Sino Si Carmen (part 1)

2.4K 82 75
                                    

Nagising si Charley sa banayad na sikat ng araw na nagmumula sa may bintana, nang igala ni Charley ang paningin ay naisip nyang sa condo ni Jensen sya iniuwi ng binata kagabi. Natutop ni Charley ang noo ng bumangon sya, bigla ang pagkirot ng kanyang sentido, marahil ay dahil sa alak na ininom nya kagabi. "I hate hang-over!" sabi ni Charley sa sarili.

Nang buksan ni Charley ang pintuan ng kwarto ay kumalam ang sikmura nya, Jensen is cooking breakfast. Hotdog maybe and fried rice, hindi mahulaan ni Charley kung ano man ang nilulutong almusal ng binata, basta ang alam lang nya ay nakakagutom ang amoy ng niluluto ni Jensen.

Lumingon si Jensen ng maramdaman ang presence nya, huminto ito sa paghahalo ng kung ano mang hinahalo nito sa frying fan at kinuha ang tasa nya para salinan ng kape. "Good morning" nakangiting bati sa kanya ni Jensen ng makalapit na sya sabay abot ng tasa ng mainit na kape.

Hindi pinansin ni Charley si Jensen, pati ang tasa ng kapeng ini-aabot nito sa kanya. Sa halip ay kumuha ng ibang tasa si Charley at nagtimpla sya ng sarili nyang kape. Nagtataka namang pinapanuod sya ni Jensen. 'may topak?' sabi ng isip ni Jensen. ininom nya ang tinimplang kape para kay Charley pero dahil sa may creamer ito ay umasim lang ang muhka ni Jensen pagkatapos ay itinapon nya ang natirang kape sa lababo at itinuloy na nya ang paghalo sa sinangag.

Nang sandukin ni Jensen ang sinangag at ilagay ito sa lamesa kasama ng hotdog at itlog na niluto nya which is sunny side up by the way dahil ganun ang gustong luto ni Charley ay tahimik pa rin ang dalaga. Nakaupo na ito sa isang upuan sa lamesa at tahimik nitong hinihigop ang mainit na kape na tinimpla ni Charley para sa sarili. Hindi nya tinitingnan si Jensen.

"Something wrong?" alanganing tanong ni Jensen.

Irap lang ang isinagot ni Charley, patuloy pa rin ang dalaga sa pag-inom ng kanyang kape.

"Okay, alright, he-heh!" sabi ni Jensen sa sarili, kinuha nya ang plato ni Charley at isinandok ito ng pagkain habang sinasabi nyang "May regla ka Charles, honey?"

Isang matalim na irap lang ulit ang isinagot ni Charley at kinuha ang bakanteng plato sa pwesto ni Jensen. Sumandok ng sariling pagkain si Charley. Para namang nauubusan na ng pasensya si Jensen, huminga sya ng malalim while he rolled his eyes. Pero pumikit si Jensen dahil baka makita ni Charley ang pag-roll ng kanyang mga mata eh lalo lang topakin ang kanyang girlfriend.

Bigla namang sumigla ang pakiramdam ni Jensen sa salitang 'girlfriend' nakangiti na sya ng bumaling kay Charley, simangot pa rin ang mukha ng dalaga habang nagsasandok ng sariling pagkain. Hinawakan ni Jensen ang isang kamay ni Charley na sumasandok ng sinangag at inagaw ang serving spoon mula sa dalaga. Kinuha nya ang plato ni Charley at itinuloy ang paglalagay ng pagkain dito.

Umakmang tatayo si Charley para kumuha ng ibang plato pero parang nabasa ni Jensen ang kanyang iniisip.Hinarang sya ng binata na hawak pa rin ang platong kinuha nito sa kanya.

"Ah-ah!" sabi ni Jensen at nagbabanta ang tingin nya kay Charley pero hindi naman sya galit, mas tamang binibigyan nya lang ng warning ang dalaga na huwag ng ituloy ang iniisip. "Don't even think about it honey, here's your plate." Nakangiting iniabot sa kanya ni Jensen ang plato, pagkatapos nyang abutin iyon ay dahan-dahan syang iniupo ni Jensen sa upuan.

"Now... talk to me!" malambing pero nag-uutos ang pagkakabigkas ni Jensen sa mga salitang binitiwan.

Hindi kumibo si Charley, dinampot nya ang tasa ng kape at humigop muli ng mainit na likido. Nang ibaba nya ang tasa ay hinawakan ni Jensen ang kamay nya.

"Please Charles honey...talk to me..." nakiki-usap na ang boses ni Jensen, may tenderness sa mga mata ng gwapong binata na nakatitig sa kanya "what's wrong?" malambing pa ring sabi ni Jensen.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon