Birthday party ng isang kaibigan ni Jensen, sumama sya dito sa isang bar sa Maynila para i-celebrate ng kanyang kaibigan ang kaarawan nito. Naka-dalawang round na sila ng San Mig Lights at nagkakatuwaan na silang magkakabarkda ng 'di sinasadyang mabangga ni Jensen ang isang dalaga. Natapon sa damit nito ang hawak nyang beer.
"I'm sorry," Hinging paumanhin ni Jensen. Kumuha sya ng tissue para punasan ang damit ng dalaga na nabasa ng kanyang tumapon na beer. Pero maagap na inagaw sa kanya ng dalaga ang tissue sabay sabing: "It's okay, it's my fault really, hindi ko kasi tinitingnan yung dinadaanan ko."
And when Jensen saw the face of the woman in front of him, ganun na lang ang bundol na ginawa nito sa kanyang dibdib. Naka-tshirt ng kulay itim ang dalaga na may print ng bandang Beatles. Nakapantalon ito ng maong at rubber shoes na Chuck Taylor. Naka-pony tail ang kulay pula nitong buhok, may bangs ang dalaga.
Nang ngumiti kay Jensen ang dalaga ay parang bahagyang nawala sa pwesto ang puso ng binata. Bagay na bagay ang dimples ng magandang dalaga sa magkabilang gilid ng mga labi nito, kahawig nito ang dimples ni Mikee Cojuangco. Hindi matiyak ni Jensen kung bahid ba ng make-up ang mamula-mulang pisngi nito o dala lamang ito ng alak na ininom ng dalaga. Naamoy nya sa hininga nito ang amoy ng serbesa.
"I'm Jensen," iniabot niya ang kamay sa dalaga. Nag-respond naman ito ng may matamis pa ring ngiti at sinabing: "Charley." Ganun lang, the rest of the party ng kaibigan ni Jensen ay iniukol na nya kay Charley. They both went to the bar at uminom ng Jose Cuervo. Charley is really fun to be with, very witty ito and funny. Before the evening ends hiningi ni Jensen ang numero ng telepono ni Charley na pinaunlakan naman ng dalaga.
At duon na nga nagsimula ang lahat, they started sa panunuod ng sine at pagkain ng halo-halo sa Chowking. Until one day, biglang sila na. Jensen treated Charley sa isang romantic dinner, when they parted that evening, Charley allowed Jensen to kiss her. Sa loob ng kotse ng binata and that's it, from that evening onward naging official na sila. Until their professions fell them apart. Parehas silang nagsimulang maging matagumpay sa kani-kaniyang propesyon.
And now, here they are, para silang mga estranghero sa isa't-isa.
"So you guys met huh?" Bumalik sa kasalukuyan ang isip nina Jensen at Charley ng magtanong si Bobby.
"I'm not really sure," balewalang sagot ni Jensen. "I don't think she remembers me."
"But you do remember her?" Sabi naman ng kapatid ni Jensen na si Jared. May amusement sa mukha nito.
"Do you remember me?" Sabi ni Charley, kaylangan nyang bumawi sa sitwasyon. Baka maka-halata ang best friend nyang si Bobby at ang kaibigan nilang si Elias.
"I'm sorry, Miss. But if I have a peso every time a woman asked me that question---" tumigil sa pagsasalita si Jensen at tumitig sya kay Charley saka matatag na sinabing: "You have to refresh my memory."
"How would I do that?" kunot ang noong sabi ni Charley. "I don't remember you, Mister. And I don't think we've met. Ikaw ang nagtanong, when did I stop drinking? From what I see your brother is right. You seem to have mistaken me from someone else." Naghahamon ang tono ni Charley.
"I'm sorry," sumuko agad si Jensen. Wala syang lakas na makipag-argumento, hindi sya handa sa muling pagkikita nila Charley. "Yes, my brother is correct. I have mistaken you from someone else."
"Good!" Sabi naman ni Bobby. "Because I know this woman for years now and I know she's not into drinking."
Hindi umimik sina Charley at Jensen, nang lingunin ni Charley si Jensen ay lumalagok ito ng alak sa basong hawak pero nakatitig ang mga mata nito sa kanya. Bahagyang huminto ang tibok ng puso ni Charley. Those eyes, ang ganda pa rin ng mga mata ni Jensen. At lalo itong mas naging gwapo ngayon. Andun pa rin ang bigote at balbas nito na bahagyang tumutubo. Matikas na matikas ito sa suot na itim na Amerikana, kulay red ang tie nito. May leather wrist bond ang suot nitong relo, at sa kanang daliri nito ay may platinum na singsing itong suot.
And Charley remembered that ring, may katerno iyon. At nasa kanya ang sing-sing na ka-partner ng suot na singsing ni Jensen. It was their promise ring. Binili ni Jensen ang sing-sing na yon nang mag-celebrate sila sa pagka-kapasa nila ng Bar. At natatandaan pa nyang sinabi ni Jensen, 'this ring will be the sign of our love, ito rin ang gagamitin nating sing-sing pag ikinasal na tayo.'
Iniiwas ni Charley ang tingin kay Jensen, kinuha nya ang kanyang bag sabay sabi kay Elias, "Bobby and I need to go, may mga pag-aaralan pa akong papeles sa bahay."
"What?" Nalilito namang sabi ni Bobby. "We just got here, saka maaga pa. Saka anong papeles ang pinagsasabi mo, eh wala naman ka namang bagong kaso?"
"Walang bagong kaso doesn't mean na wala na akong dapat pag-aralan pang papeles." Mariing sabi ni Charley. "Are you coming with o magta-taxi na lang ako pauwi?"
"Alright, alright!" Kakamot-kamot sa ulong dinukot ni Bobby ang wallet nya sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. Pagkatapos ibaba ni Bobby ang perang bayad sa ininom nila ni Charley ay nagpaalam na sya kay Elias at sa magkapatid na Winchester's. "Nice meeting you guys." Kumamay muli si Bobby sa magkapatid.
At nilisan na nila ni Charley ang Professional Den.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...