"Alright, if that's what you want." Pumayag si Jensen sa gustong mangyari ni Charley, but his baritone voice is so cold. Wala syang ganang makipag-away kay Charley, it's obvious na nagdaramdam ang dalaga na hindi nya sinabi dito ang offer sa Boston at malamang na ito na ang huli nilang pagkikita ni Charley. He knew Charley, mataas din ang pride ng dalaga at hindi ito mag-i-stay sa no commitment nilang relasyon hanggang sa makaalis sya. Charley is better than that lalo pa nga at alam na ng dalagang inilihim nya ang lahat.
Wala naman talaga syang balak na itago ang kanyang desisyon kay Charley at lalong wala syang balak na pagmukhain itong tanga at basta na lang iwan ng walang paalam. He was just waiting for the right time and the opportune moment para sabihin kay Charley ang tungkol sa trabahong tinanggap nya sa Boston, pero naunahan na sya ni Collin. At parang déjà vu ang mga pangyayari. Naghiwalay sila nuon dahil naghihintay sya ng tamang panahon para ipakilala si Charley sa mga magulang pero naunahan sya ng pagkakataon, at ngayon ay naulit na naman ang ganun. And Charley won't let it go easy, halata ang galit sa dalaga at alam nyang nainsulto ng todo si Charley.
'It's better this way' sabi ng isip ni Jensen.
Nang makarating sa bahay ay kaagad na bumaba si Charley sa kotse, mabilis namang hinabol ni Jensen ang dalaga. Kahit na nga sinabi nya sa sarili kaninang it's better that way ay ayaw din nyang maghiwalay sila ng dalaga ng hindi man lang nagkakausap ng maganda. This time Jensen wants to end things with Charley ng walang samaan ng loob. Anyway, no commitment naman ang status nila di ba?
Nakapasok na si Charley sa loob ng bahay, isasara na sana ng dalaga ang pintuan ng iharang ni Jensen ang kaliwang paa sa may pintuan. Wala nagawa si Charley kundi ang magbigay, diretsong naupo ang dalaga sa sala. Tahimik namang sumunod si Jensen matapos na isarado ang pintuan.
"I'm sorry." Si Jensen ang unang bumasag ng nakakabinging katahimikan.
"For what?" sarcastic ang pinakawalang ngiti ni Charley "For not telling me about Boston or for you will leave without saying a word."
"I'm not going to leave without saying a word." Malumanay na sagot ni Jensen.
"Waiting for that opportune moment again?" nakakainsultong tingin at ngiti ang pinakawalan ni Charley.
"I need to do this Charley." Humihingi ng pang-unawa si Jensen "I need to see if I can do it in Boston."
"You don't need my permission Jensen." nailing na sabi ni Charley "You're not committed to me at malaya kang gawin ang gusto mo." Hindi tumitingin si Charley kay Jensen, nangingilid na ang kanyang luha.
"Why didn't you take the offer?" tanong ni Jensen kay Charley. "And please don't tell me because you're happy with Gladiators. I know you Charley mahalaga ang career sa'yo. You wouldn't let this great opportunity slips in your hand the same way you didn't let the opportunity slipped to be a successful lawyer seven years ago. Ipagpapalit mo ang lahat para mas maging successful ka."
Bahagyang natawa si Charley, tumulo na ang kanyang luha. Nagtataka naman si Jensen. ano ang nakakatawa at bakit may luhang tumulo sa pisngi ni Charley.
"You think you knew me Jensen but you don't." pinahid ni Charley ang luha sa kanyang pisngi at diretsong tumingin kay Jensen. "We settled that issue already... what happened seven years ago... we parted ways and it has got nothing to do with choosing our careers. Miscommunication... that's what it is kaya tayo naghiwalay nuon, what is happening now has got nothing to do with what happened seven years ago. Things are now different Jensen." Iniiwas ni Charley ang mga mata kay Jensen "Like I said you don't need my permission. You can leave..."
Hindi natapos ni Charley ang sasabihin ng hawakan ng mahigpit ni Jensen ang isa nyang kamay. Nang tingnan ni Charley si Jensen ay kitang-kita nya sa mga mata ng binata na humihingi ito ng pang-unawa. Ngumiti ng bahagya si Charley at saka sinabing:
"Enjoy the ride while we can, remember?" ipinatong ni Charley ang isang kamay sa kamay ni Jensen na nakahawak sa isa pa nyang kamay. "I guess you're not enjoying this ride anymore and I won't hold you back." Pinigil ni Charley ang mapaiyak, gusto nyang sabihin kay Jensen ang totoo na kaya nya hindi tinaggap ay Boston offer ay para huwag mapalayo sa binata.
At si Jensen, gusto na nyang sabihin kay Charley na kung pipigilan sya ng dalaga ay hindi na sya tutuloy. Pero hindi nya narinig ang mga salitang iyon mula sa dalaga. Sa halip ay sinabi ni Jensen na "I really enjoyed this ride." Ngumiti ng bahagya si Jensen.
"Me too." Nakangiti ring sabi ni Charley.
"So... is this goodbye?" alinlangang sabi ni Jensen. "Don't you want to enjoy the ride until you know..." hindi maituloy ni Jensen na sabihing 'hangaang sa makaalis ako'
"You're a jerk you know that." kunwari ay galit na sabi ni Charley.
Naiiling na nangingiti si Jensen. "So this is really goodbye?" may lungkot sa boses at mata ni Jensen.
"This is a better goodbye than the last time." May lungkot din sa boses at mata ni Charley.
"Yeah it is." Mapait na ngumiti si Jensen pagkatapos sumagot. Then he plant a soft kiss on Charley's lips at nagpaalam na sya sa dalaga.
"Goodbye Jerk!" nang-aasar na sabi ni Charley ng ihatid sa pintuan si Jensen.
"Bye Bitch!" ganting asar naman ni Jensen, kumaway pa sya sa dalaga bago sumakay sa kanyang kotse.
******
Uso na daw ang mga sad ending hehe, e makikiuso na rin muna ako. CHARING!
Malapit na pong mayari huwag na huwag na kayong bibitaw. Kung sa tingin nyo e alam nyo na ang mangyayari eh baka sakali pong tama na naman kayo he-heh!. But let me remind you my dear friends na ang inyong lingkod eh may taglay na kalandian pagdating sa twist ng story.
Bahagyang bahagya ko naman na pong napatunayan yan sa kwento nila Alex at Ace (the wonder of you) Jack at Jade (the vengeance will be mine) at Ely at Josh (million miles away) again allow me to repeat it. Bahagya ko ng napatunayan, very, very slight. Heh-heh!
Charing lang, wala pa kong napapatunayan isa lang ang kaya kong patunayan maganda ako at ang mga ampon ko. Sige kumontra kayo para di rin kayo maganda.
Waiting for that final moment of Jensen and Charley? Ten more chapters to go mga anak. Happy reading!!!
Love you angels,
A.H. Augustus
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
