Eight Hours to Boston (part 1)

2.3K 75 37
                                        


Simula pa kaninang umaga ay hindi na mapakali si Charley, tanghalian na pero balisa pa rin ang magandang dalaga. Halos hindi ginagalaw ni Charley ang kanyang tanghalian. Panay ang tingin nya sa suot na wrist watch tapos ay sa wall clock ng opisina at sa orasan ng kanyang cell phone. Haharapin ni Charley ang pagkain pero tamilmil ito pagkatapos ay titingnan ulit ang oras sa suot nyang relo, sa wall clock at sa kanyang cell phone.

"Past twelve din ang oras sa akin." Nangiinis na sabi ni Bobby kay Charley, hinubad pa nito ang suot na relo sa braso para ipakita ang oras sa kanya. "Ikaw John anong oras na sa'yo?" nang-aalaskang sabi pa ni Bobby.

"12:10" nakangiting sagot naman ni John na kay Charley din nakatingin.

Irap lang ang sagot ni Charley, kunwari ay itinuon nya ang atensyon sa pagkain pero saglit lang at tiningnan nya ulit ang oras.

"Hoy, babae!" sabi ni Brad "Kahit saan mo tingnan ang oras iisa at hindi na mababago yan. Seven hours and fifty minutes lilipad na si big mac papuntang Boston." Nang-aasar din ang ngiti ni Brad.

"Puntahan mo na kasi ganda babae." Sabi naman ni Angel.

"Ewan ko sa inyo.!" Bulong ni Charley saka ngumuso. Nilaro-laro nya ng tinidor ang hiwa ng karneng adobo na ulam nila. Naalala nya si Jensen kapag ganitong adobo ang ulam baka sakali kung sinigang na baboy pa ang ulam nila ay hindi nya maalala ang binata. 'I doubt it' sabi ng isip ni Charley. Que sinigang, que nilaga o kahit siguro palarusdos pa ang kinakain nya ay hindi maaalis sa isip nya si Jensen at ang pag-alis nito.

"Take the afternoon off babaeng Charley." Sabi ni John "Puntahan mo na si big mac habang may oras ka pa."

Hindi umimik si Charley, dedma lang sya sa sinabi ni John, kunwari ay wala syang naririnig at patuloy na nilalaro ng tinidor ang hiwa ng karne sa plato nya.

"Huwag mo ng tiisin bru!" sabi naman ni Angel "Gora ka na ganda bago ka pa magsisi sa huli."

"Ikaw din." Parang nagbabantang sabi ni Bobby "Pag nakaalis yun mamayang alas otso hindi mo na mahahabol yun, bawal pumasok sa loob ng airport ng Pilipinas."

"Kung nasa pelikula lang sana tayo hano, mas romantic." Nang-iinis na sabi ni Brad.

"Tama!" sagot naman ni Angel "Hahabulin ni Amazing aloha si hot big mac tapos di nya makikita." Sinundan ng malakas na tawa ni Angel ang sinabi.

"Tapos ang gagawin ni amazing aloha ipapa-page ang pangalan ni big mac." Dagdag ni Brad.

"Tapos hindi pa rin lilitaw si big mac, malulungkot naman si amazing aloha." Sabi naman ni John.

"Ang gagawin ni amazing aloha, bibili ng ticket para lang makapasok sya sa eroplano para hanapin si big mac." Sabi ulit ni Angel.

Hindi pa rin umiimik si Charley, itinukod nya ang kaliwang palad sa ulo. Deadma pa rin ang mga kaibigan sa kanya.

"Tapos hindi na naman nya makikita si big mac." Dagdag ni John. "Mali pala yung eroplanong napuntahan nya." Sabay-sabay na nagkatawanan ang mga kaibigan ni Charley. Irap lang ang sagot ng magandang dalaga.

"Tapos malungkot na bababa ng eroplano si amazing aloha." Pagpapatuloy ni Bobby sa teleseryeng sinimulan ni Angel.

"Galit na pupunitin nya ang plane ticket." Dagdag ni Brad.

"Tapos mapapaiyak si amazing aloha." Sabi naman ni John.

"Hanggang sa lumipad na ang eroplano at umatungal na si amazing aloha." Si Bobby ulit.

"Huli na para magsisi si amazing aloha, wala na syang big mac." Sabi naman ni Angel."

"Lost ang amazing aloha." Sabay-sabay na sabi ng magkakaibigan sabay tawa ng mga ito.

"Bakit di kaya kayo magsulat ng teleserye!" sarcastic na sabi ni Charley.

"Kumilos ka na babae!" sabi ni Brad "Huwag kang mangarap na hindi tutuloy si Jensen papuntang Boston oy! Baka sakali kung makikipagkita ka bago sya umalis magbago ang isip. Malay mo!"

Nagulat naman si Charley, never na tinawag ni Brad sa pangalan si Jensen kapag pinauusapan nila ito. Laging big mac kung i-address ni Brad at ng mga kaibigan nya si Jensen, pwera na lang kay Bobby na minsan ay pogi ang tawag kay Jensen at kay Angel na hot naman ang tawag sa binata. Mukhang seryoso si Brad sa pagpapayo sa kanya kaya tinawag nitong Jensen ang kanyang boyfriend.

Napaisip si Charley sa salitang boyfriend. Jensen told him he loves her, nung gabing nagtalik sila sa pad ni Elias. Maybe her question 'you're kidding right?' change Jensen mood kaya sumagot ito ng 'I got carried away' paano kung 'I love you too' ang isinagot nya, tutuloy pa rin kaya si Jensen?

Bigla ang naging tayo ni Charley, kinuha nya ang kanyang purse at patakbong tinungo ang elevator. Pupuntahan nya si Jensen, aaminin na nyang mahal nya ang binata. Pipigilan nya itong umalis. Kung kinakailangang magmakaawa sya gagawin nya para lang huwag umalis si Jensen.

"Did I say something wrong?" nagtatakang tanong ni Brad sa mga kaibigan ng wala na si Charley.

Kibit balikat lang ang sagot ng lahat. Walang sinabi si Charley, basta na lamang itong tumayo, sinundan nila ng tingin si Charley at kitang-kita nila ng halos patakbong tinungo nito ang elevator.

"Ano sa palagay nyo pupunta kay big mac yun?" nalilitong tanong ulit ni Brad.

"Hindi ako mapalagay." Birong sagot ni John.

"Palagay ko mapapalagay na ang kapalagayan ng di mapalagay." Nagbibirong sabi naman ni Bobby.

"Palagay nyo talaga?" sabi naman ni Angel.

Saka sila sabay-sabay ulit na nagkatawanan. Nagtataka naman ang ibang mga tauhan ng Gladiators. Parang mga nasisiraan na ng ulo ang kanilang mga amo sa lakas ng tawanan ng mga ito.

-6~

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon