Charley's residence:
Katatapos mag-shower ni Charley ng pumasok si Jensen sa loob ng bathroom, nagtu-toohbrush na si Charley. Jensen is going to take his shower also katatapos lang nilang manuod ng isang movie after dinner.
"You didn't wait for me?" nagtatakang tanong ni Jensen kay Charley.
Tinapos ni Charley ang pagsesepilyo ng ngipin bago sumagot.
"Wait for you...what?" tanong ng magandang dalaga habang pinupunasan ng bimpo ang kanyang bibig.
"To shower!" nag-eeskrima na naman ang kilay ni Jensen "kanya-kanya basis na tayo ganun?" parang naiiritang sabi ni Jensen. nakasampay ang tuwalya sa balikat ng binata at nakahubad na ang pangloob na white t-shirt na suot nito kanina mula sa opisina at tanging ang pantalon na lamang ang suot ng binata.
Pinasadahan ni Charley ang matipunong katawang ng gwapong si Jensen. Parang gusto nyang mag-sisi na nauna syang maligo.
"Init na init na kasi ako." Paliwanag ng dalaga, pero ang totoo ay sinadya nya talagang maunang mag-shower.
Pagkatapos ng conversation nila ng mga kaibigan sa Gladiators office kaninang umaga ay nagdesisyon si Charley na maglagay nang pader sa pagitan nila ni Jensen. Masyado na syang nahuhulog sa binata at kung hindi pa sya gagawa ng paraan ay lalo syang malulunod sa swimming pool na nilikha nilang dalawa ng nobyo. Well... 'no commitment nobyo.'
"Centralized aircon naiinitan ka?" hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo ni Jensen.
Hindi na sumagot si Charley, nilinis nya ang mukha ng eskinol at pagkatapos ay nagpahid sya ng lotion. Lalo namang nainis si Jensen sa pambabale-wala sa kanya ni Charley. Simula pa kaninang umaga ay parang may topak na naman ang magandang dalaga. Nang ihatid nya ito kanina sa opisina ng Gladiators ay tahimik si Charley sa loob ng kotse. Nang tawagan nya ito ay parang wala itong ganang makipag-usap at ng tanungin nya ito sa text ay simpleng 'I'm busy' ang sagot sa kanya nito.
At kaninang hapuna ay imikin dili sya ni Charley at habang nanunuod sila ng comedy movie ay parang wala sa sarili ang dalaga. Malalim ang iniisip nito na kahit nakakatawa na ang mga eksena sa pinapanuod nilang pelikula ay wala man lang reaksyon mula kay Charley.
Hindi alam ni Jensen kung ano na naman ba ang dahilan kung bakit may sumpong na naman si Charley. Habang nasa loob ng shower ay nag-iisip ang binata kung may nagawa ba syang mali. Torture sa kanya kapag ganitong parang matabang ang pakikitungo sa kanya ni Charley.
Nang matapos magshower ay nagsepilyo ng ngipin si Jensen, at kahit na nga lalake ay mayroon din syang orasyon sa katawan. Hindi maiwasan ni Jensen ang maging vain. Nililinis din nya ang mukha gamit ang panglalakeng cleanser. Sa alikabok ng kalakhang Maynila ay kulang ang sabon para malinis ng mabuti ang iyong mukha. At ang pang-finale ng binata sa kanyang vanity ay ang pag-spray ng kanyang pabango sa may dibdib.
Nang lumabas sya ng banyo ay tahimik na nagbabasa si Charley ng ilang papeles sa may table na nakapwesto sa isang sulok ng kwarto. Nakabukas din ang laptop ng dalaga. Lumapit si Jensen kay Charley at naupo sa single couch na nasa harapan naman ng table ni Charley. Binili ni Jensen ang couch para kung gusto nyang magbasa o may pag-aaralan din syang papeles ay mayroon syang komportableng pwesto sa bahay ni Charley.
"Aren't you going to sleep?" Tanong ni Jensen kay Charley.
"Hindi pa ako inaantok." Simpleng sagot ni Charley hindi sya tumingin kay Jensen.
"It's almost eleven o'clock." Tumingin pa si Jensen sa wrist watch na suot.
"And...?" tanong ni Charley pero nananatiling nakatutok ang mata nya sa papel at laptop sa kanyang harapan.
"Is there something wrong?" tanong ni Jensen.
"No..." tumingin si Charley kay Jensen "Nothing is wrong, why?"
"I don't know..." kibit balikat ni Jensen "You seem different." Tumingin ng diretso ang binata kay Charley.
"Meaning." Iginalaw pa ni Charley ang ulo.
"You tell me." Pilit na itinago ni Jensen ang iritasyon pero hindi sya nagtagumpay tumayo ang gwapong binata mula sa kanyang upuan. "You're not yourself since this morning, you've been quiet. You barely talk to me. Did you wake up on the wrong side of the bed this morning?" Palakad-lakad si Jensen habang nagsasalita.
"I'm fine." Pambabale-wala ni Charley sa obserbasyon ni Jensen at muling itinutok ang kanyang mga mata sa laptop.
"Come on." Lumapit si Jensen kay Charley at isinarado ang kanyang laptop at pinatay ang ilaw sa may lamesa "Let's go to bed already." Utos ni Jensen sabay hawak sa braso ng dalaga para hilahin ito papunta sa kama.
"Wait..." pumalag si Charley sa pagkakahawak mula kay Jensen ng makawala ay bahagyang hinaplos ni Charley ang brasong hinawakan ni Jensen, hindi naman masakit iyon pero hindi alam ni Charley kung bakit kaylangan nyang haplusin ang parte ng kanyang braso na hinawakan ni Jensen na para bang nasaktan sya sa pagkakahila ng binata sa kanya mula sa kinauupuan. "What is wrong with you?" nakakunot ang noo ni Charley.
"What is wrong with you?" sagot ni Jensen at mas kunot na kunot ang noo ni Jensen ng tumingin sa dalaga.
"I told you already there is nothing wrong with me." Lumakad si Charley papunta sa kama. Inayos nya ang kumot at unan at nahiga na.
Ipinamewang ni Jensen ang dalawang kamay sa kanyang tagiliran pagkatapos ay humugot sya ng malalim na buntong-hininga, he closed his eyes para kalmahin ang sarili dahil nagsisimula na talaga syang mainis sa ikinikilos ng girlfriend.
Nang magmulat ng mata si Jensen ay patay na ang ilaw sa loob ng kwarto, tanging ang dim light sa may sulok ng kwarto ni Charley ang nakasindi, iiling-iling na nahiga si Jensen sa tabi ng dalaga. Sumukob sya sa kumot nito at niyakap si Charley.
Padampi-damping hinalikan ni Jensen ang balikat ng dalaga habang hinahapit nya ang katawan nito palapit sa kanya. Pinagapang ni Jensen ang kanyang mga labi mula sa balikat papunta sa may leeg ni Charley. Iniiwas naman ng dalaga ang kanyang ulo at pagkatapos ay pinalis nya ang braso ni Jensen na nakayakap sa kanyang bewang.
"What's wrong?" halos bulong na sabi ni Jensen sabay yakap na muli sa kanya.
Humarap si Charley sa binata at tumingin ng diretso sa mga ni Jensen sabay sabing:
"We need to have schedules."
ؑ#�A�
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
