Professional Den Ulit

2.5K 88 54
                                    

Sabado nights ulit, maliban sa open mike ay may bagong pakulo si Elias. Ini-announced ni Elias na may number ang bawat upuang inookupa ng kanyang mga customer at bubunot sya ng numero sa bowl para sa singing challenge one shot only at kung makakanta ng mabubunot nyang numero ng tama at walang maling lyrics ang pinili nyang awitin para sa challenge ay libre ang iinumin ng challenger pati na rin ang lahat ng kasama nito.

"Kahit ilan pa kayo, the drinks is on the house!" masiglang sabi ni Elias na naging dahilan para maghiyawan ang kanyang mga customer.

Nang bumunot ng numero si Elias mula sa fish bowl ay tahimik ang lahat, nang isigaw ni Elias ang numerong twenty three ay nagkislutan ang mga nakaupo para tingnan ang kanilang numero.

"Charley that's you." Nakangiting sabi ni Angel kay Charley, as usual ay present na naman ang anim na nagmamay-ari ng Gladiators law firm.

Tumayo si Charley at pumunta na sa mini stage, habang nagpapalakpakan ang mga customer na katulad nila, inilapit ni Charley ang bibig sa mike at sinabing "Our drinks is on the house, whooo!" hyper ang mood ni Charley.

"Gladiator's drink is on the house kung makakanta mo ng tama ang song choice ko."

"Panis!" mayabang na sabi ni Charley, music lover sya and she has a wide array of music collection, halos lahat ng kanta ay kabisado ni Charley and knowing Elias tiyak na ibabase nito sa sariling edad ang choice of song nito.

"You need a partner!" nangingiting sabi ni Elias kay Charley "Duet ang song challenge natin ngayong gabi."

Hiyawan ang mga customer habang na-disappoint naman si Charley. Number fourteen ang pangalawang numerong nabunot ni Elias, muling nagkislutan ang mga customer para i-check ang numero ng upuan nila pero walang number fourteen.

"Those hunks on the bar!" turo ni Elias sa mga nakaupo sa may bar kung saan ay anduon ang magkapatid na Jensen at Jared Winchester "Check out your seats."

Napahalakhak si Jared ng makitang ang kapatid na si Jensen ang umookupa ng seat number fourteen. May galit sa mga mata ni Jensen ng tumingin kay Elias, malakas ang kutob nya na set-up ang singing challenge ngayong gabi.

"Don't be such a coward baby!" kantyaw pa ni Elias kay Jensen.

Nang tumayo si Jensen ay hiyawan ang mga customer, regular ang lahat sa Professional Den at nanduon sila ng mag-showdown ang gwapo at maganda at parehas na hot na hot na lawyers.

Kalmado lang si Charley habang hawak ang kanyang mike, may pangangantyaw sa ngiti ng mga kaibigan nya pero hindi natutuwa si Charley. At si Jensen, nakaplaster ang sutil na ngiti nito. Itinaas pa ng dalawang binata ang dalawang kamay pagkatapos nyang kunin ang mike na iniabot ni Elias. Naghiyawan naman ang lahat, cool na cool din si Jensen, hindi mahahalata ang tension sa pagitan ng dalawang abogado mukha lang hindi magka-kilala ang mga ito kaya parang ilag sa isa't-isa.

And nobody knows their story except for Jared Winchester and family at syempre ang Gladiators. Si Elias ay nakakahalata ng may nakaraang lihim sina Charley at Jensen pero hindi nya ma-confirm ang hinala at ngayong gabi... this will be night na makikita nya ang confirmation na matagal na nyang hinihintay.

Umintro ang kanta ni Phil Collins at Marilyn Martin na 'Separate Lives', hiyawan ang lima pang Gladiators na naiwan sa lamesa. Tinawag ng mga ito si Jared at kasama na nila itong nangangantiyaw ngayon kina Charley at Jensen.

Si Jensen ang unang kamanta, tumahimik ang lahat.

You called me from the room in your hotel

All full romance for someone that you met

And telling me how sorry you were, leaving so soon

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon