Luigi's PoV
“You knew that we have hidden security cams sa university at madalang kong i-check 'yon. Naisipan kong i-review ang ilang records at may napansin akong kakaiba.” sabi niya at umusog para makita ko ng buo ang PC.
Ilang sandali lang ay may nag-play na clip. Kung hindi ako nagkakamali ay sa gilid ng Educ building at ilang seconds pa ay may lumitaw na babae kahit medyo malayo ang kuha ay makikilala mo agad siya dahil medyo unique talaga ang itsura ni Jerrah. Ilang sandali pa ay parang may sinesenyasan siya.
“Anong meron?” tanong ko kay Melvin kaya may kinalikot siya sa computer niya.
“Same time at same date may na record na kakaiba sa isang cctv na hindi kalayuan sa Educ building that time. Mero'ng ginagawa ang isang maintenance.” sabi niya.
May panibagong window na lumabas kaya napatingin ulit ako sa PC. Tiningnan ko ang time record ng dalawang windows at sabay nga ito. Tumingin ako sa bagong window ng mag-play na ito. May nakita akong tao na nakatayo sa hagdan habang nagpapalit ng ilaw sa isang poste hanggang sa naging shaky ang ladder na tinatayuan niya at tumagilid ito. Mahuhulog na dapat iyong maintenance, as in pabagsak na siya pero sa isang iglap ay parang bigla siyang lumutang sa ere at dahan-dahang bumaba. Bumaling ako sa window kung nasaan si Jerrah at dali-dali siyang umalis noong luminga sa paligid iyong maintenance.
“What the ef? Edited yan! Huwag mo nga akong pagtripan.” sabi ko pero umiling si Melvin.
“Kung ayaw mo maniwala then you should watch this too.” sabi niya at may kinalikot sa mga file niya.
***
Hindi ko alam kung ilang video ang napanood ko pero lahat iyon ay hindi kapani-paniwala. Lalo na iyong video na kasama ni Jerrah si Lewis sa isang laboratory at biglang may lumitaw sa kamay ni Jerrah.
I don't know what should I feel right now. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip at naguguluhan ako.
“Here.” sabi ni Melvin at inabot ang isang bote ng beer. Nandito pa rin kami sa office niya kahit gabi na. “Naaalala mo ba iyong naikwento mo sa akin noong bagong dating si Jerrah sa bahay ninyo?” tanong ni Melvin kaya napaisip ako.
“Noong dumating siya sa bahay ay puno siya ng galos at pasa.” sabi ko kaya napatango siya.
“That's ten months ago. Noong time na iyon ay may nakwento si Raizon sa akin. About sa isang mangkukulam na kinuyog ng taong bayan pero nakatakas at nabanggit din ni Rai na iyon ang kumulam kay Caroline.” paliwanag niya kaya nagsimula na ring magtugma pa ang ibang pangyayari.
Iyong sabay na pagkakaroon ng sakit ni Jerrah at Caroline ay connected din at hindi nagkataon lang.
“Wala bang pinakain o pinainom na kakaiba sa'yo si Jerrah?” tanong ni Melvin kaya natigilan ako.
“Uuwi na ako.” paalam ko at lumabas na ng office niya.
Sinubukan kong tawagan si Jerrah pero hindi niya sinasagot. Dalawang tao lang ang kilala kong makakapagsabi ng totoo kaya sibukan ko silang tawagan pero hindi ako sinasagot ni Lola.
“Hello? Lewis, nasaan ka? Kasama mo si Lola?” tanong ko.
“Wala, kasama ko girlfriend ko at may binabantayan kami kaya busy ako. Bye.” mabilis na sabi niya at tinapos ang tawag.
Hindi ako mapalagay sa mga nalaman ko kaya naisipan kong puntahan ang bahay ng Lola ko pero bigo akong makita siya.
“Wala siya. Ang sabi niya bukas pa siya babalik.” sagot ni Levi.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasyThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...