marashiyae22 eto na po yung promise kong update. three chapters po from here.
And i need to do a roll call...again! elydiareyes micheilockz yourseverlasting tinkerhook igayak ang mata kasi tatlong chapters ito.
meilimcastillo dami mo ng hahabulin anak. mjespique & logisticians two chapters before this po na wala po kayo hope you will get back on those chapters.
Salamat po sa inyong lahat!
******
Gustong batukan ni Jensen ang sarili, hindi nya gustong sabihin ang mga salitang iyon kay Charley pero ng tumaas ang isang kilay ng dalaga ng sabihin nyang 'he enrolled cooking and baking to impress women' ay naisip nyang baka isipin ni Charley na nagpapa-impress sya dito. Which is partly true but Jensen can't allow Charley to feel that. 'Stop being a fool and acting like a fool again in front of this woman Jensen' simpleng paalala ni Jensen sa isip.
Nalungkot naman si Charley sa sinabi ni Jensen, at nahalata iyon ni Jensen masyado naman yatang offensive yung ginawa nya. 'Damn it Jensen, tell her you wanted to impress her, tell her the truth. Tell her na hindi mo pinalitan ang knoorknob mo dahil umaasa kang babalik pa sya, tell her that you still love her.' Sa huling naisip ay natigilan si Jensen. matiim na tinitigan ng binata ang nalungkot na mukha ni Charley with disappointment with those beautiful eyes of hers. 'Damn this woman!' sabi ng isip ni Jensen, biglang-bigla ay kumambyo ang binata dahil isa sa pinakayaw nya ay nakikitang malungkot at nadi-disappoint si Charley.
"It would take more than a lot of cooking and baking to impress you Charley." Alanganing ngumiti si Jensen sa kanyang ex.
"Is that a compliment or..." confused si Charley.
"A compliment of course." Sabi naman ni Jensen.
"And what would it take to impress me Mr. Jensen Winchester?" bumalik na ang sigla ni Charley curious sya na malaman kung ano ba ang iniisip ni Jensen na makapagpa-impress sa kanya.
"Man needs to double your ability." Inilahad ni Jensen ang isang palad "Dapat mas mahigitan ng isang lalaki ang kakayahan mo para ma-impress ka. Hindi basta marunong lang magluto ng adobo or magluto in general." Paliwanag ni Jensen, nakadama sya ng relief ng makitang bumalik na ang magandang mood ng dalaga.
"And by 'mas' or 'doubled' you mean?... " huminto si Charley sa pagsasalita, pinag-aralan nya ang ekspresyon ni Jensen at nasa mukha ng binata na ready ito sa isang pa-cute na conversation, so Charley continue "kung maganda ako dapat gwapong-gwapo naman ang guy para ma-impress ako, ganun ba?"
"Exactly!" Jensen snaps his left finger bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Charley.
"At kung matalino ako dapat matalinong-matalino yung guy." Dagdag pa ni Charley.
"kung sweet ka..." sinadyang ibitin ni Jensen ang sinasabi and that's Charley's cue.
"Dapat sweet na sweet din yung guy." Dugtong ni Charley, Jensen smiled at her sweetly, Charley took a deep breath kasabay ng pagsandal ng likod nya sa upuan. She looked at Jensen sharply then said "so, halimbawa sabihin ko sa'yong mahal kita...I mean minahal kita nuon..." ibinitin ni Charley ang sasabihin.
"Mas minahal kita Charley." Seryosong sagot ni Jensen, deretso syang nakatingin sa mga mata ng dalaga. "Actually... mahal na mahal talaga kita." Dagdag pa ni Jensen.
Sumilay ang matamis na ngiti ni Charley at ang cute nitong dimples na talaga namang nagpawala na naman sa pwesto ng puso ni Jensen. Iniiwas ng gwapong binata ang mga mata kay Charley bago pa sya mapasailalim ng magic spell ng ngiti at dimples ni Charley sabay sabing:
"Nuon yun!" pinilit ni Jensen na maging convincing ang pag-arte. Nagtagumpay naman sya dahil...
"Oh," matamlay na sagot ni Charley. Nakalimutan nyang Jensen Winchester didn't change a bit. And anywhere in the neighborhood of emotional vulnerability ay nagba-back out ito.
Tumingin si Charley ng diretso kay Jensen, pinag-aaralan nya kung tama bang sabihin nya ang nararamdaman kay Jensen o hindi, andun ang pag-aalinlangan ng magandang dalaga dahil baka mauwi na naman sa away ang kanilang pag-uusap. And isn't the purpose of this dinner was to get along dahil may bago silang tatrabahuhing kaso ng magkasama. It wouldn't help kung mag-uumpisa na naman sila ng di pag-kakaunawaan.
Pero hindi kayang tiisin ni Charley ang sarili, she needs to say something dahil maloloka na sya sa kaiisip sa ginagawang kilos ni Jensen, A minute ago he's all sweet and nice. The kind of Jensen she fell in love with at kapag kumakagat na sya ang biglang magbabago ang mood ng binata. And Charley can't take that anymore.
"Tell me..." mapangahas ang mga mata ni Charley ng tingnan nya si Jensen "What are we doing here?" dagdag na tanong ng dalaga.
"What do you mean?" patay malisyang sagot ni Jensen.
"One minute you're all sweet and nice tapos biglang-bigla magbabago ang mood mo." Naiinis ng sabi ni Charley. "Ano ba talaga ang pupose mo Jensen?"
"I don't have any purpose." Pinanindigan ni Jensen ang pagsisinungaling, gusto nyang sabihin kay Charley na 'I want us to be together again, I still love you.' Pero walang lakas ng loob si Jensen na sabihin ang totoong nararamdaman dahil anduon ang takot. Takot na baka pasakayin at paasahin lang syang muli ni Charley at saktan.
"This isn't going to work." Disappointed na sabi ni Charley, kumilos ang dalaga para tumayo sa upuan.
Bago pa makuha ng dalaga ang kanyang purse sa may sofa ay mabilis na syang nahabol ni Jensen, inagaw nito ang purse sa kanyang kamay sabay sabing:
"Why did you break up with me Charley?"
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...