UHS-7

343 18 0
                                        

Lumapit si kuya Marco sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Napa-aray ako dahil sa higpit ng hawak niya, pero imbis na bitawan ay lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.

"Mary? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Ico kaya napatingin ako kay Mary. Hawak pa rin niya ang mukha niya at walang tigil sa paghagulgol.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" pasigaw na tanong ni Kuya Marco. Hindi ako sumagot at pilit na nagpumiglas sa hawak niya.

"Marco, nawalan ng malay si Mary!" bigla ako niya akong binitawan kaya napa-upo ako sa lupa. Mabilis kong dinampot ang libro at tumakbo paalis.

Ang sama ng pakiramdam ko kaya mabilis akong hiningal dahil sa pagod. Mula sa likod ay isang braso ang humablot sa akin at pagharap ko ay nakita ko si Kuya Marco.

"Anong ginawa mo kay Mary!?" pasigaw na tanong niya dahilan para mapatingin ang mga tao sa paligid. Nasa gitna kami ng kalsada kaya takaw atensyon.

"W-wala!" sagot ko at pilit na nagpumiglas pero ayaw niya akong bitawan. Biglang sumikip ang dibdib ko kaya natigilan ako saglit.

Napapikit ako nang mariin at sinubukang bawiin ang braso ko. Isang hila pa lang ay binitawan na ako ni kuya Marco kaya napamulat ako. Nanlaki ang mata ko nang makitang tumilapon siya sa kabilang bahagi ng kalsada. Napahinto ang mga tao sa paligid at napatingin sa akin.

"H-hindi ko sinasadya." nasabi ko na lang kay Kuya Marco. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Luminga ako sa paligid at doon napansin na lumalayo ang lahat sa akin. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng bulungan.

"Anong nangyari?"

"Paano niya nagawa iyon?"

"Sino ba yan? Grabe naman ang itsura."

"Nakakatakot ang itsura niya."

"Marco, anong nangyayari? Sino yan?" tanong pa nang isang matandang lalaki.

"Hindi ko siya kilala pero may ginawa siya kay Mary." sagot niya at bumangon. Patungo muli siya sa akin kaya sinubukan kong tumakbo, pero may mga humarang sa daraanan ko. Napatingin ako kay Kuya marco na palapit muli sa akin. Bigla na naman ako nakaramdam ng kakaiba kaya napapikit ako.

"H-huwag kang lalapit..." mahinang sabi ko bago nagmulat, kasabay noon ay ang muling pagtilapon ni Kuya marco bago pa niya ako mahawakan. Muling lumayo ang mga tao na nakaharang sa daan ko, puno ng takot ang mga mata nila.

"I-ikaw ang mangkukulam na sinasabi nila!" biglang sigaw ng isa mula kumpol ng mga tao.

Mabilis akong umiling para itanggi iyon pero mukhang walang maniniwala sa akin. Umatras ako para sana tumakbo palayo sa kanila pero saktong pagtalikod ko ay isang bagay ang tumama sa gilid ng ulo ko.

"Aww..." daing ko at napahawak sa gilid ng ulo ko dahil sa sakit.

"Ikaw ang kumulam sa anak ko!" Sigaw ng isang ginang kaya napailing ako. Kumuha muli siya ng bato at ibinato sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at bumulong ng orasyon para pigilin iyon.

"Siya ang sinasabi ng albularyo na may dala ng mga salot."

Muli akong napailing pero mukhang wala silang balak makinig. Tulad ng ginang ay kumuha sila ng bato at ipinukol sa akin. Agad akong bumulong ng orasyon upang mapigil ang mga lumilipad na batong patungo sa akin. Balak ko sanang umalis na at tumakas pero pagtalikod ko ay may mga tao na rin sa doon.

"Aaww!" daing ko nang may tumama sa likod ko. Nagsimula muling bumato ang iba at wala akong magawa kundi ang salagin iyon gamit ang kapangyarihan ko. Ilang sandali pa ay may mga lalaki na dahan-dahang lumalapit sa akin mula sa sa kaliwa at kanan. Bigla akong nakaramdam ng pagkaliyo.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon