Third Meeting (part 3)

3.1K 100 53
                                        

'Her . . ." "This woman . . ." "That woman . . ." Gustong maasar ni Charley sa paraan ng pag-address sa kanya ni Jensen habang kausap ang Daddy nitong si Sebastian. Para bang hindi sya naka-harap sa usapan ng mag-ama. Para bang ikamamatay nito kung babanggitin ang pangalan nya or worst . . . Parang sukang-suka si Jensen na banggitin ang pangalang Charley.

Napaismid ang dalaga when Jensen threw his sarcastic smile and look at her, 'ang kapal din naman ng lalakeng ito, sya pa ang may ganang maging sarcastic at kumilos na parang naka-kadiring bigkasin ang pangalan ko.'  Sabi ng isip ni Charley. Tiningnan nang matiim ni Charley ang ekspresyon ng mukha ni Jensen. 'Hindi ba talaga nauunawaan ng impaktong ito ang impact ng usapan, na alam kong anak sya ni Sebastian at Ellen?' Nailing si Charley nang mabasang parang disappointed pa si Jensen na malamang kilala nya ang parents nito nung nagdi-date pa sila.

Charley was looking for a guilt reaction from Jensen, guilty feeling na kilala nya pala ang magulang ni Jensen nung sila pa kahit hindi pa sya ipinakilala ng binata sa mga ito. Na dapat ma-guilty si Jensen dahil close sya sa parents nito and she already had an idea sa buhay at estado ng pamilya ng binata. And that she knew his mother's birthday.

At hinding-hindi rin makakalimutan ni Charley ang kaarawan ni Ellen, sariwa pa rin iyon sa isip ng dalaga kahit na nga anim na taon na ang nakalipas at hindi nabago ng anim na taon ang sakit kasama na ang iba pang masasakit na ala-ala ng nakaraan nila ni Jensen.

She was invited, yes! But she was invited by Ellen followed by Sebastian one week bago ang birthday party. Hindi naiwasan ni Charley na habiin muli sa isip ang ala-ala ng nakaraan kahit na nga gusto na nya itong kalimutan.

Excited ang mag-asawang Winchester nang sabihin sa kanyang sa wakas ay makikilala na nya ang dalawang binatang anak ng mga ito. Kumindat pa si Sebastian sa kanya ng sabihin ang salitang: "I think our Jensen will like you." At excited din si Ellen na sinundan ang sinabi ng asawa. "Right, you and our first born Jensen have the same age, at pareho kayong lawyer." Iginalaw pa ni Ellen ang kilay na para bang sinasabing good match sila ng panganay na anak ng mga ito.

"Actually, he's number two sa bar exams sa buong Pilipinas." Proud na sabi pa ni Sebastian. "And I'm sure nabasa mo ang pangalang Jensen Winchester dahil ikaw ang number one." Charley managed to act and pretend shocked ng sabihin nya ang salitang "That's your son?"

Pero gusto ng maiyak ni Charley, she's been dating their son for nine months, nang magsimula ang OJT nya sa Ventura-Drillon ay nahulaan na nya kaagad na father ni Jensen si Sebastian Winchester. Wala namang ibang Winchester sa Pilipinas at malaki ang resemblance ni Jensen sa ama. Kaya naman malakas na kaagad ang pakiramdam ni Charley na isa sa magiging amo nya sa kanyang OJT ay ang biyenan nyang hilaw.

And she confirmed that guess nang mapunta sya sa bahay ng mga Winchester two weeks after Sebastian introduce her to his wife. Click kaagad sila ni Ellen sa unang lunch nila, hindi maintindihan ni Charley kung bakit ganun na lang ang pagka-gusto sa kanya ng mag-asawa. Nung una ay inakala ni Charley na dahil girlfriend sya ng panganay na anak ng mga ito.

Nang malaman ni Charley na may apelyidong Winchester sa opisina ng Ventura-Drillon ay gusto na nyang mag-back out at mag-OJT sa ibang law firm. Pero wala ng opening, dalawang-araw syang naka-iwas sa father ni Jensen pero kinabukasang pumasok sya sa sikat na law firm ay nagka-sabay sila sa elevator ni Sebastian Winchester.

And he approach her first and strike a conversation ."You're Charley Mendoza right?" Namula ang mukha ng dalaga dahil kilala na sya ng Daddy ng kanyang boyfriend kahit hindi pa sya ini-introduced ng boyfriend dito.

After the elevator scene, ginawa ni Charley ang lahat para iwasan si Sebastian Winchester dahil nahihiya sya dito. Ayaw nyang isipin nito na nagti-take advantage sya sa sitwasyon at trying hard na mapalapit dahil anak nito ang boyfriend nya. Pero naging persistent si Sebastian at ayon sa nagsisimula na nyang maging kaibigan na si Bobby Domiguez ay nakikita daw ni Sebastian Winchester ang pangarap na anak na babae sa kanya kaya ganun na lang kagiliw ito.

At nang ipa-kilala nito ang asawang si Ellen ay kaagad din itong nagpakita ng pagka-giliw sa kanya. Hanggang sa nalaman nitong marunong syang magluto ng Bulalo dahil iyon ang inihain nya minsan ng mag-dinner ang mag-asawang Winchester sa kanyang apartment. At nang imbitahan nga sya ni Ellen sa bahay ng mga ito para maturuan nya itong magluto ng Bulalo two weeks after their introduction ay napatunayan nyang anak ng mga ito ang kanyang boyfriend na si Jensen. Habang nagpapalambot sila ng baka ay ipinakita sa kanya ni Ellen ang lahat ng pictures ni Jensen hindi lang ang mga naka-display na frame kundi pati na rin ang mga lumang photo albums ng kanyang boyfriend. And she thought na kilala na sya ng mga ito kaya ganun na lang ka-excited magkwento si Ellen kung paanong lumaki si Jensen.

But to her dismay biglang sinabi ni Ellen, "walang girlfriend ang binata ko na yan at malakas ang sampalataya ko na magugustuhan ka ng anak ko pag ipina-kilala ka namin sa kanya." Pero pinalis ni Charley ang lungkot na nadarama at inisip na baka naman hindi lang pala-kwento si Jensen sa mga magulang ng kanyang private life.

Pinilit ni Charley ang ngumiti nang magtanong sya kay Ellen. "Sigurado ho ba kayong wala pang girl friend itong anak nyong si Jensen? Eh napaka-gwapo po nya, imposible namang di pa taken yan?" At talagang gumuho ang mundo nya ng sabihin ni Ellen, "kagabi lang andito si Jensen at kinulit ko ang batang yan kung may girlfriend ba sya dahil nga gusto namin ni Sebastian na ireto ka sa kanya. At sinigurado ni Jensen na talagang available sya."

Parang pinag-sakluban ng langit at lupa si Charley, ume-echo pa rin ang salita ni Ellen na 'kagabi lang' at sinabi ni Jensen na wala syang girlfriend, samantalang a night before that 'kagabi lang' ay isinuko nya ang virginity sa binata. Nang magsimula syang mag-OJT sa Ventura-Drillon ay gusto na nyang tanungin si Jensen tungkol kay Sebastian Winchester. Pero pinanghihinaan sya ng loob, isa pa alam ng binata na duon sya nag-o-OJT kung father nito si Sebastian dapat ay binanggit ito ng binata. Pero wala itong sinabi hangang sa maging kaibigan nya ang mag-asawang Winchester at ma-confirm na anak talaga ng mga ito ang unang lalaking tumikhim sa kanyang 'Amazing Aloha.'

At ng sabihin ni Ellen sa kanya na nag-confirm si Jensen na available ito at walang girlfriend after na masubukan ang iniingatan nyang Amazing Aloha ay hindi na nagka-lakas ng loob si Charley na sabihin sa binata na kilala nya at close sya sa mga parents nito. Hinintay ni Charley na magtagpo sila ng di sinasadya para malaman ni Jensen ang closeness nya sa parents nito pero lumipas ang buwan hanggang sa dumalang na ang pagkikita nila.

At nang araw nga na imbitahin sya ng mag-asawang Winchester para sa birthday ni Ellen ay gusto nyang maiyak dahil hindi pa rin pala nababanggit ni Jensen ang tungkol sa kanya. Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon ay available pa rin ang status ng boyfriend nya sa mga magulang. And it made her realized na hindi seryoso sa kanya si Jensen, na gusto lang sya nitong tikman ng paulit-ulit para maisama sya sa listahan ng mga experiences at sexcapades nito. Nagdududa na sya sa feelings ng kanyang boyfriend dahil parang madalas ng umiwas ito at bihira na silang magkita. Naisip na nyang nagsasawa na siguro sa kanya si Jensen.

Pero hindi sya bumitaw, umasa syang mali ang iniisip nya. Pero obvious ang mga nangyayari, after Ellen and Sebastian invited her sa birthday party naghintay syang sabihan din ni Jensen at i-offer syang maging date sa party ng Mommy nito. Sya na nga ang unang tumawag at gumawa ng approach para makapag-lunch sila sa mismong araw na yun para imbitahan sya ni Jensen pero natapos ang soup, nai-served ang main menu at mauubos na nila ang dessert ay walang nababanggit si Jensen tungkol sa birthday ng Mommy nito.

At ayaw ng mapahiya pa ni Charley, she decided to finish their relationship ng araw na iyon at nagdahilan sya sa mag-asawang Winchester at sa kaibigang si Bobby para hindi maka-attend sa birthday party ni Ellen.

'At ngayon, sya pa ang may ganang ma-disappoint!'  Nag-ngi-ngit-ngit na sabi sa isip ni Charley matapos muling i-refresh sa utak nya ang nakaraan. Sa halip na ma-guilty ang impakto ay sya pa ang may ganang manumbat---kapal!' parang gustong umusok ng ilong ni Charley.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon