UHS-47

232 18 2
                                    


“May problema ba?” tanong ni Lewis na akala mo'y walang kamalay-malay sa nangyayari.

Gusto ko siyang batukan dahil sa mga ginamakalapit ni Luigi. Napatingin ako kay Arweine na agad nag-iwas tingin sa akin at pasimpleng ngumiti. Napabuntong-hininga na lang ako.

“W-wala. Kumain na muna kayo ng pinsan mo.” anyaya ni Tita Marina.

Imbis na makisalo sa ibang bisita ay mas pinili nilang doon na lang kumain sa kusina.

Ramdam na ramdam ko ang tensyon at pagkabalisa ng mga nakakatanda. Alam ko ang nararamdaman nila dahil nababalisa rin ako, isabay mo pa ang kabang nararamdaman ko dahil hindi talaga maganda ang kutob ko.

Matapos kumain ang dalawa at laking pasasalamat ko na wala pang ano man ang nangyari na kakaiba. Inanyayahan sila ng kambal na makisalo sa ibang bisita dahil magsisimula na silang uminom.

“Sumama na rin kayo sa amin, Kuya Phil at Jerrah.” anyaya ni Arweine. Balak ko sanang tumanggi pero bago ko pa magawa ay sumang-ayon na si Phil.

“Sure.” sabi ni Phil at mabilis na tumayo, bumaling pa siya sa akin at ngumiti. “Tara? It's been a while since I interact with new people.” sabi pa niya kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon rin. Bumaling ako kay Luigi at doon ko napansin na nakatingin siya sa amin.

Pumunta kami sa hardin kung saan nakapwesto na ang mga kaklase at kaibigan nila Arweine. Ipinakilala niya kami at pansin ko ang kakaibang tinginan nila noong ako na ang pinapakilala pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Nagsimula silang mag-inuman at sinubukan nila akong tagayan pero tumanggi ako dahil hindi ko gusto ang amoy ng alak. Nagmamatyag lang ako, si Phil ay masiglang nakikipag-usap sa mga bisita at minsan ay babaling sa akin upang tanungin, habang si Luigi naman ay tahimik lang. Minsan ay kakausapin siya ni Roweine at titingin sa akin kaya mabilis akong nag-iiwas tingin.

Habang tumatagal ay lalong nagiging maingay ang mga bisita ng kambal dahil siguro mga lasing na. Karamihan sa bisita ay babae at pansin ko ang iba sa kanila ay panay tingin kay Luigi at mayroon pang nakipagpalit ng upuan kay Roweine para makatabi siya. Nagbubulungan sila no'ng babae na iyon. Hindi ko maiwasang ikunot ang aking noo dahil sa pag-iisip. Bakit kailangan pa nilang magbulungan?

“Lewis, pakilala mo naman kami sa pinsan mo.” hirit pa ng isang babae na nasa kabilang side ng mesa. Pansin ko na interesado rin ang ibang babae.

“Pakilala ka raw.” sabi ni Lewis at siniko ang pinsan.

Bigla akong nakaramdam ng inis kay Lewis at nadagdagan pa iyon noong biglang tumingin si Luigi doon sa babaeng gustong makipagkilala. Ngumiti pa ang loko at tumayo para pakipagkamay. Mukhang sinamantala rin iyon ng ibang babae at pati sila ay nagpakilala.

“Punta lang ako sa banyo." Paalam ko kay Phil na abala rin sa pakikipag-usap sa isang pinsan.

Padabog ko na iniusog ang bangkong inuupuan ko. Kaya napatingin ang iba sa akin pati na si Luigi pero wala akong pakialam. Pagpasok ko sa bahay ay agad akong natigilan at napaisip. Bakit ba apektado ako? Bakit naiinis ako sa mga babaeng iyon kahit wala naman silang ginagawang masama? Napailing ako. Hindi dapat ako nagkakaganito.

Imbis na sa banyo ako pumunta ay nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto roon bago naisipang bumalik sa hardin. Sa pagbalik ko ay napansin ko na may iba nang nakaupo sa pwesto ko, isa rin sa mga kaibigan ni Arweine ang kumakausap kay Phil. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala akong inis na maramdaman.

Luminga ako sa paligid para humanap ng bakanteng upuan pero kay Luigi nahinto ang aking paningin. Doon ko napansin na nakatingin siya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas tingin. Napansin ko na walang katabi si Roweine kaya sa kanya ako lumapit.

Under her spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon