Habang tumatagal ay lalo kong nakilala si Ico. Mabait siya at masiyahin. Hindi siya mapanghusga tulad ng iba kaya naging magkaibigan kami. Masaya siyang nakikipag-usap sa akin na parang walang kakaiba sa itsura ko.
Minsan ay nakikita ko siya na nakatambay sa isang tindahan tuwing hapon kapag pumupunta akong palengke para puntahan si Nanay. Kapag gano'n ay sumasabay siya sa akin at tutulungan niya kami ni Nanay sa mga bitbitin.
Mabuti na lang din at naging kaibigan ko siya dahil mayroon akong nakakausap. Naging abala kasi si Mary dahil pasukan na. Madalang na niya akong puntahan sa bahay. Nag-aaral rin si Ico pero maaga ang mga pasok niya kaya wala siyang ginagawa kapag hapon kundi ang tumambay.
Sa mga panahon na iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng paghanga kay Ico. Masaya ako kapag kinakausap niya ako, at gustong-gusto ko ang pagngiti niya.
“Jerrah! May boyfriend na nga pala ako!” napasinghap ako nang biglang tumili si Mary. Tiningnan ko siya at ang laki ng ngiti niya. Ngayon na lang ulit siya napunta dito sa amin tapos kanina pa ako nagsasalita ay nasa cellphone niya pala ang atensyon niya. “Ay teka! Kinukwento mo nga pala iyong bago mog kaibigan.” sabi pa niya kaya napairap ako.
“Ibig sabihin kanina pa ako nagsasalita tapos hindi ka nakikinig?!” inis na tanong ko. Napakamot siya ng ulo.
“Ito na nga, makikinig na.” sabi niya at nag-peace sign. Napailing na lang ako.
“Nahuhulog na ata ako sa kanya. Bakit kasi ang bait niya? Tapos lagi pa siyang nakangiti?” tanong ko at nagbuntong hiniga.
“Ay bongga yan! Malay mo pareho na tayong magka-lovelife!” masayang sabi niya. Napailing na lang ako.
“Imposible, sa itsura kong ito hindi ako papatulan no'n.” komento ko, napangiti ako ng mapait.
“Sino ba kasi yang bago mong kaibigan?” tanong niya.
“Si Ico, taga diyan sa kalye sa tabi ng cathedral. Bago lang sila dito kaya baka hindi mo kilala.” sabi ko. Pansin kong natigilan si Mary.
“A-ano ulit? Ano ang buong pangalan niya?” tanong niya.
“Jerico Castro.” sabi ko. Pansin ko ang biglaan niyang pagkabalisa.
“G-gusto mo ba talaga siya?” tanong niya.
“Sa palagay ko hindi lang gusto ang nararamdaman ko. Iba kasi ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Minsan ipapakilala kita sa kanya para alam mo kung sino ang kausap ko kapag wala ka. ” nakangiting sabi ko.
“H-hayaan mo kapag may time na ako pakilala mo ko. Medyo busy kasi ang sched ko. Pumuslit lang ako ngayon para mabisita ka.” sabi niya.
Napatango na lang ako. Maya-maya ay nagpaaalam na siya dahil may research pa siyang gagawin at magrereview pa para sa midterm exam. Lumabas na lang ako para mamasyal at magbaka sakaling makita ko si Ico. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita kaya nalulungkot ako. Palagay ko ay abala rin siya sa pag-aaral kagaya ni Mary.
Ngayon ay nagsisisi tuloy ako na hindi ako nag-enroll. Sana pala ay nakakasama ko siya doon at hindi ako naiinip sa bahay.
Nang hindi ko siya nakita sa court ay nagpasya na lang akong umuwi pero bago pa ako makalagpas sa Cathedral ay nakasalubong ko is Ico, may dala siyang bulaklak at abot hanggang tainga ang ngiti.
“Uy, Ara! Long time no see.” bati niya.
“Sira! Maka-long time no see ka naman, ilang araw pa lang tayong hindi nagkikita. Mukhang busy ka ata?” tanong ko pa. Medyo kinakabahan ako dahil sa bulaklak na dala niya.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...
