Jerrah's PoV
"Anak, may bisita tayo. Pagkatapos mo diyan ay lumabas ka at ipapakilala kita." sabi ni Nanay at nagmamadaling lumabas.
Nagtataka man ay pinagpatuloy ko ang pagre-review sa mga libro ko. Mahigit isang taon akong bakasyon kaya halos nakalimutan ko na ang ibang napag-aralan ko.
Noong matapos ko ang isang chapter ay tumayo na ako at itinabi ang libro. Paglabas ko ay luminga muna ako sa paligid. Ang sabi ni Nanay kanina ay hindi pa dumadating ang magkapatid kaya nang makita kong wala pa sila ay tumuloy na ako sa paglabas.
Sumilip ako sa sala at nakita na seryosong nag-uusap si Nanay at Doktora kasama ang isang matandang babae. Hindi muna ako nag-abala na lumapit sa kanila dahil mukhang importante ang pinag-uusap nila. Naghanda na lang ako ng juice at sandwich para ibigay sa bisita.
"Lola!" Abala ako sa paghahalo ng juice nang bigla kong marinig ang boses ni Marian.
Mabilis kong binitawan ang hawak na sandok. Balak kong bumalik na sa kwarto upang hindi nila ako maabutan dito sa kusina. Hangga't maari ay ayoko munang makihalubilo sa magkapatid. Isang linggo na matapos ang nangyari pero pakiramdam ko parang kanina lang. Hindi maalis sa isip ko kung paano lumapat ang labi ko sa labi niya at kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko na daig ko pa ang tumakbo mula sa malayo.
Napatigilan ako at napasinghap nang pagpihit ko ay nakita ko ang isang batang lalaki. Nakatingin siya sa akin at halos hindi kumukurap. Inisip kong baka natakot siya sa itsura ko kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Bata, huwag kang matakot." marahang sabi ko pero hindi pa rin siya natinag sa pagkakatitig sa akin.
"Hindi ako takot sa'yo." sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Can you please stay there?" tanong niya kaya tumango ako. Bigla siyang pumunta sa pinto papunta sa likod ng bahay.
"Lola!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Gusto ko nang tumakbo papunta sa kwarto ko pero biglang bumalik ang bata at may dala na itong tali.
"Miss, hold this for me." sabi niya at inabot ang dulo ng tali.
Naguguluhan akong tumingin sa bata pero ilang sandali lang ay nagsimula na siyang tumakbo paikot sa akin habang hawak ang isa pang dulo ng tali.
"Uy! Anong ginagawa mo!?" gulat na tanong ko dahil nakapulupot na ngayon sa akin ang tali.
Napatingin ako sa bata noong tumigil siya sa pagtakbo at hinigpitan ang pagkakatali ko. Pagpunta niya sa harap ko ay napansin ko ang ngisi niya na katulad ng ngisi ni Luigi.
"Lola! Lola!" nagulat ako noong biglang sumigaw ang bata.
"Huwag kang sumigaw!" mariing sabi ko. Baka biglang pumunta dito si Luigi, hindi naman ako pwedeng gumamit ng orasyon sa harap ng batang ito.
"Nakahuli ako ng mangkukulam!" sigaw niyang muli dahilan para manlaki ang mga mata ko at mapanganga.
'Paano niya nalaman?'
Dahil sa sinabi nang bata ay bigla akong nataranta. Ang unang pumasok sa isip ko ay kailangan kong umalis dito, kaya kahit nakatali ay tinangka kong umalis pero hindi ko namalayan na natatapakan ko na pala ang mga nakakalat na tali dahilan upang matalisod ako. Tumama ang likod ko sa gilid ng lababo dahilan upang mabungo ko ang pitsel na tinimplahan ko ng Juice. Halos sabay kaming bumagsak ng pitsel pero dahil nakatali ako ay wala akong naging suporta at tumama ang gilid ng mukha ko sa marmol na sahig.
"Jerrah!"
Napadaing ako dahil sa sakit ng ulo pakiramdam ko ay nakalog ang utak ko, isabay pa ang malamig na juice na tumapon sa sahig dahilan para mabasa ang suot kong palda. May nararamdaman akong kirot sa binti ko pero hindi ko magawang ipirmi ang atensyon ko dahil nahihilo ako.
BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasíaThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...