Madilim. Halos ang kaunting liwanag mula sa mga bituin ang naging tanglaw ko upang makita ang daan sa kagubatan na aking tinatahak.
"Hanapin n'yo!" Rinig ko ang isang sigaw na umalingawngaw sa buong kagubatan dahilan upang magpalinga-linga ako sa paligid.
"A-ah!" Halos napasigaw akong muli dahil matinding sakit na naramdaman, dumausdos ang tuhod ko sa isang nakausling ugat ng puno. Kahit madilim ay kita ang pag-agos ng dugo mula sa sugat.
"Narinig nyo ba yun? Hanapin nyo! Nasa paligid lang iyon!" sigaw muli ng isang lalake dahilan upang magpalinga-linga ulit ako sa paligid. Matinding takot at kaba ang naramdaman ko nang makita ang liwanag na galing sa mga flashlight at sulo na dala ng mga humahabol sa akin. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at humakbang.
"A-aray!" muli kong daing nang mapaluhod ako dahil sa matinding sakit. Sinubukan ko ulit na tumayo at hindi na ininda ang sakit.
"Nakita n'yo na ba!?"
"Hindi pa, hanapin nyo dyan! Siguradong hindi pa nakakalayo iyon." Nagsimula na akong manginig dahil sa takot, hirap na ako sa paghinga dahil sa ilang oras na pagtakbo sa gubat. Ramdam ko rin ang kirot at sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko dahil sa mga sugat natamo noong batuhin ng mga tao kanina. Halos walang na rin akong makita sa paligid dahil sa gabi na.
"Teka! May nakikita kong tao dun!! Baka yan na ang salot na hinahanap natin!" sigaw ng isang matandang lalaki. Gulat akong napalingon sa aking likuran at isang kakasilaw na liwanag ang bumungad sa aking paningin.
'Hindi!'
"Sya nga! Mga kasama nandito ang salot dali!" sigaw ng mga nakita sa akin. Agad nilang sinenyasan ang ibang mga kasama niya upang ipaalam na nakita na nila ang salot na hinahanap. Mas kong binilisan ang pagtakbo kahit na iika-ika na ako. Hindi ko na ininda ang sakit basta ang nais ko lang ay makaalis sa bangungot na ito.
"Dalian ninyo! Patayin na yan para hindi na makapaminsala ang salot na yan!!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki. Unti-unting nanlabo ang paningin ko dahil sa tubig na nag-uumapaw dito. Kanina ko pa pinipigilang pumatak ang luhang ito ngunit hindi ko na magawa dahil sa takot at sakit na nararamdaman.
"Bilisan n'yo baka makatakas nanaman!"
"Ah!" Muli akong napadaing sa sakit nang mapasusob naman ako sa lupa dahil sa isang malaking lubak sa daan. Tuluyan na akong napa-iyak dahil sa matinding sakit. Sinubukan kong gumapang patungo sa isang malaking puno upang magtago, ngunit saktong pagsandal ko ay may humila sa akin. Sisigaw na sana ako ngunit bago ko pa ito magawa at tinakpan na ng kung sino ang bibig ko. Lalong lumakas ang mga hikbing kumakawala sa akin.
'Nahuli na nila ko. Mamamatay na ba ko?'
"Jerrah, anak. Huwag kang matakot si tatay 'to." bulong ng lalaking nagtakip sa bibig ko. Pakiramdam ko ay nabunutan ng tinik sa lalamunan, nabawasan kahit papaano ang takot na nararamdaman ng marinig ang boses ng aking ama. Iniharap niya ako, kahit madilim ay nasisiguro kong si tatay ito kaya mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko na nagawang pigilan ang hikbing kanina pa gustong kumawala.
"T-tay n-natatakot ako." mahinang sabi ko habang nakayakap pa rin kay tatay.
"A-alam ko anak. Huwag kang matakot hindi ko hahayaang saktan ka nila." Bulong ni tatay. Hinang-hina na akong tumango.
"Tay bu...ti du...ma...ting..." pahina ng pahinang sabi ko, biglang bumigat ang pakiramdam ko at tuluyang bumalot ang kadiliman sa aking paningin.
BINABASA MO ANG
Under her spell
خيال (فانتازيا)Thank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...