The Battle (part 2)

2.5K 95 38
                                        

Tumayo si Jensen, ibinotones nya ang kanyang coat habang naglalakad palapit sa akusado.

"Miss Alvarez" ngumiti ng matamis si Jensen sa akusado "Will you please tell this honorable court what do you do for a living?"

"Stripper ho." Nahihiyang tugon ni Maxima Alvarez.

"And by stripper you mean..." patagilid na tumingin si Jensen sa akusado.

"Nagsasayaw ho ako sa isang club."

"What kind of dance..." tanong ni Jensen "Folkloric, modern, ballroom?" patagilid ulit na tiningnan ni Jensen ang akusado iminostra pa nya ang kamay at katawan na parang sumasayaw sya ng ballroom, namayani ang bahagyang tawanan sa loob ng korte.

"Hindi ko ho alam ang tawag sa sayaw na ginagawa ko, basta ho sumasayaw ako." Nahihiya pa ring sagot ni Maxima.

"And you said you work as a stripper." Itinaas pa ni Jensen ang hintuturo "And according to its meaning stripper or striptease performer is an erotic or exotic dance in which the performer... like you Miss Alvarez" iminostra pa ni Jensen ang palad sa akusado habang palakad-lakad sa korte "gradually undresses or slowly removes clothing, usually to musical accompaniment. Tama ba ako Miss Alvarez?" ngumiti ulit ng sutil si Jensen.

"Oho." Yumuko ulit si Maxima.

"Your honor!" tumayo si Charley "I believe we already established the job description of the accused, It's irrelevant that Attorney Winchester asks question with obvious answer."

"I'm stating a fact Attorney Mendoza." Confident na sabi ni Jensen.

"Sustained." Sabi naman ng Judge.

"Miss Alvarez, maari bang sabihin mo sa hukumang ito kung paano ka napunta sa ganyang klase ng hanapbuhay?"

"Alin ho yung pagiging stripper ko ho?" paniniguro ni Maxima sa tanong ng abogado.

"Yes" kunwari ay alinlangan si Jensen, ipinatong nya ang isang siko sa barandal ng inuupuan ng akusado "Unless of course..." iginalaw ni Jensen ang kanyang palad pagkatapos ay ipinamulsa "May iba ka pang pinagkakakitaan maliban sa paghuhubad."

"Objection!" mabilis na sabi ni Charley.

"Sustained!" sagot naman ng Judge.

Tumingin si Jensen sa Judge pagkatapos ay kay Charley, nagpakawala ng sutil na ngiti ang binata pagkatapos ay sinabing "Let me rephrase my question" humarap si Jensen sa akusado "May iba ka pa bang trabaho maliban sa pagiging stripper?"

"Wala na ho." Umiling pa si Maxima.

"Well" sabi ni Jensen na ibig sabihin ay magpaliwanag na si Maxima sa korte.

"Hindi ho kasi ako nakapag-aral, hanggang grade one lang ho ako, ang pagsasayaw lang ho ang naiisip kong paraan para kumita ng pera."

"You mean... iyon lang ang naiisip mong madaling paraan..." nagpalakad-lakad muli si Jensen habang iminomosyong ang isang kamay "ang maghubad para kumita ng salapi."

"Objection!" sabi ulit ni Charley.

"Mister Jensen Winchester!" Nagbabanta ang tinig ng Judge.

Inilahad ni Jensen and dalawang palad with a smirk on his face. "Miss Alvarez, tell me, are you single?"

"Kung hindi ho kasal ang ibig ninyong sabihin, oho... single ho ako." Sagot ni Maxima.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon