Third Meeting (part 2)

3.2K 106 60
                                        

yourseverlasting  Third meeting are consists of five parts, kahapon yung part 1 eto na yung part 2 i will published all the chapters for you to enjoy, i also want to dedicate this 4 more chapters to micheilockz,  Enjoy mo rin anak, and to ERRStories you said you like this one thanks, at syempre sa nawawala ninyong kapatid, wag kayong magtatampo ha pero love na love ko itong batang ito meilimcastillo miss ka na namin bru! comeback when you have the time and or when you already feel you wanna come back. you know i love you and we all do. at kay tinkerhook I know you're busy with school but allow me to say we miss you also.

And now with the story!!!

*************************************************

Nakatingin Si Jensen kay Charley habang nag-iisip, the time his mother Ellen starts to cook Bulalo was his last year at law school. On-the-job training sya ng mga panahong iyon and so does Charlie na nasa Ventura-Drillon naman. Charley has been friends with his parents nung mga panahong nagdi-date pa sila? How come Charley never asked him if he's related to Sebastian and Ellen Winchester kung nuon pa kilala ng dalaga ang mga ito?

Granted na wala syang nababanggit kay Charley nuon tungkol sa parents nya pero iisa lang ang Winchester sa Pilipinas, sila lang mag-anak yun. And if Charley thought her mother to cook Bulalo, does it mean na napunta na si Charley sa bahay nila? And if she does, nagkalat ang pictures nya sa bahay ng mga magulang simula baby hanggang sa ngayon. Or hanggang sa mag-College sya rather nung mga panahong tinuturuan ni Charley ang Mommy nyang magluto ng paborito nyang Bulalo.

Isa pang umuukilkil sa isip nya ang ulam na Bulalo, he was with Charley for nine months---Well, in a manner of speaking dahil it took nine months bago sila nag-desisyong mag-break. But technically speaking nung OJT si Charley sa Ventura-Drillon ay malinaw pa ang relasyon nya sa dalaga. How come he didn't know that Charley can cook? Bakit wala itong nababanggit sa kanya or how come he never saw Charley cooked?

Kumunot ang noo ni Jensen nang tingnan si Charley habang nag-iisip, hanggang sa hindi na nya matiis. Hinarap nya ang Daddy nya at nagtanong, "and when did she teach Mom to cook Bulalo?" Itinuro ni Jensen si Charley kahit sa ama nakatingin.

"When she was an OJT at Ventura-Drillon," nakangiting sabi ni Sebastian sa anak. "Actually," iniakbay ni Sebastian ang isang kamay sa balikat ni Charley. "I'm her mentor, I thought her kung paano ang mga pasikot-sikot sa mundo ng hustisya. And Charley here is the one who gave me the courage na bumukod at magtayo ng sariling law firm, sila ni Bobby." Parang proud na proud si Sebastian habang nagku-kwento.

"When she was an OJT?" parang sa sarili lang nagtatanong si Jensen then he asks his father again, "did she teach Mom to cook Bulalo at our home?"

"Yes." Mabilis na sagot ni Sebastian. "The truth is very close si Charley sa Mommy mo, they had shopping together and go to parlor together, you know . . . Girl's bonding, and we constantly had lunch every Thursday sa restaurant na malapit sa Ventura-Drillon at nagdi-dinner kami together either sa bahay or sa apartment ni Charley."

"She had dinner at our house?" nagtataka pa ring tanong ni Jensen. "When was that?" nag-i-eskrima na naman ang kilay ng gwapong binata.

"Six years ago I think?" Tumingin si Sebastian kay Charley to confirm kung tama ba ang bilang nya sa taon, ngumiti lang ang dalaga.

"How come I didn't know this?" pinipigil ni Jensen na itaas ang tono ng boses pero hindi sya nagtagumpay. "How come you never told me anything about her?" Bumaling sya sa kapatid at nagtanong, "did you know that, have you met this woman six years ago?"

Ibinuka ni Jared ang kanyang mga labi pero walang lumabas na tinig mula sa batang kapatid ni Jensen, at nanatiling naka-plaster ang pagtataka sa mukha ni Jared sa klase ng reaksyon ni Jensen. "Did you?" ulit na tanong ni Jensen at mabilis na iling lamang at kibit ng balikat ang isinagot ng kapatid nya. Hinarap muli ni Jensen ang kanyang Daddy at ni-rephrase ang tanong nya kanina. "How come we didn't know and why didn't you tell us you're friends with that woman?" Dalawa na silang magkapatid na tinutukoy ni Jensen habang itinuturo si Charley.

"Because the time we had the opportunity na i-introduce sana sya sa inyong magkapatid eh hindi nakarating si Charley. And we never had another chance again dahil busy na tayo pareho sa bagong bukas na firm, but she and your Mom still went out together." Paliwanag ni Sebastian.

"And that opportunity was when exactly?" curious pa ring tanong ni Jensen.

"Two months after you passed the Bar Exams," na-aamused na si Sebastian sa curiosity ng panganay na anak.

"Mom's birthday?" Itinaas pa ni Jensen ang dalawang kilay dahil medyo na-shock sya sa araw na dapat ay malalaman nyang close pala si Charley sa mga magulang.

"Yes, your Mom's birthday." Nakangiting sabi ni Sebastian. "Invited itong si Charley at si Bobby pero si Bobby lang ang dumating." Itinuro ni Sebastian si Bobby.

"She had an excuse," sagot ni Bobby habang itinuturo si Charley. "LBM!" mabilis na sagot ni Bobby nang makitang intresado si Jensen na malaman ang excuse ni Charley.

'LBM my ass'! Sabi sa isip ni Jensen, he delivered a sarcastic smile then look at Charley. At ang muling pagdaloy ng nakaraan sa kanyang isipan.

Tandang-tanda ni Jensen and araw na yun, at hinding-hindi nya makakalimutan ang araw na iyon kahit pa nga gustuhin nya iyong kalimutan.

Gabi ang Birthday Party ng kanyang Mommy, dinner party. At ng araw na iyon, umaga ng kaarawan ng mother nya ay tinawagan sya ni Charley at nag-aya ang dalaga ng lunch. Excited pa syang um-oo at bumili pa sya ng isang dosenang bulaklak.

It was his plan na ipa-kilala na sana si Charley sa mga magulang ng gabing iyon. Ang kaarawan ng kanyang Mommy ang hinihintay na timing ni Jensen para ipakilala si Charley sa magulang at sa nag-iisang kapatid. Pero bago pa nya maimbitahan si Charley to be his date sa party ng kanyang ina ay binitawan ni Charley ang mga salitang: "It's not going to work between us." Tulala pa sya ng tapusin ng dalaga ang sentence nito, "it would be best kung magbi-break na tayo."

Then they parted ways, matamlay syang um-attend ng birthday party ng kanyang Mommy. And he never met Bobby Domiguez that evening dahil pagkatapos batiin ang ina ay nagpaalam na sya at nagdahilang may importante syang lalakarin sa hawak na kaso ng mga panahong iyon. "Emergency" yun ang eksaktong sinabi ni Jensen nang bumalatay ang lungkot sa mukha ng Mommy nya because he needs to leave early.

Pero ang emergency ni Jensen ng gabing iyon ay ang bigo nyang puso, wala syang gana to mingle with her Mom's guests. Hindi sya ganun ka-enthusiastic na makipag-kwentuhan at makipag-tawanan sa kaibigan ng mga magulang dahil masyado syang affected sa break-up nila ni Charley. He went straight to his condo at nilunod ang sarili sa alak na nasa bar ng kanyang unit, habang tinitingnan ang picture nila ni Charley nung mag-celebrate sila ng kanilang second monthsary.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon