Hindi ko alam kung mali lang ako ng rinig o bigla lang akong nabingi. Napatingin ako kay Tita Annie para kumpirmahin iyon pero malungkot siyang napailing.
"He can't remember anything." sabi ni Tita kaya muling bumalik ang tingin ko kay Luigi na blanko ang reaksyon habang nakatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko magawang makapagsalita dahil parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko.
"Jerrah, okay ka lang ba?" tanong ni Tita Annie kaya mabilis akong napailing.
"P-paano?" mahinang tanong ko.
"Base sa resulta ng mga test niya kanina ay okay na siya, nawala na ring swelling sa utak niya, pero wala na siyang maalala na kahit ano. Ito ang dahilan kung bakit natagalan kami dahil sinubukan kong magpakilala sa kanya." paliwanag ni Tita.
"L-lahat?" tanong ko kaya tumango siya.
Pabagsak ako napaupo muli sa sofa at napatingin kay Luigi na nakatingin pa rin sa akin.
"Luigi, si Jerrah nga pala girlfriend mo." pakilala ni Tita sa akin pero hindi siya nagsalita o nagtanong, nanatili siyang nakatingin sa akin.
May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko dahil wala man lang siyang reaksyon. Hindi ko na naman tuloy mapigil ang luha ko.
"S-si Phil!" nasabi ko at mabilis na tumayo. "T-tita, si Phil! B-baka may ginawa siya! B-baka ginamitan niya ng sumpa si Luigi." nasabi ko na lang, pinunasan ko ang pisngi ko at huminga ng malalim.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Tita kaya natigil ako sa balak kong pag-alis.
"May pupuntahan lang po ako, sigurado akong siya ang may gawa nito." sagot ko.
"Jerrah! Alam ko na ang tungkol sa mga witch na kumupkop sa iyo, hindi ba delikado na bumalik ka pa doon?" tanong ni Tita.
"Bakit aalis ka na agad?" napabaling ako kay Luigi dahil sa tanong niya at itinuro si Tita. "Siya, ipinaliwanag niya kung kaano-ano ko siya at hindi niya ako iniwan. Pero nang nalaman mo lang na wala akong maalala ay aalis ka na." sabi niya. Walang kahit anong emosyon ang bumabakas sa mukha niya.
"G-gusto ko sanang manatili para samahan ka, pero..." sabi ko.
"Pero mas pinili mo pa ring umalis." dugtong niya sa sinabi ko kaya mabilis akong napailing.
"Hindi! Hindi naman sa ganoon-" nasabi ko na lang at huminga ng malalim.
"Okay." sabi niya at tumingin sa ibang direksyon kaya muli akong napanganga.
"Gustong-gusto kong manatili sa tabi mo pero hindi ako magsasayang ng oras lalo na at alam ko na may pwede akong gawin para bumalik agad ang mga alaala mo. Ayoko lang na tumagal pa ang paghihirap mo." paliwanag ko at naglakad na papunta sa pinto.
Binuksan ko na ang pinto at isang hakbang na lang ay nasa labas na ako ng kwarto nang bigla niya akong tawagin.
"Jerrah..." huminto ako at lumingon sa kanya. "Huwag ka nang bumalik do'n." sabi niya at nag-iwas tingin sa akin.
"Sandali lang ako. May kakausapin lang ako." paalam ko pa kaya muli siyang napatingin sa akin.
"Hindi na kailangan! Okay na ko!" biglang tumaas ang boses niya kaya naguguluhan akong napatingin kay doktora na ngayon ay mukhang gulat na gulat rin sa nangyayari.
"O-okay ka na?" hindi makapaniwalang tanong ko at lumapit sa kanya. Muli ay hindi ko na naman mapigil ang aking luha. "P-pinaglalaruan mo ba ako!?" halos pasigaw na tanong ko at napapadyak na lang sa inis.

BINABASA MO ANG
Under her spell
FantasíaThank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago an...