Tagumpay ang kasong pinagtulungan ng Gladiators at Winchester & Sons. Panalo sila Jensen at Charley, napawalang sala ang ang unico hijo ni Emmanuel Guevarra na si Emmanuel 'emma' Guevarra II. Nagbigay ng bonus ang matandang bilyonbaryo na sya namang ginamit ng dalawang law firm para mag-celebrate sa sikat na club ni Elias.
As usual, sabado nights! Nang mag-open mike ay tumayo si Jensen at kinanta ang awiting 'nanghihinayang'. Bawat lyrics ay tagos sa puso ni Charley. Lalong lalo na ang lyrics na "inaamin ko nagkamali ako, inaamin ko nsaktan ko ang puso mo." At higit lalo ang lyrics na "nanghihinayang...nanghihinayang ang puso ko, sa piling ko'y lumuha ka lang, nasakatan lamang kita. Hindi na sana...hindi na sana iniwan pa, iniwan kang nag-iisa at nagdurusa...ako sana'y patawarin na."
Nang matapos ang awitin ay masigabong palakpakan muli ang nakamit ni Jensen, at katulad ng dati ay mayabang na nag-vow at ngumiti ang binata na may kasamang flying kiss bago bumaba sa mini stage.
"Nice choice of song." Nang-iinis na sabi ni Jared. Nagsisimula na itong magtrabaho sa firm ng ama, kasama nito ang girlfriend na si Jess na ngayon ay finacee na ng bunsong anak nina Sebastian at Ellen.
Kibit balikat lang ang naging sagot ni Jensen, his mood is too good para mapikon sa kapatid. Hinaplos pa nya ang likod ni Charley ng muli nyang okupahin ang upuang katabi ng dalaga.
"Aren't you going to drink?" bulong ni Jensen kay Charley.
"No I'm fine." Sabi naman ni Charley na hinawakan ang kanyang orange juice.
"Don't tell me Charley orange juice lang talaga ang iinumin mo?" sabi ni Bobby.
"Oo nga." Sang-ayon naman ni Collin "we are here to celebrate and that's not celebrating."
"And please don't tell me you don't drink." Sabi naman ni Elias na panaka-naka ay nauupo sa lamesa nila "You proven that wrong."
"Come on honey, you can drink." Malambing na sabi ni Jensen, nakalapat pa rin ang isang kamay ng binata sa likod ni Charley. "There's nothing bad will happen at you tonight, I'm here remember?" kumbinsi pa ni Jensen kay Charley na parang nireremind sa kanya ang kanyang bad experience kaya sya huminto sa pag-inom.
Kinuha ni Charley ang isang baso at tumagay ng alak na iniinom ng mga kasama nya at kaibigan sa lamesa, hiyawan ang lahat matapos na ubusin ni Charley ang shot.
"That's my girl!" proud namang sabi ni Jensen.
"Aren't you going to sing Charley?" nanunudyong tanong ni Sebastian.
Tatayo na sana si Charley ng makitang may isa ng babaeng tumayo at lumakad papunta sa stage, hiyawan ang isang lamesa na kinabibilangan ng mga magaganda at seksi ring mga babae. Malamang ay kasama ng mga ito ang babaeng umakyat sa stage para kumanta sa open mike.
At ganun na lang ang pagkadismaya ni Charley ng makilala ang babaeng kakanta. It was Carmen. Bigla ang naging tingin nya kay Jensen, ngiting-ngiti ito at titig na titig ito kay Carmen. amusement naman ang nakaplaster sa mukha nina Jared, Jess, Sebastian at Bobby. Those other friends who are sitting in their table have no knowledge of Carmen mukhang sumablay si Bobby sa pagbibigay ng info na iyon sa kaibigan nila sa Gladiators at kay Elias.
Nang magsalita si Carmen ay hiyawan ang lahat, isa si Jensen sa humiyaw at pumalakpak. Gusto ng dunggulin ni Charley ang binata. At nagsimula na si Carmen sa pag-awit, ang kanta ni Tootsie Guevarra na "mahal ka sa akin."
Umindyog si Carmen sa intro ng awitin, hiyawan ang lahat dahil talaga namang seksing-seksi si Carmen sa suot na black mini dress.
Mahal na mahal yan ang damdamin na sayo'y nararamdaman,
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Chick-LitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...