Nakaupo sa may kabisera ng lamesa si Jensen, katabi nya si Charley na nasa kanang bahagi nya at sa kanyang kaliwa ay ang Daddy nyang si Sebastian. Nakaupo rin sina Bobby, Angel, Collin at Brad. Si John ang nag-precide ng meeting.
Tahimik ang lahat na nakikinig, Charley and Jensen take down notes, nagpapalitan ng kuro-kuro ang lahat. Tahimik lang sina Charley at Jensen. Nang tanungin sila ni Sebastian kung ano ang kanilang naiisip na strategy ay nagpalitan ng matalinong idea sina Jensen at Charley na sinang-ayunan naman ng lahat.
Nagsalita pa ulit si Jensen at nag-suggest ng iba pang gagawin, bigla syang natigilan dahil naramdaman nya ang mga daliri ng isang paa ni Charley na humahaplos sa kanyang binti. Natigilan ang binata sa pagsasalita. Nang tingnan nya si Charley ay nakapangalumbaba ito at seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya.
Bahagyang tumikhim si Jensen para palisin ang kakaibang physical sensation na naramdaman nya sa paghagod ng mga daliri ng paa ni Charley sa kanyang binti, nagpatuloy sa pagsasalita si Jensen, ipinagpatuloy din ni Charley ang paggalaw ng kanyang mga daliri sa paa kasama ng kanyang talampakan sa binti ng binata. Halos magkandabulol-bulol si Jensen sa pagsasalita.
"Are you okay son?" nagtatakang tanong ni Sebastian.
"Yeah..." tumikhim si Jensen at inilayo ang binti kay Charley "I'm good." Sinulyapan nya si Charley at binigyan ito ng warning look na 'stop!'
Ngumiti lang ang nakapangalumbabang si Charley, nang magsalita si John ay itinuon na ng dalaga ang atensyon kay John. Pagkatapos ng meeting ay nangagsi-tayo na ang lahat ng abogado, nagulat si Charley ng makitang nakaposas na ang isang kamay nya sa kanyang kinauupuan.
Bigla ang naging tingin nya kay Jensen, that's the same hand cuff they used nuong sila pa ni gwapong binata, there were times na nagiging experimental silang dalawa ni Jensen when they make love at ang hand cuff na iyon mismo ang ginamit ni Jensen sa kanya ngayon.
Malanding ngiti at kindat ang pinakawalan ni Jensen para kay Charley bago tumayo sa kinauupuan, habang si Charley naman ay pilit na inaalis ang pagkakaposas nya sa upuan. She had the key of that cuff, ang problema nasa bag nya ang susi.
"Are you going to stay there Charley?" takang tanong ni Bobby sa bestfriend ng makitang hindi kumikilos sa upuan ang kaibigan.
"I..." hindi malaman ni Charley kung ano ang sasabihin "I had cramps..." biglang sabi ng dalaga. "yeah, my legs cramp."
Yumuko naman si Bobby para hagurin sana ang paa ni Charley pero mabilis na umiwas ang dalaga at sinabing "No, I can manage!"
"Are you sure about that?" nag-aalala pa ring sabi ni Bobby.
"Yeah I'm sure." Sunod-sunod ang tangong ginawa ni Charley. "Go ahead." Pagtataboy nya sa mga kasamahan.
May pagtataka pa rin sa mukha ng lima pang Gladiators ng lumakad palabas ng conference room, lumakad na rin si Sebastian, tinapik nito ang balikat ng panganay na anak na si Jensen at sinabing "You going to stay a bit?"
Tumango si Jensen at ngumiti sa ama. "Okay" sabi naman ni Sebastian at tumingin kay Charley pagkatapos ay ibinalik nya ang tingin sa anak. "Should I wait for you or...?"
"Wait for me outside." Mabilis na sagot ni Jensen "I'll be there in a jiffy!"
"Alright!" nakangiting sagot ni Sebastian at nagpaalam na kay Charley.
"Take this cuff off me right now!" nagbabanta ang tinig ni Charley ng maiwan na sila ni Jensen sa conference room.
"Or what?" nanunutil na hamon ni Jensen.
"I can't believe you did this!" asar pa ring sabi ni Charley.
Hinila ni Jensen ang de-gulong na upuan ni Charley at ipinihit ito sa kanyang harapan, nakayuko si Jensen at tinitigan nya si Charley mula sa mata pababa sa may labi ni Charley pababa sa katawan ng dalaga pagkatapos ay inihagod na muli ni Jensen ang mga mata sa kabuuan ng dalaga. Pigil naman ang hininga ni Charley.
"Why did you have to tease me with your foot woman?" intimidating ang baritonong boses ni Jensen pati ang titig nito kay Charley na para syang hinuhubaran.
"I was just teasing you." Paliwanag naman ni Charley, nanghihina na sya sa titig ng gwapong binata, gusto na nya itong halikan, right there sa conference room ay parang gustong makipagniig ni Charley. Kahit kaylan talaga ay may kakaibang epekto at urge ang klase ng titig na yun ni Jensen sa kanya.
"Yeah, that's precisely the word I used, tease..." bahagyang ngumiti si Jensen.
"Take this cuff off please." Nakikiusap na si Charley.
Naupo si Jensen sa harapan ni Charley at banayad na hinaplos nya ang kamay ni Charley na naka-posas "You know if we are not in this conference room." Iginala ni Jensen ang mga mata sa kabuuan ng silid "You will be punished with your naughtiness lady." Nagbabanta ang mga mata ni Jensen ng tumingin sa kanya.
"Can you punish me later?" Pakiusap ulit ni Charley.
Bahagyang kumunot ang noo ni Jensen pagkatapos ay ngumiti ulit "7:30 tonight, my place?" tanong ni Jensen.
"Will you cook dinner?" naghahamon namang sagot ni Charley.
"I can cook dinner." Kibit balikat na sagot ni Jensen, nanduon pa rin ang matamis na ngiti ng gwapong binata.
"7:30 then." Nakangiti na ring sagot ni Charley.
Umakma na si Jensen na aalisin ang posas ni Charley ng huminto ang binata, tumitig syang muli kay Charley at sinabing "how about your punishment?"
"You can punish me after dinner." Kumindat pa si Charley kay Jensen.
"Alright then." At mabilis ng tinanggal ni Jensen ang kanyang posas, bago makatayo si Charley ay hinawakan ni Jensen ang magkabila nyang pisngi at maalab na siniil ni Jensen ng halik ang mga labi ni Charley.
"That's your initial punishment woman for the torture you put me through with your foot." Kunwari ay nagpaparusa talaga ang tono ng boses ni Jensen.
"If that's my punishment then I wanna torture you again." Nanunutil ang ngiti ni Charley at may tenderness ang kanyang mga mata, pasimple ulit na hinagod ng kanyang paa ang binti ni Jensen.
Muli syang hinalikan ng binata, ikinawit ni Charley ang dalawang kamay sa leeg ni Jensen at iniyakap naman ng binata ang dalawa nyang kamay sa bewang ni Charley, tinulungan nyang tumayo ang dalaga mula sa kinauupuan nito ng magkalapat pa rin ang kanilang mga labi.
Nanunuod naman ang lima pang may-ari ng Gladiators law firm kasama ang may ari ng Winchester & sons na si Sebastian kina Charley at Jensen. Kung tutuusin ay hindi magandang panuorin nila sa salamin na conference room ang ginagawa nila Charley at Jensen pero hindi nila maiwasan ang hindi manuod. Salamin ang silid at hindi nila naririnig ang sinasabi nila Jensen at Charley.
Pero nakatagilid ang mga ito sa kanila at kitang-kita nila ang nakaposas na kamay ni Charley, at hindi nila maiwasang maamused sa ikinikilos ng dalawa and more than that hindi nila maiwasang kiligin at maging masaya sa kung ano mang nabubuo sa pagitan nina Jensen Winchester at Charley Mendoza.
i
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
