"This is awkward," bulong ni Jensen sa naka-babatang kapatid na si Jared. Kibit-balikat lang ang sagot ni Jared sa kanyang kuya.
"Well, that is really a nice way of meeting each other." Salo naman ni Bobby sa usapan. "FYI, I'm talking about you two. He-heh!" dugtong pa ni Bobby sabay turo kay Charley at Jensen.
"Akalain mo magkakilala na pala kayong dalawa kahit di pa kayo nagkikita? He-heh!" gatong na biro naman ni Elias.
Hindi umimik si Charley, itinuon nya ang kanyang atensyon sa baso ng pineapple juice. Samantalang si Jensen naman ay tahimik na lumagok ng kaunting likido ng whiskey sa kanyang baso.
At sa kanilang katahimikan ay ang pagbabalik ng ala-ala ng nakaraan.
They took the bar exam, nanatiling nagkikita sina Jensen at si Charlie. Nangupahan na ng isang maliit na apartment si Charley malapit sa pinapasukang review center. Nang lumabas ang resulta, number two si Jensen at number one naman si Charley. Pagkatapos ng result ng Bar exam ay tinawagan ng Ventura-Drillon si Charley. Naging busy ang dalaga at ang dating tatlong beses na pagkikita nila ni Jensen ay naging dalawa na lang, hangang sa naging minsan sa isang lingo na lamang.
Then as days passes by ang minsan ay naging minsan tuwing ikalawang linggo na lang, hanggang sa magsimulang magtayo ng sariling law firm ang father ni Jensen. Naging busy na rin ang binata sa kabubukas na law firm ng ama. Hanggang isang araw, nag-desisyon silang dalawa na maghiwalay na lamang at naputol na ang tawagan sa telepono o ang kahit na anong contact nila.
Almost six years, pero parang kailan lang, ramdam pa rin ni Jensen at ni Charley ang dulot ng kanilang pag-iibigan. Almost a year, they only been together for almost a year pero alam nilang minahal nila ng totoo ang isa't- isa.
And Charley is the reason why Jensen never dated any woman twice. Kung nuong estudyante pa lamang sya ay iniwan na sya ng babaing minamahal, lalo pa ngayong successful na sya. Ang mga babae ay nasisilaw sa katanyagan, lahat ng babaeng nakapaligid sa kanya ay gusto lamang sya dahil sya si Jensen Winchester, gwapo, mayaman, matalino at successful. At hindi na sya ganun katanga tulad ng dati na iibig at magtitiwala pang muli sa mga babae. Lahat ng babae sa mundo ay katulad ni Charley, nasisilaw ng tagumpay!
At si Charley naman, si Jensen and dahilan kung kaya wala syang sineseryosong lalaki. Lahat ng lalaki ay katulad ni Jensen, nagsasawa! Huminto sa pagtawag at pakikipagkita sa kanya si Jensen dahil nagsawa na ito sa kanya. At hindi na nya papayagang muli ang sarili na makipag-commit at magseryoso sa isang relasyon para lang umasa at masaktan. She's Charley Mendoza, young, beautiful and smart para umasa sa lalaking kayang-kaya namang talunin ng kanyang talino at galing.
"May dumaan bang anghel?" Basag ni Elias sa katahimikan.
"Why don't you pour me another one." Ngumiti si Jensen kay Elias habang itinuturo ang kanyang baso.
"How about you Charley?" tanong ni Elias sa dalaga "Are you gonna stick with that juice o gusto mong uminom din?"
"I don't drink." Sagot naman ni Charley.
"And since when did you stop drinking?" Maagap na tanong ni Jensen.
"She doesn't drink." Maagap namang sagot ni Bobby "She doesn't drink at all not even on occasions."
"Really?" Amused na sabi ni Jensen.
"I think you'd mistaken Charley with someone else," biro naman ni Jared sa kanyang kuya.
"No, I don't!" Sabi ni Jensen sabay lagok ng tagay sa kanyang baso.
"Do you know her from somewhere?" Sabay na tanong nina Bobby at Jared.
"No!" Pabiglang sagot ni Charley. "I've never met this jerk."
"Whoa!" nagpakawala ng maikli pero nakaka-insultong tawa si Jensen. "I think I know you from somewhere, hindi ko lang matandaan kung saan? But I'm pretty sure you were drunk the first time na magkita tayo."
At muling bumalik ang ala-ala ng nakaraan kay Charley at Jensen.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
