Luigi's PoVNapabugtong hininga ako. Ilang oras nang walang malay si Jerrah. Sinubukan ko na siyang pasinghutin ng ammonium pero wala pa rin.
"Hindi ba dapat na natin siyang dalhin sa ospital, kuya?" tanong ni Marian. Siya ang nakakita kay Jerrah sa tapat ng gate pagdating niya. Hindi agad nakita ng guard namin dahil nakabreak siya. Tinawagan niya ako kaya kahit nasa kalagitnaan ako ng klase ay umuwi ako.
Kanina ko pa rin pinag-iisipan na dalhin si Jerrah sa ospital pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin. Sasagot na sana ako sa tanong ng kapatid ko pero natigil nang magsalita si Tita.
"Anak, anong nararamdaman mo?" 'yan ang bungad na tanong ni Tita Cora nang makitang magmulat ng mata si Jerrah.
Napaayos ako ng tayo at pumunta sa tabi ni Tita. Hindi gumagalaw o bumabaling si Jerrah sa amin. Nakatulala lang siya sa kisame.
"Jerrah?" tawag ni Tita ngunit wala kaming natanggap na reaksyon.
"Tita, tabi ka muna." sabi ko at kinuha ang maliit na flash light sa gamit ko. Agad namang tumabi si Tita.
Itinapat ko ang flashlight sa mata niya at hinawakan ang pisngi niya. Napapikit siya sandali at nagmulat. Napasingap siya at mabilis na napabangon noong mapatingin sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito!?" gulat na tanong niya habang pilit na lumalayo sa akin. Napahawak siya sa dibdib niya at parang biglang bumilis ang paghinga niya.
"Anak, huminahon ka." mabilis na napatingin si Jerrah sa gilid.
Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.
"A-ano ba ang nangyari?" tanong niya matapos ilibot ang tingin sa kwarto.
"Kami dapat ang magtanong niyan sa'yo, ate. Pagpasok ko ng gate kaninang hapon ay nakahilata ka sa daan." napakunot noo siya dahil sa sinabi ni Marian.
"Ano ba ang nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?" tanong ko dahilan para mapabaling siya sa akin.
"Ayos lang ako. Hindi ko lang maalala ang nangyari kanina." sagot niya kaya kahit paano ay nakampante ako.
"Hindi na ba masakit ang tiyan mo?" tanong ko ulit dahilan upang matigilan siya at mapahawak sa tiyan. Hindi ko mawari ang itsura niya kaya muli akong nagpanic. "M-masakit pa rin? Baka yan reason kung bakit ka nawalan ng malay. Lumilipat ba ang sakit? Gaano kasakit?" natatarantang tanong ko. Balak ko na sanang buhatin siya para dalhin sa ospital pero itinaas niya ang kanyang kamay dahilan para matigilan ako.
"Nagugutom na ako." sabi niya at mabilis na bumaba na sa kama.
Habang ako ay natulala. Okay... I think I'm being OA here.
***
Pinanood ko lang si Jerrah habang kumakain. Sinabayan siya ni Marian at masasabi kong parang walang nangyari sa kanya dahil ang takaw nilang dalawa.
"Oh my god!" napatingin ako sa sala noong marinig ang boses ni Mama. "Jerrah, okay ka na ba?" tanong niya pagdating sa kusina. Tumango lang siya dahil may laman pa ang bibig niya.
"Kain po." alok niya matapos malunok ang nginunguya.
Napangiti ako at napaiiling, mukhang napansin iyon ni Jerrah dahil napatingin siya sa gawi ko. Ngumiti akong muli pero bigla siyang nag-iwas tingin.
"Okay lang siya, Ma. Na-check ko na siya, wala namang masakit sa kanya, hindi rin
nabagok ang ulo dahil sa pagbagsak niya. Wala rin akong nakita na bukol." baling ko kay Mama kaya napatango siya.
BINABASA MO ANG
Under her spell
ФэнтезиThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...