Jerrah's PoV
Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Masakit pero wala akong magawa kundi tiisin ang sobrang sakit na naradaman ko. Wala akong makita kundi kadiliman pero naririnig ko ang mga boses nila. Hindi ako makasigaw dahil walang boses na lumalabas sa akin.
Para akong nasa isang panaginip. At sa panaginip na ito ay nakakulong ako sa isang kwarto na madilim pero ang kaibahan lang ay totoo ang nararamdaman kong sakit. Para akong sinusunog.
‘Jerrah, ayos ka lang ba?’
Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya agad akong napatingin sa paligid kahit wala akong makita.
‘Paano sasagot yan e, tulog.’
Si Caroline at Luigi! Nag-uusap sila at nagkukumustahan. Hindi ko alam pero kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil alam kong hindi ako nag-iisa.
‘You don't look fine.’
‘W-well… compare naman sa naramdaman ko kanina this is nothing.’
Napayuko ako. Kasalanan ko, ako ang dapat sisihin sa nangyayari kay Caroline. Siguro ay ito ang kaparusahan ko.
‘Nakapag-isip ka na ba? Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo kay Jerrah…Sorry, narinig ko kasi kayo noong minsang nagtatalo kayo malapit sa car park.’
“I love her, and I'm sure about it. Wala naman akong pakialam sa itsura niya, she's unique not because of her looks. She's complicated but in a good way.”
Hindi ko napigil ang sarili ko na umiyak dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko.
Gusto ko siyang makita… gusto kong makita si Luigi pero ang dilim. Paano ako makakaalis sa lugar na 'to kung hindi ko man lang maigalaw ang katawan ko.
Natigilan ako noong maramdamang may humawak sa kamay ko at sa isang iglap ay parang biglang nawala ang sakit. Pero hindi nagtagal ay bumalik muli ang sakit at init ng pakiramdam ko.
‘Jerrah… Hush… relax. I'm here… hindi kita iiwan.’
***
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko ngunit agad rin akong napapikit dahil sa liwanag. Huminga ako ng malalim at sinubukan muling imulat ang mga mata ko. Nagulat ako noong makita si Luigi na nakahiga sa tabi ko pero hindi ako lumayo o ano pa man, tiningnan ko lang siya. Ilang sandali lang ay nagmulat na rin siya at matagal na tumitig sa akin. Lumipas ang ilang segundo ay mabilis siyang napabangon.
“A-anong nararamdaman mo? Anong masakit?” mabilis na tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot dahil nanunuyo ang lalamunan ko, mukhang napansin niya iyon dahil dali-dali siyang kumuha ng tubig. Matapos niyang iabot ang tubig ay pumunta siya sa gilid at doon ko nakita na ginigising niya si Lola Alyana.
“Luigi, relax.” sabi niya sa apo at bumaling sa akin. “Mabuti na lang at hindi natagalan ang tulog mo.” sabi niya at may kinuha sa bag. Nakita ko ang isang maliit na bote at isinalin niya ang laman noon sa tubig na binigay ni Luigi.
“Lola, ano iyong inilagay mo?” kunot-noong tanong ni Luigi.
“Nothing. Bumili ka ng makakain at gutom na si Jerrah.” utos na lang ni Lola at walang nagawa si Luigi kundi ang sumunod.
Ininom ko na ang tubig at halos ibuga ko iyon dahil sobrang pait ng lasa. Iluluwa ko sana pero pinigilan ako ni Lola.
“Binigay iyan ni Phillip. I'm sure kilala mo siya, magaling gumawa ng herbal drink ang mama niya.” nakangiting sabi niya kaya natigilan ako at napatingin sa iniinom ko. “Don't worry sigurado akong herbal drink iyan at hindi gayuma kaya relax.” sabi pa niya at natigilan noong mapagtanto ang sinabi.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...