you..." ngumiti ulit si Jensen ng nang-aasar "like... you know... the way you checked out on me." Jensen crossed both of his arms on his chest, bahagya pang ikinunot ni Jensen ang noo para iparating kay Charley na mali ang iniisip nito pero tama sya na pinag-aralan talaga ni Charley ang itsura nya.
"I didn't check out on you!" Pinanindigan ni Charley ang pagdi-deny at matalim na ang tingin na ibinigay nya kay Jensen.
"Whoa! Guys!" biglang awat ni Jared "Hindi pa man parang gusto nyo ng magpatayan na dalawa." Ngumiti si Jared sa kapatid at kay Charley "Can you both please set aside whatever is it that is going on between you two and think of this case study of mine as... you know... strictly business." May pakiusap na ang tono ni Jared.
"I'm good!" confident na sagot ni Jensen "Strictly business" ikinindat pa ni Jensen ang kilay sa kapatid.
"You've got nothing to worry about me." Sagot naman ni Charley at ngumiti sya kay Jared at kay Jared lang.
"Well, come on in." isinenyas ni Jared ang dalawang kamay para pumasok na si Charley sa loob ng kanyang unit, and after Charley went inside ay isinarado na ni Jensen ang pinto. Bumulong si Jared sa kanyang kuya, "Behave!" medyo minulagatan pa ni Jared ang kapatid para warningan ito.
"What?" kunot ang noo ni Jensen "Tell that to her!" may diin ang salita ni Jensen kahit bumubulong lang din na sumagot sa kapatid.
"I'm telling it to you!" warning pa rin ni Jared sa kanyang kuya at tinalikuran na nya ito para i-accommodate si Charley. "I'm glad you made it Charley, you have no idea how grateful I am to have your help with my case study." Masiglang sabi ni Jared kay Charley.
"It's an honor to help you out." Nakangiti namang sagot ni Charley.
Iniikot naman ni Jensen ang kanyang eyeballs, naiinis sya sa front act ni Charley. Obvious namang hindi gusto ng dalaga ang idea na tulungan si Jared sa case study nito especially if it involves his own presence pero kayang-kaya na umarte ni Charley na hindi ito apektado sa presence nya. He was expecting na tatanggi ang dalaga sa pabor ng kanyang kapatid but to his surprised umoo ito at gusto na sana nyang umurong pero magmumukha naman syang talunan na naman kaya eto sya ngayon nagtitimpi ng asar at hindi nya alam kung hanggang kelan nya kayang magtimpi.
Kung may challenge ng pagpipigil ng emosyon at kung iyon ang gusto ni Charley dahil simula sa pagkikita nilang muli sa Proffesional Den after six years, na naulit pa sa social benefit party for lawyers kung saan ay nadiskubre nya ang lihim na pakikipag-kaibigan nito sa kanyang mga magulang na humantong nga sa dinner sa bahay na kinalakhan nilang magkapatid including that Sabado night again sa Proffesional Den na pag-aari ng kaibigan nilang si Elias, pati na rin ng magka-tunggali sila ni Charley sa korte ay nagtagumpay itong iparamdam sa kanya at iparating ang mensaheng balewala talaga sya at hindi ito apektado sa kung ano man ang nakaraan nila. Kung ganon ay papatulan nya ang hamon ni Charley. Bale-wala na rin ang dalaga sa kanya at kaya nyang panindigan iyon.
"Let the challenge begin!" mahina ngunit buo ang loob na sinabi ni Jensen sa sarili ang mga salita bago sya pumunta sa pwesto nina Charley at Jared. Nakaplaster ang business look nyang mukha ng maupo sa sofa kung saan ay katabi nya si Charley. Si Jared ay itinapat ang isang solo chair sa harap nila at nagsimula na sila sa case study na sabi nga ni Jared ay 'strictly business.'
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
