Patay Malisya

2.7K 88 86
                                        


Kinabukasan sa opisina ng Gladiators.

"There's something different about you today Charley?" nanunutil na sabi ni Bobby.

Nakaupo sa kanya-kanyang pwesto ang anim na nagmamayari ng Gladiators, umpisa na ng paghawak nila sa kaso ni Emmanuel Guevarra II at maya-mayang alas nueve ng umaga ay darating ang mag-amang Winchester para pag-usapan nila ang gagawing strategy sa kaso ng anak ng bilyonaryong si Emmanuel Guevarra na si Emmanuel 'emma' Guevarra II.

"Oo nga, Parang... fresh ka ngayon?" dagdag ni Angel sa panunutil ni Bobby. Aware sila sa naging dinner nila Charley at Jensen, they were there ng imbitahin ng gwapong binata ang maganda nilang kasamahan at kaibigan.

Hindi umimik si Charley, poker face lang ang mukha ng dalaga at kunwari ay patuloy na nakatingin sa monitor ng kanyang laptop. Isinarado ni Collin ang laptop na nasa harapan ni Charley.

"Stop pretending you don't hear us babae!" sabi ni Collin kay Charley.

Poker face pa rin si Charley, tiningnan nya ang limang kaibigan ng walang reaksyon na bumabalatay sa kanyang mukha.

"Po-po-po-poker face...po-po-po-poker face..."sabay na kanta nila John at Brad na nakapag-pangiti kay Charley.

"AHA!" pabiglang sabi ni Collin "Nahalay ka kagabi ni pogi hano." Itinuro pa ni Collin si Charley. "Pinasok ng kaharian ni big mac ang palasyo ni amazing aloha." Dagdag pa ni Collin na sa mga kaibigan nakatingin ng sabihin ang huling sentence.

"Nahalay ka dyan!" patay malisyang sabi ni Charley.

"Malamang hindi lang nahalay itong kaibigan natin." Nakangiting sabi ni Brad "Mas malamang sa na-maniac pa he-heh!" nang-aasar na sabi ng batikang abogado.

"Finally!" biglang sabi ni Bobby "Sa wakas Charley Mendoza nadiligan ka rin, yahoo!" sabi pa nito sabay high-five kay Angel.

"Sago-sago ba?" patuloy na panunutil ni Angel.

"Malamang sa gulaman at sago pa." dugtong na kantyaw pa ni Collin.

"Alala ko nabutas ang pader sa unit ni pogi eh." Natatawang sabi naman ni John.

"Bulls eye!" dagdag na sabi ni Brad.

"Lubayan nyo nga ako!" nakangiting awat ni Charley sa kahalayan ng mga kaibigan "Para kayong di mga lawyers sa mga sinasabi nyo." Kunwari ay nanay na nagagalit sa mga anak si Charley.

"Uyyy... mother superior naligaw ka dito sa opisina ng Gladiators." Nagbibirong sabi ni Brad.

"Magdedemanda ho ba kayo ng rape?" dagdag na sabi ni Angel.

"Rape with consent mother superior?" sabi naman ni Bobby.

"Ewan ko sa inyo." Nailing na lang na sabi ni Charley pero nakangiti pa rin sya. Ewan nya pero hindi sya napipikon sa mga biro ng kaibigan, she woke up in a very fine mood today. Inihatid pa sya ni Jensen kaninang umaga sa parking lot ng condo nito at mayroon pa silang goodbye kiss bago naghiwalay. At kaninang papasok na sya sa opisina ng Gladiators ay nakatanggap sya ng tawag mula kay Jensen at isang text pa ulit dito, dahilan para mag-glow ang mga pisngi at mag-spark ang mga mata ni Charley na napansin naman ng kanyang mga kaibigan.

"Anyway..." putol ni John sa kanytiyawan nilang magka-kaibigan. "Darating na ang mag-amang Winchester, let's wait for them in the conference room, Bobby and Charley you guys wait for the messenger na magdadala ng mga papaeles sa kaso ni Emmanuel the second hintayin nyo na din ang mag-amang Winchester."

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon