UHS-25

457 19 4
                                    

Medyo mahaba ang ud ngayon kaya natagalan.

Don't forget to vote. (Demanding ako kaya pasensya.)

T.y.

--chelly



***

“There you are! Kanina pa kita hinahanap.”

Napasinghap ako dahil saktong pag-ahon ko ay muli kong narinig ang boses ni Luigi.

Napapikit ako noong makaramdam ulit ng kakaiba. Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa kaba at takot.

“Jerrah?” napamulat ako napatingin kay Luigi na papalapit sa akin. “What the— Anong nangyari sa'yo?” tanong niya kaya mabilis akong napahawak sa mukha ko. Magaspang na ulit ito at tingin ko ay bumalik na sa pagiging pangit.

“Nahulog siya sa pool, Kuya.” sagot ni Levi dahilan para mabalik ang atensyon ko kay Luigi. May tinatanong nga pala siya.

“Bakit? Jerrah, okay ka lang ba?” tanong ni Luigi, hindi ako nakasagot at napatingin lang sa kanya.

Medyo madilim pero kitang kita ko ang pag-aalala sa mata niya. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko kaya nag-iwas tingin ako.

“Okay lang siya, Kuya. Na-out balance lang.” si Levi muli ang sumagot para sa akin. “Ate Jerrah, tara sa loob baka magkasakit ka.” sabi niya. Tumango ako at tumayo na pero pinigilan ako ni Luigi.

“Kaya mo ba? Buhatin na lang kita.” sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

“O-okay lang ako. K-kaya kong tumayo at lumakad.” mabilis na sagot ko at tumayo. Halos hinalahin ko na si Levi papasok ng bahay at iniwan namin si Luigi sa labas.

***

Alas otso pa lang ay pinuntahan na ako ni Marian sa kwarto ko para sabihing maghanda na ako.

Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang bag na pinaglalagyan ng mga gamit ko at naghanap ng masusuot. Nakuntento ako sa pantalon at medyo maluwag na t-shirt.

Matapos mag-ayos ay pinuntahan ko si Levi na nakabihis na rin. Pagbaba namin sa sala ay nakita ko si Marian na may hawak na Jacket. Pinasuot niya iyon sa akin dahil alam niyang hindi ako magiging komportable, inayos rin niya ang buhok ko at binigyan ng bonnet para hindi masyadong takaw pansin ang itsura ng buhok ko.

Ilang sandali pa ay bumaba na rin Luigi at halos matulala ako. Halos araw-araw ko siyang nakikita pero bakit parang habang tumatagal ay lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.

Mabilis akong nag-iwas tingin noong ngumiti siya sa akin. Bumaling ako kay Levi na nakatingin din pala sa akin. Nginitian niya ako kaya bahagya akong ngumiti.

“Let's go para marami tayong mapuntahan!” masiglang sabi ni Marian naglakad patungo sa pinto.

Sumunod kami sa kanya at pagdating sa garahe ay huminto siya sa sasakyan ni Luigi. Kaming apat lang pala, ang akala ko kasi ay si Tatay ang maghahatid sa amin.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko nang makalabas na sa gate ang sasakyan.

“Pasyal lang and kain tayo sa fave restau ko!” sabi ni Marian kaya napatango na lang ako.

Una kaming pumunta sa isang restaurant na mukhang mamahalin dahil nakareserved kami sa isang vip room. Pagdating sa pagkain ay halos hindi ko mabanggit ng maayos ang mga pangalan sa menu kaya si Luigi at Marian na lang ang nag-order ng pagkain.

“Masarap ang mga food dito and I'm sure you'll like it. Fave namin 'to ni Kuya.” pagmamalaki ni Marian kaya napatingin ako kay Luigi na busy sa pagte-text. Katabi ko si Levi habang nasa tapat naman namin ang magkapatid.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon